Silver Thread

6 1 0
                                    

Pumunta na nga kami ni Katie sa Blacksmith.

"So ito na 'yon" nasabi ko habang namamangha sa napakaraming sandatang nasa loob nito.

Pumasok kami ni Katie sa loob at sa aming pagpasok sinalubong kami ng isang matandang babae.

"Lola Dai!" tuwang-tuwang sabi ni Katie.

"Oh,Katie anak.Anong bulong ng tadhana anak.Bakit ka napunta rito?"mahinahong tanong ng matanda.

"Lola, siya nga po pala si Von."sabi ni Katie.

Lumapit sa'kin si Lola Dai at inusisa ako.Tinignan niya ako sa'king mga mata.

"Siya ba'y manliligaw mo Katie?"tanong nito.

"H-hindi po Lola Dai,siya'y kaibigan lang"namumulang sinabi ni Katie.

"Batid ko anak"saad nito Lola Dai.

"Von huh, nakikita ko sayo ang isang mahusay na Demon Hunter" seryosong sabi ni Lola Dai.

"By the way ,Lola Dai , pumunta kami rito upang maghanap ng Elite Arm para kay Von." Saad ni Katie.

"Hu hu,sige lang mga anak mamili lang kayo"masayang sabi ni Lola Dai.

Lumakad kami ni Katie upang malapitan ang mga sandata.

Inuna kong puntahan ang mga mabibigat at mamaking sandata.Naisip ko na kung mabigat at malaki ang sandata ay madaling makahuli ng Demon Beasts.Sumubok ako ng isa,kinuha ko ang isang malaking maso ngunit hindi ko kayang buhatin ang isang ito.

Siguro hindi para sa'kin ang mabibigat na sandata.

Sinunod naming puntahan ang Pana at palaso,ngunit wala sa mga ito ang bumagay sa'kin .Sa tuwing susubok akong tumira ng target sa ibang deriksyon pumupunta ang palaso.

Pinuntahan namin ang mga magic armaments ngunit wala sa mga ito ang bumagay sa'kin.

Dumating na ang hapon ngunit wala paring Elite Armaments na bumabagay sa'kin.

"Von, anak, hindi ikaw ang pipili ng sandata kundi ang sandata ang pipili sayo."bulong ni Lola Dai sa'kin.

"H-huh! Kanina ka pa ba nandyan?"nagulat kong tanong.

"Hehe,"mahina niyang tawa.

Saka siya umalis at punta sa malayo.

"Ang weirdo ng matanda iyon"saad ko sa'king isipan.

Mula sa aking kinatatayuan nakita ko ang isang Elite Arm na talagang pumukaw sa'kin atensyon.

Nilapitan ko ito at kinuha.

"Isang sinulid"sabi kosa'king isipan.

" 'yan ang Silver Thread"mahinang sabi ni Lola.

"Wahhh!Pwede ba Lola  wag kang mang-gulat"Sigaw ko kay Lola Dai.

"Mahusay Von,'yan ang Silver Thread.Bibihira ang pinipili ng sandatang iyan.Matagal na rin nangmuli kong nakitang ginamit ang sandatang iyan."mahinahong saad ni Lola Dai.

"Silver Thread?A-ano naman po ito at anong kaya nitong gawin?"Tanong ko kay Lola Dai.

"Ang Silver Thread na hawak mo ay gawa sa pinong bagal na sinadya gawing isang sinulid.Madali nitong napuputol ang lahat ng bagay.Gamit ang iyong mga daliri makokontrol mo ng madali ang Silver Thread."pagpapaliwanag ni Lola Dai.

Inabutan ako ng mga gloves ni Lola Dai,naglagay siya ng aparato sa'king likuran at saka ipwenesto ang Silver Thread.

"Isuot mo na ang gloves"saad nito.

At naramdaman ko na biglang gumalaw ang sinulid mula sa'king likuran.

Hindi ko alam ang nangyari ngunit naramdaman ko na parang lumakas ako.

"Bagay sayo Von ang bago mong sandata"Masayang saad ni Lola Dai.

Maya-maya lumapit sa'min si Katie.

"Von, tinatawag tayo ng Yama.Kailangan na nating umalis."saad ni Katie.

"Lola Dai, mauna na po kami.Salamat po"sabi ni Katie kay Lola Dai.

Umalis na kami ni Katie sa Blacksmith at pumunta sa office of the Yama.

*Sa office.

"Master Yama, bakit niyo po kami pinatawag?"seryoso kong tanong.

Inabot niya ang isang susi sa'kin.

"'Yan ang susi ng magiging pansamantala mong tirahan dito."saad nito.

"S-salamat po Master Yama"sabi ko.

"Maari na kayong umuwi dalawa"dagdag nito.

"Maraming salamat po ulit Master Yama"saad ko.

Umuwi na kami ni Katie.

*sa condo

"Room 211,ito na iyon"saad ko sa'king isipan.

Tapat lang ng Condo ni Katie ang sa'kin.

Binuksan ko ang pinto ng Condo na binigay sa'kin ng Yama.

Nagulat ako sapagkat itong-ito ang hitsura ng Condo namin ng Lola ko noong nabubuhay pa ako.

"P-paano ito nangyari, lahat ng detalye ng condo namin gayang-gaya."gulat na gulat kong nasabi.

Biglang pumasok sa'king isipan na alam pala ng Yama ang lahat.

Nagluto ako ng itlog at kumain

Naligo at pagkatapos ay

Natulog na ako sapagkat napakaraming nangyari ngayong araw.

Capturing Demons.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon