"Airesse! Bangon naaaa!" Rinig kong sigaw ni mother mula sa labas ng kwarto kasabay ng pagkatok niya sa pinto.
Iminulat ko na ang mata ko at naglabas ng isang malaking ngiti sa aking labi.
"GOODMORNING LORD!"
Maligayang pagbati ko kasabay ng pagbangon sa kama.Nag-unat-unat pa ako habang malawak na nakangiti na akala mo'y may boyfriend na!
Oh well, in love kasi ako! In love na in love kay Jesus!♡_♡
Nagpray muna ako ng saglit. Syempre, kailangan ko munang magpasalamat kay Lord dahil binigyan Niya uli ako ng chance na mabuhay, diba?
Pagkatapos niyon, sinuot ko yung eyeglasses ko mula sa side table ng kwarto ko, saka sinet up ang cellphone ko at nagsimula nang magpatugtog!
[Now Playing: Beautiful Day by Jamie Grace]
At ito na nga, para akong baliw na sasayaw sayaw with matching kanta pa habang naghahanda sa pagpasok.
Hi!
Archy Peach Airesse Bartolome pala ang pangalan ko! Sobrang ikli noh?Ewan ko ba sa mother ko, napagtripan ata ang pangalan ko hahaha. Pero yung third name ko naman ang itinatawag sakin hahaha nakuuu
And yes, mother ang tawag ko sa kanya kasiiii... Wala lang! Para maiba >_<
Anyways, nagreready na ako sa pagpasok sa school. I'm a 2nd year college student sa course na BS Mathematics. Oh ano? Natakot ka na porket math? Haha de joke!
Ayy! Nagmamadali nga pala ako hahaha.
So nakapagready na ako lahat-lahat as in ready to go na, pero syempre, breakfast muna with the fam!
Pagdating ko sa baba, andun na sa dining table sina Pierre at si mother. Si Pierre nga pala yung nakababata kong kapatid na lalaki.
Nasa 2nd year high school na siya at somehow, masasabi ko namang close kami hehe.
Pumwesto na ako sa mesa at wow! Pancakes pala ang almusal!
Susubo na sana si Pierre nang pigilan ko siya sabay sigaw ng "WAIT!! Pray muna tayo!"
Ngiting-ngiti pa ako nung sinabi ko iyon pero bored look lang abg binigay niya sakin habang si mama naman ay napaismid.
"Bakit?" Tanong ko sa kanila. Sabagay, wala nang kakaiba eh kasi unbelievers pa sila eh. Hayss.
So nagpray na nga ako para sa pagkain. Maikli lang naman kasi alam kong gutom na tong mga to hahaha.
Si Pierre nga pala, nasisimulan ko na siyang ilead kay Lord ng paunti-unti. Ang pinakastruggle ko kasi sa kanya ay yung maturity, parang wala pa siya sa matured na pag-iisip para magkaroon ng serious relationship with God.
Si mother naman, ilang beses ko nang natry na magpreach sa kanya kaso, laging "Mamaya" o kaya "Busy pa ako" ay ewan! Masyado siyang mailap, para bang sarado pa yung heart niya, kaya ayun, pinapagpray ko pa rin talaga!
At ayun, mabilisan na kaming kumain kasi monday ngayon at pare-parehas na 8am ang pasok namin.
May sarili nga pala kaming negosyo, isang simpleng cake shop at si mother personally ang naghahandle niyon.
Si dad? Uhm, matagal na siyang wala hays sayang I just hope na naencounter niya rin si Lord bago siya namatay.
Bata pa kasi ako nung nawala siya and I don't really know the details, ayaw din magkwento ni mother kasi siguro ayaw niya na ring alalahanin.
"Bye mother! Bye Pierre! Behave sa school ha?" Nakangiting paalam ko with wave wave pa habang sumasakay sila ng tricycle. Same direction kasi yung school ni Pierre at yung shop.
While ako naman, sa opposite na direction and maglalakad lang dahil walking distance lang naman yung university.
Maganda na rin yun, kasi bukod sa exercise, nagagawa ko rin iyong time para magpray at kausapin si Lord! Hihi. Inlab na inlab ba? Well nakakainlab naman talaga si Lord ehhh *^_^*
Habang nasa daan, tinali ko na rin ang buhok ko sa isang pusod at inayos ko rin yung bangs ko.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako palaayos noon pero dahil representative ako ni Jesus at nagdidisciple ako, syempre kailangan kong maging presentable at maging isang role model sa paningin nila.
And yes, may mga dinidisciple na ako! Marami-rami na rin hihi.
Inayos ko rin ang suot kong damit, naka long sleeves nga pala ako na nakatupi sa bandang siko at nakapalda na below the knees paired with short boots.
Ang weird ba? Hindi noh! Mala-anime style lang kasi adik ako sa anime nung past life ko ehh! Haha de joke.
At nabanggit ko na bang naka eyeglasses ako? Ay oo yata, basta yun, medyo malabo kasi mga mata ko eh. Slight lang namannnn.
Sa wakas! Nakarating na rin ako sa school!
"Lord... Bakbakan nanaman to!"

YOU ARE READING
Preach it, Peach!
AvventuraThis story is about the life of Peach, but it is also not about her life at all.