3rd Goodbye : It's Never Late for Sorry

55 10 3
                                    

THIRD GOODBYE
It's Never Late for Sorry

* * * * *

Iibig lang, kapag handa na.
Hindi na lang, kung trip-trip lang naman.

* * * * *

PARIS' POV,

SI Cassandra ang pinakatanyag na babae sa school namin nung college. Bukod kasi sa maganda siya, marami rin siyang award na nakukuha kada year. Conduct award, best actress sa theatre club, at may mga nakukuha rin siyang academic awards.

Naging kaklase rin namin siya.

Para siyang perpektong babae. Parang walang problema sa buhay at sa pamilya dahil mayaman siya. Marami siyang mga kaibigan, tagahanga at tagasuporta. Gano'n pa man, hindi sinamantala ni Cassandra ang pagiging sikat niya para humakot ng mga lalaki.

Mabait nga kasi siya.

'Yun ang akala ko no'n.

Kahit maraming lalaki ang nagu-unahan kay Cassandra, wala ni isa sa mga 'yon ang naging boyfriend niya. Dahil isa lang ang lalaking gusto si Cassandra.

At ang lalaking 'yon ay ang boyfriend ko ng mga panahon na 'yon.

At dahil nakukuha niya ang lahat ng ginugusto niyang makuha, she got my boyfriend.

I mean, my ex.

Sabihin na nating nagpakatanga ako at nagparaya.

"Iwan muna namin kayo rito. May pupuntahan pa kasi kaming night exhibit sa kabilang mall. Hinintay lang namin kayo para naman makapag get together kayong tatlo," sabi ni Tita Dally bago sila sabay na tumayo ni Mama.

"Ayoko sana kayong magcommute pero mapilit ang mama mo. Gusto akong sumama para magkaro'n din naman daw ako ng hilig sa mga painting," bulong ni Papa sa akin kaya bahagya akong natawa. Kahit deep inside, gusto ko nang sumama sa kanila.

"Magtaxi nalang kayo pauwi. Ingat kayo ha," sabi naman ni Tito Tim. Sabay naman kaming tumango ni Mavy na ngayo'y gulat na gulat din sa babaeng katapat niya.

Sino bang hindi?

After almost a year, nandito siya at kaharap namin.

Bumeso ang mga magulang namin ni Mavy sa aming dalawa bago kami nagpalitan ng goodbye.

Pagka-alis nilang apat, namagitan sa aming tatlo ang katahimikan.

Walang gustong magsalita sa amin.

Masama ang titig ni Mavy kay Sandra. Hindi ko siya masisisi na gano'n ang nararamdaman niya dahil hindi naging maganda ang huling pagkikita namin ni Sandra.

"Gusto niyo ba munang umorder ng kape?" Sabi ni Sandra dahilan para mabasag ang awkward silence sa pagitan naming tatlo. Nakangiti pa siya sa amin na para bang walang masamang nangyari noon sa pagitan namin. Naikuyom ko tuloy ang kamao ko dahil nanumbalik ang mga ala-alang kinalimutan ko na.

"Siguro nga. Para naman magising ang dapat magising," madiing saad ni Mavy kaya pinandilatan ko siya ng mata.

Umorder kaming tatlo ng kape. Hindi kami nagpapansinan hanggang sa magsalitang muli si Sandra.

No Good at GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon