TENTH GOODBYE
How Much Time* * * * *
Everything is nothing
if I can't have you.* * * * *
PARIS' POV,
"Gi-ginawa ko 'yon!?" Bulalas ni Mavy, dahilan para mapangiwi ako.
Nandito kami sa coffee shop. Nang magising siya, agad niya raw akong tinext para malaman kung anong nangyari sa kaniya. Ang lakas ng tama ng alak na ininom niya kagabi, kaya inaya niya ako sa coffee shop. Kasabay na rin no'n ang pagkukwento ko sa mga ginawa niya kagabi.
Tulad ng panlalandi sa mga lalaki sa bar.
Tumango ako. "Hiningi mo pa nga ang number ng ilan sa kanila," ani ko bago humigop ng kape. Tanghali tapat nasa coffee shop kami. Pero ayos na rin, sasabayan ko lang naman siya sa pagtatanggal ng hangover niya. Mukha pa ngang bangag si Mavy ngayon. Pero hindi tulad kagabi, hindi na masiyadong mugto ang mga mata niya.
"Ta-talaga?" Hindi makapaniwala niyang saad. Nilabas niya ang cellphone niya at nag-scroll. Siguro hinahanap niya sa contacts kung may sinave ba siyang number ng kung sino. "Oh my god. Meron nga!" Aniya bago iuntog ang ulo niya sa lamesa. Mukhang frustrated siya. Siguro kung nasa kalagayan niya ako, nagpalamon nalang ako kay pareng lupa.
"Pinigilan kita, pero mapilit ka. Alam mo ba, muntik ka nang makipag---"
"Stop!" ani Mavy. Nilahad pa niya ang palad niya sa akin para pahintuin ako. "Hindi ko kayang marinig ang mga sasabihin mo Ris. Hindi kinakaya ng kahihiyan ko," dagdag pa niya bago sunud-sunod na lagukin ang kape. Natawa ako dahil sa inasta niya. I'm expecting her to be like this, pero mas nakakatawa kapag kaharap ko na mismo ang matinong Mavy.
"Look at your phone, baka may pictures ka pa kasama 'yung mga nakasayaw mo kagabi," I teased. Tuwang-tuwa akong inaasar siya, lalo pa't mukhang aburido siya dahil sa mga ginawa niya kagabi na hindi niya maalala.
"W-wait? Tingin mo nakipag-picture taking pa ako?" Tanong niya sa akin bago tingnan muli ang cellphone niya. "Sandali, tumatawag si Sandra," aniya bago bahagyang umirap. Mukhang hanggang ngayon, hindi pa rin niya tanggap si Sandra, kahit pa nag-sorry na ito sa mga kasalanan niya.
Matagal naman na ang mga 'yon, napatawad ko na siya. Pero si Mavy, hindi pa rin maka-move on. Parang bata.
"Oh?! Bakit sa akin ka tumawag? Bakit hindi nalang kay Mavy!? Saan mo nakuha ang number ko? Stalker ba kita?" Sunud-sunod na sermon ni Mavy sa telepono. Tumingin si Mavy sa akin bago tumango-tango na akala mo'y nakikita siya ng kausap niya. "Noted bitch," aniya bago ibaba ang tawag.
"What was that?" Tanong ko.
"Si Sandra. Sabi niya, three days daw ang road trip reunion. Kaya magdala raw ng maraming pamalit. Like duh, tayo pa. Handang-handa na tayo 'di ba?" sabi ni Mavy bago mag-flips hair.
"Three days?" takang tanong ko.
"Nagulat ka pa. Kung isang araw lang ang road trip, baka hindi natin mapuntahan lahat ng itenirary. Lalo na kung from Manila to Tawi-tawi," aniya kaya inirapan ko siya.
"Bakit ngayon lang niya sinabi sa atin? Hindi ako nagpa-alam kila Mama na tatlong araw 'yon," sabi ko. This time, si Mavy naman ang umirap sa akin.
"Paalam? Duh. YOLO Ris. You only live once. No'ng mga bata pa tayo, uso magpaalam. Pero legal na tayo. P'wede na tayong makulong. So we should decide for ourselves," madiin na saad niya. Halatang hindi pa rin siya tapos tungkol sa freedom niya kaya tumayo na ako. "Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
No Good at Goodbyes
Teen FictionStand-alone Story | All that starts eventually ends. *** A novel. Sedric Asis Chavez and Paris Nicole Hermosa met in arguably the most indecent way. A man who's waiting for the conclusion of his life happens to encounter the lady who's seeking the p...