APAT (ᜃᜊᜈᜆ 4)

47 6 13
                                    

"ARKI..." tawag sa kanya ng babae. "Paano kung na-videohan tayo?"

"Don't worry," sagot ni Arki habang hawak-hawak parin ang baywang ng babae. "Walang lalabas na video. It's none of their damn business if we're making out here."

Hinalikan ulit ni Arki ang leeg ng babae.

"I know, p-pero how 'bout Tala?" tanong niya. "Paano kung ibalita sa kanya?"

Biglang nainip si Arki at binitawan ang babae mula sa kanyang yapos. "Damn it, Pring! Can you please stop over thinking things? She can't know about this, about us, okay?"

Isinara ni Arki ang mga butones sa kanyang t-shirt at inayos ang kanyang buhok bago hinablot ang kanyang bag mula sa lupa.

"I'll see you tomorrow," sabi ni Arki kay Pring.

Naiinip na umalis si Arki. Inilagay niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag at kinuha ang kanyang panyo upang ipamunas sa mukha. Habang sinusunod niya ang daan pakanan, may nakita siya sa lupa, malapit sa dulo ng pader. Nilapitan niya ito at tinignan ang maputik na lupa - bakas ng sapatos. So this is where you hid? sabi ng kanyang utak.

"Flint Shoes. Very rare," sabi ni Arki, tinutukoy ang shoe brand na nakabakas sa lupa. "You're dead, boy."

HINIHINGAL si Sato nang makarating siya sa Quezon Hall. Hindi niya alam kung paano siya nakatakbo na parang motorbike sa bilis pero nakasisiguro siya - hindi siya nahuli. Naninigas ang kanyang katawan habang nakatayo sa entrance ng Quezon Hall; pinilit na i-compose ang sarili.

Puno ang hallway ng mga estudyante na papauwi na o 'di kaya'y papunta pa lang sa mga klase nila. Ang daming tao, sabi ng kanyang nababahalang isip.

Ipinikit ni Sato ang kanyang mga mata, napabuntong hininga at tumungo sa loob ng hallway. Dinidilaan nito ang kanyang natutuyong labi habang nagkukunwaring may hinahanap sa loob ng kanyang bag, umaasang makaiwas sa mga titig ng mga taong 'di niya kilala.

"Maestro Sato!" isang boses ang tumawag sa kanya. Shit!

Tumigil sandali si Sato, nag-pivot at ngumiti. "Uy, Pres!" he greeted.

"Saan ang punta?" tanong ni Teddy. "Where are your friends?"

"Ah, eh u-umuwi na po sila," nauutal si Sato. "Punta akong locker room."

"Let me accompany you, then. I have things to discuss with you."

Sumang-ayon si Sato; sinamahan siya ni Teddy papuntang locker room.

"So, the seniors had a plan" --- ikinabit ni Teddy ang kanyang kaliwang balikat sa leeg ni Sato --- "if the freshmens are okay with it, though."

"What plan?" sagot ni Sato, naiilang sa balikat ni Teddy.

"We had planned the acquaintance party already," sagot ni Teddy.

"Nice!" reaksyon ni Sato. "Pero kailangan pa ba kaming tanungin? Diba it's the department's prerogative to held one every year?"

"Well, in here we don't really force everyone to join kaya we always need to ask students," kanyang sagot.

Lumiko sila pakanan at pumasok sa locker room. Hinalukay ni Sato ang kanyang bag upang hanapin ang susi at sinimulang hanapin ang kanyang locker.

"21-BC..." pabulong niyang sabi.

"File BC is over there," turo ni Teddy sa may bandang likod.

Umupo si Teddy sa isang monobloc at nagsalita: "Your friends..." nagsimula siya. "Do you hang out with them often?"

PAINT ME BLUE - A Filipino Boys Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon