LABING-APAT (ᜃᜊᜈᜆ 14)

36 2 0
                                    

KALMADO si Agos habang nakaharap kay Professor Tolomia sa loob ng office nito ngunit sa kaloob-looban ng binata ay halos magiba na ng kaba ang kanyang dibdib sa 'di matigil na kalabog ng kanyang puso. Hindi niya kasi alam kung bakit siya napasali sa red list.

"Here," nagsalita ang propesor. "Locate Mr. Autor. Siya ang magbibigay ng remedial sa'yo."

Remedial? For what?

"Hijo, paalala lang, hindi nagtatagal ang mga tamad at pala-absent sa department na ito."

"Huh? p-per–"

"Go! Hanapin mo si Mr. Autor. He's your senior," sabi ng propesor. "Oh, club president din pala."

Club President? Si Teddy?

NAKA-NGITI si Sato habang tinatangal ang buhol sa balot ng lunch box na binigay sa kanya ni Alon.

Hala!? Bento! Mahal 'to ah! sabi ng isip ni Sato nang makita nito ang laman ng lunch box.

Mabilis na tinakpan ni Sato ang lunch box nang marinig niya na may pumasok sa activity room.

Napalingon si Sato sa likod at nakita si Arki na halatang wala sa modo.

Aba... siya pa 'tong may ganang maggalit-galitan. Siya naman itong may atraso sa'kin.

Pabagsak na nilagay ni Arki ang mga dala niyang gamit sa isang monobloc chair at padabog na tumungo sa kinatatayuan ni Sato sabay bagsak ng dala nitong papel sa mesa kalapit ng lunch box na bigay ni Alon.

"Basahin mo 'yan," matipid nitong sabi.

Wow! Maldito rin... nakaramdam ng pagka-yamot si Sato kay Arki.

"Ah... pwede naman siguro nating i-cancel ang workshop ngayong araw," may pwersang sabi ni Sato. "Ayaw ko kasing magtrabaho lalo na pag galit ako... o may naggagalit-galitan."

Shit! Ba't nasabi ko 'yon?

Natigil sa ginagawang paghalungkat sa kanyang bag si Arki. "Bakit? Sino bang may sabi na may workshop ngayon?"

"W-wala..." nautal na sagot ni Sato.

"Yun naman pala, eh," tugon ni Arki. "Basahin mo muna 'yan bago ka mag-inarte."

Tinignan ni Sato ang papel at nakita na mula pa pala ito sa dekano.

Notice of Absences? Halaaa... patay! kumalabog bigla ang puso ng binata dahil sa kaba.

"Pwede ka nang umalis kung wala ka ng ibang gagawin," sabi ni Arki. "Ayaw ko kasing magtrabaho lalo na 'pag may sagabal sa loob ng room na wala namang ginagawa."

Gago ka!

Galit na hinablot ni Sato ang kanyang bag at lunch box mula sa mesa at padabog na umalis sa activity room.

Sinundan lamang siya ng tingin ni Arki;
may guhit ng ngiting mapang-asar sa kanyang mga labi.

Gago ka talaga, Arki! Ugh!

Nang tuluyan ng makaalis si Sato ay unti-unting naglaho ang ngiti ng binata sabay pakawala ng isang malalim na buntong hininga.

SERYOSO ang mukha ni Cora habang iniisa-isa ang mga nakahilerang diksyunaryo sa estante malapit sa reading area ng Main library. Habang abala ang kanyang mga daliri sa pagturo sa mga libro ay abala naman ang kanyang mga mata na paroo't-parito ang pagsulyap sa dalagitang nakapwesto malapit sa estanteng kanyang kinatatayuan.

Kumuha si Cora ng isang libro mula sa estante at lumapit sa nag-aaral na dalagita.

"Ah, excuse me... pwede ba akong maupo rito? Wala na kasing bakante sa ibang table."

PAINT ME BLUE - A Filipino Boys Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon