Even the brightest stars has darkest story behind.
"May mga bituin sa labas"
Kaya umayos ako ng tayo sa hamba ng terrace namin upang mapagmasdan ng mabuti ang mga makikinang na bituin sa langit.
Bituin na may kanya kanyang hugis at laki, may kanya kanyang taglay na liwanag na tila isang daan upang makita ang patutunguhan mo.
Para silang tour guide na nagbibigay direksyon sa mga naliligaw ng landas.
Bituing nagbibigay ng pagasa sa mga panahong puro kadiliman ang nakikita, kadilimang bumabalot sa isang tao dahil sa lungkot o poot sa mga puso.
Kita ko mula dito ang isang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan siguro si papa yun.
Sabi niya kasi lahat daw ng namamatay ay nagiging stars. Kaya gustong gusto ko ang magabang ng mga magagandang bituin kasi baka isa doon si papa.
I miss you so much papa, i wish you were here with me. Sabay tayong magaabang sa shooting stars pagkatapos ililista sila at bibigyan ng mga pangalan kagaya ng dating ginagawa natin.
Twelve years old pa lang ako ng mawala si papa dahil sa lung cancer kaya simula noon ay kay lola Stella na ako tumira, sila na din ang nagalaga at nagpaaral sa akin.
My papa's mother.
Hindi kaagad ako nakapag-adjust sa biglang pagbabago ng buhay ko, nasanay lang akong tatlo lang kami sa hapag ng mesa at sabay sabay na kumakain at nagtatawanan pero ng umalis si mama lahat nagbago.
Umalis siya ng hindi nagsabi kung bakit.
Kaya hanggang ngayon tinatanong ko pa din kung anong dahilan niya kung bakit niya kami iniwan ni papa.Unti unting nawalan ng kulay ang masayang pamilyang meron ako. Kahit si papa nagbago ng umalis siya, lahat ng negosyo namin ay napabayaan niya hanggang sa nalugi kaya nagkaroon kami ng mga utang. Mabuti na lang dahil nalaman yon ni lola kaya siya ang nagbayad lahat ng mga utang ni papa at pinasara ng tuluyan ang mga negosyo.
I sighed heavily bago tumingin ulit sa telescope sa harap ko kung mayroon bang bagong bituin.
Pero hindi ako matatawag na kabilang sa mga taong mahilig sa mga bituin o mga astrophile person.
Natutuwa lang akong pagmasdan ang mga ito kahit malayo ay sobrang liwanag nila, minsan sinusulat ko ang pangalan ni sebas, ang ultimate crush ko since senior high school until now.
Nakilala ko siya nung grade 12 pa lang ako kasi nagtransfer siya sa school namin noon. Naging magseat mate kami at minsan magkapartner sa mga reports at projects. Senior pa lang kami pero madami na kaagad ang humahanga sa kanya dahil naging varsity player din siya ng school namin na ipinanglalaban sa ibang school.
Pero ngayong college na kami, minsan lang kami magkita dahil sa isang private Med School siya nagaaral sa manila habang ako naiwan dito sa batangas.
Every weekend lang siya umuuwi kapag hindi masyadong hectic ang schedule niya.
Hanggang ngayon siya lang ang crush ko. Siya na ata ang perfect guy para sa akin.
Ang mga maitim na mata, makakapal na kilay at mahabang pilik mata na bagay sa manipis at mapulang labi niya na gustong gusto ng lahat bukod pa doon ay naging top one siya ng klase.
"Hey, may nakita ka bang bago ngayon?"
It's kuya Sanchez voice.
"Ay kabayong bundat!!" sapo ko ang dibdib ko habang nakakapit sa bakal ng terrace.
He chuckled.
"Anna, Careful baka mahulog ka diyan" agap na paalala ni kuya Sanchez.
"Kasi naman kuya bakit ka ba nanggugulat? Di ba pwedeng mahinhin lang parang dalagang pilipina ganun!!"
YOU ARE READING
Counting Stars On You
Teen Fiction"A brightest star can't shine without the darkest night." Good Guys Series#1 On Going