Two

6 3 0
                                    

Five thirty in the morning ay bumangon na ako at naghanda para sa klase ko ngayon.
Mukhang maghapon na naman ako nito sa library para humanap ng mga theories para sa isang major subject ko.

Dadaan pa ako sa bahay ni feli para isabay siya sa pagpasok dahil sa kagagahan niya nitong nakaraang linggo ayon grounded bawal gumamit ng kotse.

Sobrang daming requirements at mga homework na kailangan ipasa kinabukasan.

Mabuti na lang at nagagawa ko pa ang ibang project at report sa iba kong subjects kung hindi baka maging tres na ang makukuha ko nito ngayong semester.

Nilagay ko na lahat ng mga libro pati laptop ko sa bag ko pagkatapos ay kinuha ko na ren ang extra shirts at underwear ko. Nasanay na akong magdala ng extra shirts at underwear para incase of emergency ay ready ako.

Parang girl scout lang , laging handa!!

Tatlong beses kada linggo ang pasok at yung natitirang mga araw ko ay nakalaan para sa mga  homework at projects na ipinapagawa.

Well, ayoko namang matigang sa kakaaral lang kaya every weekend ay nagwawalwal kami para marelax ang utak namin.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng isang ripped jeans at cropped top na usually sinusuot ko at ang mahiwagang ID na kailangan para makapasok ng campus ay bumaba na ako para magbreakfast.

"Goodmorning my," masigla kong bati kay lola na nagaalmusal na at abala sa pagbabasa ng comments mula i-nupload niyang video sa tiktok.

See? Feeling teenager pa itong si lola, bored na daw siya sa pakikipagchikahan sa mga kakumare niya kaya nung makita ang video ni kali ayon nakigaya na din si lola...

"Goodmorning apo," pagkatapos ay naglagay uli ng pulang lipstick. " Maghapon ka ba ngayon sa school?"

"Opo la, madami po akong kailangan tapusin." Sagot ko.

"Magpasundo ka na lang sa kuya mo ha, hindi kasi makakapagdrive si Hector dahil nadulas kahapon."

Tumigil ako sa pagsubo at tumingin kay lola na natatawa pa.

"Sige po la."sagot ko habang nalilito sa sinabi niya..

"Goodmorning la," bati ni kuya saka umupo sa tabi ko at kumuha ng bacon and eggs saka nilagay sa plato niya.

"Anong meron kay lola at mang hector?" Curious kong tanong kay kuya.

Si mang hector ang family driver namin at hindi din siya mahilig sa mga trending na challenge sa social media na ginagawa ni lola ngayon.

"Nagkakasama sila sa mga tiktok videos ni lola." Natatawang sagot ni kuya saka muling sumubo ng bacon." Tapos kahapon nadulas si mang hector dahil sa pag gawa ng bagong video."

Ako? Natatawa na ewan kasi unexpected na magiging close sila ni mang hector knowing na maldita si lola.

"O-okay" hindi ko pa rin maisip na ganun na sila kaclose. Nagpatuloy na lang akong kumain para makapunta na kay feli.

Around 6:30 ay nagabang na kaagad ako ng jeep papunta sa apartment ni feli para sumabay sa pagpasok.

Ilang minutes lang ang papunta sa apartment niya kung may dadaan kaagad na jeep na papunta doon.

"Anastasia!!" She giggled and run towards me.

Malakas na sigaw ng bruhang si feli mula sa pintuan ng bahay niya na akala mo'y siya lang ang nangungupahan.

"Gaga ka!! Makasigaw ka feli parang walang makakarinig sayo ah!"

"Sorry, namiss lang kita bruha ka!!" Sabi nito at ginaya ako papasok ng bahay niya.

Counting Stars On YouWhere stories live. Discover now