Heyow! It's me! Ate Yoshi!
Nito lang mga nakaraang araw, kumalat sa social media ang sangkatutak na drawing (fanarts) ni Sailor Moon mula sa mga artist all over the world! (Hindi ko din alam ang eksaktong nangyari bakit biglang nag viral si Sailor Moon pero isa lang ang malinaw, at dahil yon sa isang challenge!)
Yes! Isang challenge!
Ang #sailormoonredrew challenge!
Mas kilala rin as #sailormoondrawinyourownstyle challenge!
Pramis! Naglipana to ngayon sa twitter, instagram, lalo na sa facebook! At pramis, ang gagaling ng mga lumahok sa kakatuwang challenge na to.
Syempre, pahuhuli ba naman ako? Eh ito yung mga pagkakataon na pwede tayong mag try ng something new!
Aminado ako na hindi na ako nagdo-drawing ng mga fan arts. Matagal na. Parang highschool pa ang huli, at si Naruto pa yata ang huling character na ginawan ko ng fan art 😂😂😂
Bakit nga ba hindi ka na nagdo-drawing ng mga anime fan arts?
Well, ang katuwiran ko is, kung gusto kong ma established ang sarili kong style, hindi dapat ako masanay na may "gayahan" meaning, kailangan kong matutunan na paganahin ang sarili kong imahinasyon.
At hindi naman ako nabigo kasi dahil doon kaya nakapag established ako ng tatak "yoshi" na drawing at coloring. Syempre, sa tulong na rin ng mga magagaling na artist as "reference"
Ano po ba ang pinagkaiba ng "copy-cat" o kinopya mo lang sa "reference"?
Well, ang copy-cat o copy-paste na drawing is literal na ginaya mo lahat ng nasa drawing without any credits doon sa owner (lalo na kung style ang ginamit, yunt mismong hitsura, pero nag claim ka na sa iyo 'yon) illegal sya, at nagiging katanggap-tanggap lang kung crinedit mo yung original source o yung creator nito bilang "fan art"
On the other hand, ang "reference" mas magaan at masnkatanggap-tanggap na estilo kung saan ginagawa mong inspirasyon yung drawing. Pero yung elements ng sarili mong drawing is iba o malayo sa reference mo. Madalas na nagiging reference ng mga artist ang human anatomy which is in my opinion is katanggap-tanggap na reference dahil mas mahirap ito kumpara sa ibang elements ng drawing. At take note, ang mga manga artist sa japan ay gumagamit ng ibang manga as "reference" lalo na sa background, katawan, poses at iba pa. Hindi ito nalalayo sa konsepto kaapg gumamit ka manikin para mag pose para sa iyo. Pero the rest of the drawing itself must be original. Meaning, dito dapat lalabas ang estilo mo sa pag drawing ng mata, buhok, tatak mo sa paggawa ng mukha, pagkukulay at iba pa.
Parang ito...
Wala tong kinalaman kay Sailor Moon, pero gusto ko lang to ipakita. Ito yung halimbawa ng walang kopyahan. 😊
Ito naman ang halimbawa ng may kopyahan pero estilo ko pa din.
Wii! Fan kasi ako ng game app na Arcana, at in love ako kay Dr. Julian "Ilya" Devorak ayieee!
So ayun na nga.
Kaya naman mas pinili ko na huwag na gumawa ng mga anime fan arts at mag focus sa sarili kong stlyle, hanggang sa nasanay ako na gumawa na walang kopyahan (struggle na lang talaga sa kamay at paa, at complex poses kaya gumagamit parin ako paminsan-minsan ng reference)
So ito na nga!
After so many years, nag decide ako sumali sa munting katuwaan na ito since isa sa mga classic favorite ko si Sailor Moon. 😂😂😂 Hinihintay ko nga si Toxedo Mask eh hahaha! Confident kasi ako sa lalaki kaysa babae.
So nung una, hindi ako masyadong confident kung magagawa ko ba to ma copy. Pero since drawing in your own style nga so hinayaan ko na lang ang mga kamay ko na mag draw base sa kung ano talaga ang estilo ko.
At tadannnnn!!
Ito ang resulta. 😊😊
Okay ba? 😊😊
I hope nagustuhan nyo ang isang to.
Natuwa din naman ako sa feedbacks nila. Maganda raw. 😊😊😊 Keneleg nemen eke hahahaha!
So pano, hanggang dito na lang muna.
Again, till next drawing challenge!
**Ate Yoshi**
BINABASA MO ANG
Yoshi's Art Book
RandomThis is my personal collections of artworks. All of them are original characters from my novels' Ghost Retriever, Code Chasers and Minaru's Quest. It is like a character profile page. If you like to know more about my original characters, you can vi...