Simula pa nung highschool magbabarkada na kami nila Sky at Chester
Mas close ako sa kanila kesa sa mga babae kong kaibigan. Minsan pa nga tinatawag akong tomboy ng iba dahil lagi ko silang kasama. Hindi nila alam may gusto ako dito sa dalawa
Si Sky yung tipong 'caring and gentle' medyo snob din sa iba kabaliktaran naman ito ni Chester. Pero mababait naman din tong dalawa
Ngayon 2nd year collage na kami. Balak ko sanang mag confess pero ampanget naman kung ang babae ang uuna
Kakatapos lang naman mag exam at nag babalak na kaming mag celebrate
"Uy Sky, Chester tara celebrate tayo" sambit ko
"Sge ba, at dahil confident ako sa mga sagot ko ngayon ako na ang manlilibre" sabi ni sky samin
Yung papa niya kasi nagmamay ari ng isang malaking kompanya
"Ang baet naman ng kaibigan namin. Ano? dun parin sa dating tambayan" sambit ni Chester
"Oh sge ba" sagot namin
At nakarating nakami sa resto na malapit sa bahay namin
Naka upo nakami at tapos ng mag order
"Wait lang mag c-cr muna ako dina kaya ni junjun ko" sambit ni Chester
Nagtawanan nalang kami ni Sky
"Sky" mahinahon kong tawag sakanya
"Bakit?" tanong niya habang kumakain
"Ok lang ba kung una magtatapat ang babae sa taong nagugustuhan nito" hindi ko alam bat ko yun sinabi bigla
"bat mo naman yan natanong" sambit nito habang nababaliukan
Tahimik lang ako
"Oh sya, hindi naman mawawala ang pagkababae mo kung una kang mag tatapat pero dapat handa ka kung ano man ang magiging sagot nito sayo"
Sambit nito"Ano yang pinag uusapan niyo?" tanong ni Chester
"Wala, antagal mo namang magjingle kumain ka nanga lang" sagot ko
Hanggang sa kinagabihan ay iniisip ko parin yung sinabi ni Sky
Kaya nagpasya ako kinabukasan na magtatapat na ako sa kanila
Inutusan kami ni Chester na dalhin ang mga papers sa kasunod na faculty
Pagkakataon ko nato
"Um Chester may sasabihin sana ako sayo" sambit ko
"Ano yun? " tanong niya
"May gusto kasi ako sayo matagal na" kaba kong sambit
"Ha ikaw may gusto sakin" patawa nitong sambit
"bat ka tumatawa?" sambit ko
"Um wag kasanang magalit pero kaibigan lang talaga turing ko sayo" sambit nito
"Um Ok" sagot ko
"Uy baka magtatampo ka ha" sambit niya
"Hindi, ikaw pa ba" sagot ko
Di naman masakit charowt. Ok lang talaga ako may isa panaman eh hehe
So nauna ng umuwi si Chester may emergency kasi daw so kami nalang ni Sky
Habang naglalakad kami nilakasan ko na ang aking loob
"Uhmmm may sasabihin sana ako sayo" sambit ko kay Sky
"Ano yun? " tanong nito
"Dun sa mga sinabi ko sa resto" sabi ko
"Anong meron don? " tanong nanaman ulit nito
"Uhmm Sky, gusto kita higit sa pagkakaibigan" kaba kong sabi
Napahinto ito sa paglalakad
"Sorry m-may gusto na kasi akong iba, magiging magkaibigan pa naman tayo diba" sambit nito
"Oo naman" sagot ko
Ito talaga masakit na. Mahirap talagang magkagusto sa kabarkada
At ngayong nakagraduate na kami. Magkakaibigan parin kami
Ako eto, nagbabalak magtayo ng isang resto na malapit din sa bahay namin
At si Sky at Chester ayun, three years nang magjowa
---End---
A/N: Im working pa po sa next story hehe. Hope you enjoy the 2nd story. and also feel free to comment your thoughts and opinions. Thanks po ulit sa pagbasa.
BINABASA MO ANG
Crazy Short Stories
Short StoryShort stories that can make you think, laugh or maybe it can make you feel sad. I'm totally a begginer so bare with me. Hope you like it. :>