I'll Stay

47 14 0
                                    


Isang matanda ang nakahiga sa isang kama na naghihintay nalang nangkanyang pagsumakabilang-buhay

"Hindi po ba kayo natatakot?" tanong sa akin ng aking mga apo

"Marahil oo pero naging masaya na ako sa buhay ko apo. Masaya na ako na biniyayaan ako ng napakakulit na mga apo at Sa isang taong nagpabungad sa totoo kong pagkatao" sagot ko sa kanila

"Malamang ang taong to ang naging asawa niyo di po ba" tugon ng aking apo

"Ikwento niyo po, sge na po" paglalambing naman ng isa ko pang apo

Hindi ko naman matiis ang aking apo kaya sinimulan ko na ang pagkukwento~~~

Tahimik lang sya noon. Naka upo sa isang sulok ng silid. Nakasalamin pa na anya moy matalino talaga. Hindi naman sya mahiyain sadyang marami lang talagang nambubulas sa kanya at isa na ako doon. Kung di niyo natatanong medyo masama talaga ugali ko noon. Suma samasama sa mga lalaki kong barkada.

"Hoy" sambit ko sakanya

"Bakit?" Tanong nito habang humaharap sa akin

At sa puntong yun may naramdaman akong kakaiba. Diko malaman kung bakit ko naramdaman iyon. Sadyang napatatak lang ang kanyang inosenteng mukha sa aking isipan.

"Bakit?" paulit niyang sambit sa akin at bigla akong nagising sa aking pagkatulala

"Eto assignment ko gawin mo" habang binibigay ko sakanya ang aking notebook

"Um" mahina niyang sambit

Kinabukasan ay ibinigay na niya ang bagay na pinagawa ko sakanya

"Oh eto pagkain" sabi ko sakanya habang binibigay ang supot na may pagkaing binili ko

"Para saan to?" tanong nito

"Para yan sa pinagawa ko sa iyo kahapon. Kung ayaw mo balik mo nalang" sambit ko

"Ahh hindi, Salamat nga pala. Mabait ka din pala"
sambit nito na nakangiti pa

"Hindi noh! " sambit ko at ngumiti lang ito na para bang natatawa

"Bat ka tumatawa?" tanong ko

"Wala" loko niyang sagot

Simula noon palagi na kaming nagkikita. Naging malapit kami sa isat isa. Alam niya kung ano ang mga gusto ko ganon din naman ako sa kanya. Minsan pa ay pinagchichismisan pa kami ng ibang estudyante. Wala na akong pake sa mga sinasabi nila. Masaya na ako na palagi syang kasama. At ngayon ay palapit na ang graduation.

Nakita ko syang naka upo sa isang gilid kaya tumabi ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa kanyang braso

"Paano pag nakatapos na tayo. Would you stay?" sambit ko sakanya habang kami ay nagkakatitigan

"Um, I will stay kung gusto mo" sagot niya

"Pano kung guto kung mag stay ka forever?" tanong ko naman ulit sa kanya

"Then, I will stay sayo forever. Forever" sambit niya habang nakangisi ang maamo nyang muka

Masarap sa pakiramdam na nararamdaman mong komportable ka sa isang taong kilala ka nang totoo. Pero hanggang dito nalang pala ito.

Nakita niya akong may kasamang iba. Hindi ko naman sadya yun. Hanggang sa kina usap ko sya.

"Patawad, pinagplanohan na kasi ng magulang ko na ipakasal sa taong nakita mo kanina, para lamang ay hindi bumagsak ang kanilang kompanya" saad ko

"Maging masaya sana kayo" sambit niya

"Hindi kaba magagalit?" tanong ko sa kanya

"Diba sabi ko sayo mananatili ako kung gusto mo. Kahit anong gusto mo gagawin ko. Kaya kung gusto mo nang bumitaw kakayanin ko" sambit nito na tila naluluha ang mata

"Patawad" sambit ko habang akoy paluhod sa harap niya at hinawakan ang kamay niya

"Huwag kang mag aalala. Magkikita panaman din tayo. Hindi man sa buhay na ito pero pangako ikaw parin hanggang sa susunod na buhay ko" huli niyang sambit habang nakangisi ang maamo niyang mukha. At binitiwan na niya ang mga kamay ko at nagsimula na itong naglakad papalayo

"Claire" sigaw ko sakanya hanggang sa tumulo na ang aking luha

At simula noon hindi ko na sya nakita pang muli

"Wala akong magawa noon  kaya natuloy ang kasal namin ng Lola niyo"

---End---


A/N: Thank you po sa pagbasa. I will post po kaagad yung next na story. Need ko lang pong baguhin ng konti hehe.

Crazy Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon