Psycho 4

10 1 1
                                    

"Mga anak! May magandang balita nga pala ako sa inyo. Ilang araw ng di nagpaparamdam si Ken. Di ko alam kung baket pero basta bigla na lang syang walang paramdam."

Masayang sumubo si mama ng pagkain nya. Sa hapunang ito ay masaya kaming lahat dahil wala ng asungot na sisira ng pamilya ko.

"Hay nako ma! Bawas-bawasan mo kasi pagiging maganda para di ka hinahabol ng baliw at manyak. Bigay mo na lang sa isa dyan dahil mukang mas kelangan nya. Baka kasi tumandang dalaga yan. BWAHAHAHAHHAHHA-"

Natigil si ate sa mala demonyo nyang pagtawa ng bigla itong mabilaukan!

"Oh tanga! HAHHAHAHAHAHAHHAAHA! Sige tawa pa HAHAHAHHAHAAHAHA. Masaya ka dyan eh HAHAHAHAHA-"

Ako naman ang natigil sa pagtawa ng bigla akong sungalngalin ni ate ng hatdog na ulam namin! Aba!

Gaganti na sana ako ng pigilan ako ni mama.

"Ano ba naman yan mga junakis! Para kayong mga bata sis. Jusko kayo! Sakit nyo sa bangs! O sya nga pala bilisan nyo na ang kaen at may pasok pa kayo bukas diba?"

"Ma, linggo bukas" bagot na sabi ni ate kay mama. Nakainom na ito ng tubig at ready na ulit maging tanga.

"Ay oo nga pala ano? Kung ganon kayo ang maghuhugas ng pinggan ngayon" nakangising sabi ni mama! Aha! Sinadya nya na ipaalala na linggo bukas para di kami makatakas sa paghuhugas ng pinggan! Mautak!

"Ikaw mag hugas ngayon! Ikaw nag paalala kay mama na linggo bukas eh! Kaya ikaw maghugas! Balakajan!"

Sinupalpal ko kaagad sa bunganga ko ang natitira ko pang pagkaen para makatakbo na agad ako sa kwarto.

"Hoy! Dahil ako ang ate ay inuutusan kitang maghugas ng pinggan mamaya!" taas noo pang sabi ni ate habang nakapamewang.

"Hoy! Among powket ikaw wate ka dyam! Amo nga bundo eh! Inutuysawn baw kitaw?!" (Hoy! Anong porket ikaw ate ka dyan?! Ako nga bunso eh! Inutusan ba kita?!) namumungalan na pamimilosopo ko sa kanya. Pero mukang di nya ata ako naintindihan.

"Nyenyenye" sabi nya saka nag make face sa harap ko! Muntik ko tuloy mabuga laman ng bunganga ko sa muka nya. Pasalamat sya mabait ako.

"Jusko mga sistah! Kelan ba kayo aayos? Ang sakit nyo sa bangs!" sabi ni mama tsaka hinawi yung invisible bangs nya.

"O sya may regalo ako sa inyo. Dahil.... Ala akong maisip na dahilan para regaluhan kayo. Basta tanggapin nyo na lang! Hihihih"

Inabutan kami ni mama ng tig-isang kahon. Kay ate ay maliit lang at saken ay medyo malaki. Sabay namin itong binuksan at nagalak kami sa amin nakita. Isang singsing at isang kwintas. Kay ate ay singsing at saakin naman ay kwintas. Ngunit nakita ko ang pagnanais sa mata ni ate ng tignan nito ang kwintas na hawak ko.

"Akin na yan! Palit tayo! Mas gusto ko nyan!" sabi ko kay ate saka sya kinindatan.

Ayokong masira yung 'good girl' image nya kay mama kaya pinalabas ko na lang na ako ang may ayaw sa kwintas at mas gusto ko yung kay ate.

Natapos kaming kumain at nagsibalik na sa kanya-kanyang kwarto. Si ate ang nagkusang-loob na mag hugas. Pambawi nya daw. Pero napawi ang sayang aking nararamdaman ng may maalala akong isang bagay. Yung pagpatay. Paniguradong magugulat sila o baka himatayin pa si mama kapag nalaman nyang may kailangan akong patayin.

Kapag pumalpak ako sa planong pagpatay ay paniguradong makukulong ako at baka mahatulan pa ng habang buhay na pagka-kakulong at ayokong mangyari yon.

Why do i have to kill her? Why do i have to take the risk?

[Flashback]

"Mga anak! May magandang balita nga pala ako sa inyo. Ilang araw ng di nagpaparamdam si Ken. Di ko alam kung baket pero basta bigla na lang syang walang paramdam."

[End of Flashback]

Nanigas ako sa naalala ko. Hindi. Hindi pa sya patay! Hindi pa sya patay, sigurado ako! Baka may bago lang syang pinaglalaruan kaya hindi na sya nagpaparamdam! Hindi pa sya patay! Hindi!

Ha! Hunter is sure tricky. He wanted me to do it? No. No. No. No! No! No!!!

{Kinabukasan}

Habang naglalakad-lakad ako dito sa park ay nag b-browse ako ng balita tungkol sa mga bagong biktima ng murder. Ngunit wala akong nakitang balita tungkol kay Ken na patay na ito.

Tama ang hinala ko! He just wanted to trick me into helping him to murder someone.

*Beep beep...*

Napahinto ako sa paglalakad at sa paginom ng kape ng biglang tumunong ang cellphone ko.

-It's been two weeks, why haven't you done anything?-

Namawis bigla ang buong katawan ko.

-Gagawin ko lang yung parte ko kapag natapos mo ng gawin yung parte mo. But he just disappear. May patunay ka ba na natapos mo na ang trabaho mo?-

'Right, just like that. Killing someone is a horrifying thing to do. I don't believe Hunter has the gut to do that!'

Nakampante ako ng ilang minuto ng hindi nag rereply si Hunter. I knew it! He can't do it!

*Beep beep...*

'What the heck? He sent me a video all of a sudden'

Pinlay ko yung video at kadiliman ang bumungad sakin. Ilang sigundo pa ay may nagpakitang lalaki...

Naka sumbrero ito at naka jacket..

Maya-maya ay may itinaas ito...

Isang palakol...

Pagkatapos ay itinaga nya ito sa kung saan. Hindi nakunan ng camera ang ginagawa ng lalaki at sigurado den ako na ayokong makita iyon.

Pagkalipas ang ilang minuto ay nagpakitang muli ang lalaki. Pawisan ito at ganon pa den ang itsura. Naka sumbrero at suot ang hood ng kanyang jacket.

Itinaas nito at ipinakita sa harap ng camera ang kanyang palakol na punong-puno ng dugo.

Ipinakita din nito ang kanyang kamay na may bahid ng dugo at ipinahid sa kanyang pisngi habang nakangisi.

Ang ngisi na iyon ay ngisi ng isang mamamatay tao.

Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatitig sa cellphone ko. Binalot ng takot ang aking buong katawan sanhi paramabitawan ko ang kapeng iniinom.

Umiiyak akong napasalampak sa lupa. Pinapalibutan na den ako ng mga tao. Siguro para sa kanila ay nababaliw na ako o nasisiraan ng bait dahil pilit akong tumatawa habang umiiyak. Nakayuko lang ako habang nakasabunot sa buhok ko. Iniisip na hindi ito totoo. Hindi ito totoo!

May lumapit saking lalaki at tinulungan akong tumayo pero tinulak ko lang iyo papalayo. Baka sya si Hunter?! Baka isa sa mga taong nakapalibot sakin si Hunter?!

Tinignan ko isa-isa ang mga tao sa paligid ko at mababakas sa kanila anv gulat at pagtataka.

"Sorry" isang salita ang iniwan ko bago ako tumakbo papalayo sa nagkukumpulang mga tao.

'Hunter.. The person that's wearing a jacket is Hunter?!'

Nang makalayo na ako ay humihingal akong napasandal sa poste.

'If that's what killing a person looks like, then i absolutely can't do it!'

Pinagsusuntok ko yung posteng kinasasandalan ko ngayon at ng mapagod ay marahas kong sinabunutan ang sarili. Napakalakas. Hanggang sa naiyak na lang ako.

'Can i not kill that woman? Do i have to fulfill my promise?'

Tama! Hindi nya alam kung nasan ako! Ha! He can't do shit if i don't fulfill my promise.

*Beep beep...*
*Beep beep...*
*Beep beep...*

-Do you know what'd happen to the person that goes back on her own words?-

-I've already kill one. I might as well kill another.-

-Right. I forgot to tell you, i've been watching you. For about fifteen minutes now. :)-

Ps: Hunter is now making a move. Let's see what is he gonna do next. Please leave a comment! Lablab!

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon