Psycho 3

10 1 0
                                    

"Hoy luka! Anong balak mo?! Di ka pa ba tatayo dyan?!"

Naalimpungatan ako sa lakas ng alarm clock ko. Aba sinong di magigising dyan? Boses palang pak na pak na.

"Mamaya na ako babangon! Masyado pang maaga!"

"Aba Zeina Winston! Baka di mo alam na-"

"Aba Kyra Winston! Baka di mo alam na walang pasok ngayon?!" malakas na sabi ko kay ate sabay talukbong ng kumot! Jusko aga-aga eh!

Narining ko dyang padabos na lumabas ng pinto habang bumubulong-bulong pa.

Hay sa wakas. Makakatulog den ako ng payapa. Matutulog na sana ako ng...

*Tiiinngggg*

O_O

>_<

May marinig akong malakas at nakakabinging ingay!

Marahas akong napabalikwas at napaharap sa kung sino mang Poncio Pilato ang gumawa non! At nakita ko ang ate ko habang may matagumpay na ngiting nakalapat sa kanyang bibig!

Jusmiyo marimar! Nabingi ata ako dun ah!

"Gaga! Andyan si Zack sa baba at inaantay ka! May pupuntahan daw kayo!"

"Kelangan sumigaw?! Tsaka ano bang paki ko-"

Nabitin sa lalamunan ko yung sasabihin ko ng maproseso ng utak ko yung sinabi nya.

Sandali akong napatigil at napatingin sa hawak nyang takip ng kaldero ay kawali! So iyon pala ang may gawa ng nakakairitang ingay. Ngumuso ako at nagdadabog papuntang banyo.

"Bantos na nilalang." bulong ko habang papunta sa banyo ngunit sa isang iglap lang ay kamuntik-muntikan ng sumaudsod ang mukha ko sa sahig dahil sa bagay na tumama sa ulo ko!

Nakayuko pa ako ng may makita akong unan sa gilid ng paa ko! Animal!

Marahas akong humarap sa mabit na nilalang at pagkaharap ko ay may sumalubong sa mukha ko na flying saucer! Ay mali! Unan pala yon hihihih.

"Narinig ko yung sinabi mo!"

"Pake ko! Bleh!" sabi ko sabay dila sa kanya!

"Aba!"

"Aba!"

"Wag mo nga akong gayahin!"

"Wag mo nga akong gayahin!"

"Isa!"

"Isa!" halatang pikon na sya kaya mas lalo ko pa syang ininis. BWAHAHAH

"Dalawa!"

"Dalawa!" Mamatay ka sa inis!

"Tatlo!"

"Tat-" biglang takbo ang ginawa ko ng makitang ihahagis nya sakin yung kawali! Waaaaaahhhhh!!!!

Kyra's POV

Naiinis pa rin ako dun sa bruhang yon dahil sa pamimikon sakin. Bwiset! Bakit kasi napaka pikon ko?!

Pababa na ako dala ang mga pinanggising ko kay Zeina ng makita ko si mama na nakatayo sa tapat ng kusina at nakatitig kay Zack.

Di ko alam pero parang iba ang mga titig nya kay Zack. Walang emosyon. Blanko lang at dama ang lamig nito.

"Ma gising na sya."

"Mabuti kung ganon." saad nito habang hindi inaalis ang titig kay Zack.

Third Person's POV

Nasa parke ngayon sina Zeina at Zack. Nag-uusap. Pinapanuod  magsaya ang mga tao. Nakatanga at kumakain ng ice crem. Kung para sa iba ay ang boring ng 'date' nilang ito ngunit para kay Zeina ay ito na ang pinaka masaya.

Ilang bwan na kasi silang magkasintahan ngunit ngayon lang sya nitong niyaya lumabas. Madalas ay dya ang nag- aaya dito. Sya lang din ang nagbibigay ng regalo kapag birthday nito o kaya monthsary nila. Madalas kasi makalimutan ni Zack ang birthday ni Zeina at ang monthsary nila.

"Hay" narinig ng babae ang nababagot na buntong hininga ng kasintahan kaya agad itong nagsalita.

"Anong gusto mong gawin ngayon?"

"Ewan ko." walang buhay na sagot nito. Masgagalita na sana ang babae ng biglang tumunog ang telepono ng lalaki. Palatandaan na nakatanggap ito ng mensahe.

Pagkabasa ng lalaki sa mensahe ay agad itong nabuhayan at napuno ng galak ang muka. Halatang tuwang-tuwa ito sa nabasa.

"Anong meron?" Tanong ng babae kahit na ayaw nyang malaman ang dahilan ng pagkagalak nito. Lalo na't hindi siya ang dahilan.

"Sorry pero kailangan ko ng umalis. Pasensya na." saad ng lalaki sabay takbo paalis. Mapait na ngumiti ang babae at napayuko. Kasabay ng kanyang pagyuko ay ang pagpatak ng kanyang luha. Luhang kanina pa nyang pinipigilan.

Ilang saglit pa ay tumunog din ang kanyang cellphone. Isang hindi rehistradong numero ang bumungad sa kanya.

-Masyadong masakit sa paningin ang makita kang umiiyak.-

Pagkalito ang bumalot sa babae at pagtataka.

-Huh?-

Pagkatapos nyang isend iyon ay agad nagreply ang ka-text nya at nag send ng litrato. Litrato nya ngayon habang nakaupo at umiiyak.

Agad itong napatayo at nagpalinga-linga sa paligid. Umaasang makikita nya ang lalaking kausap ngayon ngunit nabigo sya.

-Sino to?!-

Natatakot at kinakabahan ang babae. Yung kabang tila may hindi magandang mangyayari. Natatakot sya. At wala syang malapitan.

-Hunter-

Mas lalo itong natakot sa nabasa. Kung sa ibang panahon lang ay matutuwa pa ito na si Hunter ang kausap nya ngunit pagkatapos ng pag-uusap nila nung nakaraan ay unti-unting umakyat ang takot nya kay Hunter.

"Nasan ka?! Magpakita ka!" Malakas na sigaw ng babae habang nakatayo. Wala na syang pakialam kung pinagtitinginan na sya o pinagkakamalang takas sa mental. Sinakop na ng takot ang kanyang isipan kaya awala na syang pake sa paligod nya.

Tumunog muli ang kanyang cellphone at tsaka nya binasa ang mensahe.

-Soon my love. Soon.-

Nang mabasa nya ito ay may kakaiba itong nalanghap na biglang nagpatumba sa kanya. Ngunit bago pa tuluyang tumamama ang kanyang katawan sa lupa ay sinalo ng sya ng isang lalaki at binuhat pauwi.

A/N: Sorry sa mga typos hihihi. Leave a comment for support! Lablab~

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon