Chapter 4

5 0 0
                                    



Third day na ng intrams ngayon. Sa basketball games, nanalo ang team namin and yung team nila kuya, kaya naman sila ang maglalaban for the finals.


Nangyari ang eliminations kaninang umaga, and the first game ng finals will happen mamayang hapon.


Nag-iikot kami ngayon ni Kitsch sa booth ng higher years. Grades 9 to 12 are tasked to open booths depende sa gusto nila. Some booths have food, some have activities and games. Pumunta kami sa booth ng class nila kuya.


"Uy! Diba ikaw yung kapatid ni Enzo? Lorence nga pala." pakilala nung lalaki. Hinila naman siya agad nung babae na kasama niya sa booth.


"Hay nako, Lorence! Maawa ka sa bata!" natatawang sabi nito. "Trina nga pala. What can I do for you, girls?" mabait na tanong nito. Kaagad kaming tumingin sa menu board na nakalagay sa ibabaw ng booth nila. Their class decided to open a Japanese cuisine booth. I ordered maki while Kitsch ordered takoyaki. Trina got our orders at ipinasa ito sa kaklase na in charge sa orders. "Tara, upo muna kayo."


We sat sa table in front of their booth. Trina is a good entertainer. Siguro if maging business-related ang kukuhain niyang course, magiging successful siya sa future.


Kitty and ate Trina were talking to each other nung dumating yung babaeng nagbigay kay Joaquin ng energy drink after ng first game nila.


"Uy, Cindy! Ano, nasaan na sila Joaquin? Isusumbong ko talaga 'yon kay ma'am, hindi pa sila napadpad sa booth ngayong araw, ah!" sabi ni Lorence.


"Let them be, Lorence. May game ulit sila mamaya, diba? Let them rest, my gosh!" natatawang sagot naman ni Cindy at chineck ang inventory nila. "How's our booth, guys?" tanong niya. She was looking around the booth nang mapansin niya kaming nakaupo sa table nila.


"Oh, hi! Have you ordered na?" tanong niya sa amin.


"Yeah, ginagawa na orders nila. Nga pala, si... Sorry, what's your name again?" si ate Trina.


"Ah, Tamara. Pero Tammy na lang."


"Ayun, si Tammy nga pala. Ito yung kapatid ni Enzo!" masaya niyang sabi.


"Oh, yung baby sister niya? Hello, Tammy! I'm ate Cindy," sabi niya at naglahad ng kamay. I shook her hand twice before letting it go. I gave her a small smile.


"Hello po, this is my friend Kitsch." pakilala ko kay Kitsch. Agad naman ding naglahad ng kamay si Kitsch kay ate Cindy.


"Kitty na lang po." she gave her famous sweet smile before shaking ate Cindy's hand. Ate Cindy smiled in return.


"It's nice to meet you, girls! Wait lang, ah. Mag-iikot muna ako ulit. Enjoy your meal!" sabi niya sa amin at umalis muli sa booth nila. She put her phone on her ears, may kausap habang naglalakad paalis. Ate Cindy seems nice. Paano niya natatagalan yung sungit ni Joaquin?

No Other ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon