Chapter 1

24 1 0
                                    

I was chilling in my room nang maisipan kong pumunta sa kwarto ni kuya at yayain siyang pumunta sa park. Ilang araw na lang at magpapasukan na, kailangan ko na sulitin ang mga nalalabing araw ng summer vacation ko!



Napansin kong parang tahimik sa kwarto ni kuya. I knocked, but no one answered. I decided to peek inside and it only confirmed na wala si kuya sa kwarto niya. Where could he be?



Bumaba ako at pupuntahan sana si nanay Espie nang makarinig ako ng tawanan sa may bandang poolside.



Nakasilip ako sa pintuan habang nags-swimming si kuya kasama ang tatlo niyang kaibigan. Hindi ako lumabas sa may mga upuan dahil hindi ako sanay sa mga lalaki. My mom enrolled me in an exclusive school eversince my pre-school days. Magge-grade 7 na ako at nitong pa-junior high school lang ako ililipat sa school nila kuya, at tsaka pa lang ako makakasalamuha sa mga lalaki sa school. My kuya is different, though. Sanay ako sa kanya dahil kuya ko siya at siya lang ang madalas kong kasama rito sa bahay.


"Tamara, bakit hindi ka umupo roon sa labas malapit sa kina kuya mo?" tanong ni nanay Espie sa akin, ihahatid ang meryenda nila kuya. Tumingin lang ako sa kanya na inilapag ang meryenda sa lamesa. Napansin naman ako ni kuya at agad akong tinawag.


"Tammy, come here. Meet my friends." Tawag ni kuya sa akin nang makaahon sila sa pool. Napansin ni kuya na nag-aalinlangan akong lumapit kaya naman sinundo pa niya ako kung saan ako nakasilip. Hawak-hawak ni kuya ang kamay ko nang isa-isa niyang ipinakilala ang mga kaibigan.


"Tamara, this is Angelo, Nicholas, and Joaquin. Guys, si Tammy, kapatid ko." Pakilala ni kuya. Kaagad namang lumapit si Angelo at Nicholas sa akin at nakipagkamay. Joaquin seem to be quiet, tho. Tinignan niya lang ako at nagsimulang magpunas ng katawan.



My kuya is five years older than me. Ang school na lilipatan ko ay nag-ooffer ng mula pre-school hanggang college. Hindi ko alam kung bakit pa ako inienroll ni mommy sa isang exclusive school kung pwede namang doon na lang din ako nagsimula sa school nila kuya. Oh, right. She wants me to act like a lady, and I believe na tingin niyang enrolling me in an exclusive school can make me prim and proper.



Hinatiran na rin ako ni nanay ng meryenda sa labas. Sabay na akong kumain kila kuya. Nakipag-usap sa akin sina Angelo at Nicholas pero nanatiling tahimik si Joaquin. Maya-maya'y bumalik sila sa paglalangoy at nagdesisyon akong umakyat sa kwarto at manood na lang ng movies.


*


It was already the first day of school. I combed my hair and wore a headband with a bow. Binili ito ni mommy nang minsang magpunta siya sa Paris. It has been my favorite headband since then.



Bumaba na ako sa kusina para kumain. I saw my parents and my kuya already eating and talking. I smiled and greeted them good morning before going into my seat. I got some bacon and pancake, and nanay Espie placed the milk beside my plate. I am used to drinking milk in the morning. Nagpatuloy ay kwentuhan at mga paalala sa amin nila mommy. Nang matapos na kaming kumain ay ipinahanda na ni daddy ang sasakyan na maghahatid sa amin sa school.



"Enjoy your first day in school, okay? I love you, my princess." My daddy kissed my forehead as he bid goodbye. Nagbigay siya muli ng ilang paalala kay kuya bago kami tumulak papasok sa school.


"Are you excited?" tanong sa akin ni kuya. I just shrugged and looked outside the window. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na kami sa school.



Hindi na bago sa akin ang mga babaeng nagtitinginan sa kuya ko. Girls swoon over him. He's Thaddeus Lorenzo Armendarez, son of the Philippines' best known engineer. Our company is the largest and the most known construction company in the country. I won't deny that my kuya is also good looking and is smart, too.



"Who's that girl beside him? She's new here." Rinig kong sabi ng isang babae.


"Maybe that's his sister?" sagot naman ng isa pa. Nang maihatid ako ni kuya sa room namin ay binigyan niya ako ng kaunting paalala.


"We'll go home together, okay? Text me if you need something, basta don't text in class, okay? See you later." Sabi ni kuya bago halikan ang ulo ko. Tumango na lang ako sa kanya at nagpaalam. Pumasok na ako sa room at nagulat nang makitang kakaunti pa lamang ang babae at halos puro lalaki ang nasa room. My eyes roamed around the room and I sighed in relief nung nakita ko si Kitsch.


"Kitty!" saad ko. Kumaway naman siya agad at iminuwestra ang upuan sa tabi niya. Kaagad akong pumunta sa tabi niya at umupo. "Finally, you're here! Kanina pa ako rito, I feel awkward." Sagot niya. Naintindihan ko naman siya dahil katulad ko, simula pre-school ay sa exclusive school din siya. We've been classmates ever since.



Naghintay kami ng kaunting oras at maya-maya'y pumasok na ang aming teacher. She introduced herself to us and as what always happens during the first day of class, she also asked us to introduce ourselves.



"Miss Armendarez," tawag niya. Tumayo ako at pumunta sa harapan. I started introducing myself.


"Uh, hi. I'm Tamara Yvanna Armendarez, you can call me Tamara or Tammy. I'm a transferee, and I hope to be close to you guys." Sabi ko at ngumiti. I saw girls giving side remarks, and boys whispering. I went to my chair after. Sumunod naman si Kitsch.


"Hey, Kitsch Roanne Morillo. Like Tamara, I'm also a transferee. Please treat us well." Sabi niya at umupo agad sa tabi ko. That's how our first day went.



Recess na at luckily, sabay ang recess namin ni kuya. Since bago pa kami ni Kitsch dito, he invited us to eat with them. Nasa isang eight-seater table sila kuya. Kaagad namin siya nahanap at umupo agad kami roon. He asked us what we wanted to eat at siya na raw ang bibili.



While my kuya was buying, some of our guy classmates went to us and introduced ourselves.


"Hi, Tamara. I'm Luke. This is Chris." Sabi niya at naglahad ng kamay. Kinamayan ko naman sila pareho at nahihiyang nginitian. Maya-maya'y dumating na si kuya at nagpaalam na ang dalawa.


"Who are those?" tanong ni kuya habang tinatanaw sila ng tingin.


"Ah, classmates namin ni Kitsch." Sagot ko agad.


"Naku, bro. Mukhang masusubukan dito galing mo sa boxing, ah?" natatawang biro ni Angelo. Naki-asar rin naman si Nicholas. Natatawang umiling na lang si kuya sa kanila.



I felt awkward all of a sudden. Kitsch was talking to them. Naigala ko ang tingin ko sa mga tao sa lamesa nang mapatingin ako kay Joaquin. He was looking at me. We looked at each other for a good second nang umiling siya at nagsimulang kumain. What's wrong with that guy?

No Other ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon