Prologue

36 0 0
                                    

"Tamara, nasaan ka na?" banggit ni mommy habang kausap ko siya sa cellphone.


"The plane just landed, ma. I'm on my way to get my luggage." Sagot ko.


"Okay, anak. The driver's already waiting for you outside. Sorry hindi ka na namin nasundo ng daddy mo, may biglaang meeting kasi sa company." Paliwanag ni mommy.


"It's fine, ma. Sige na po, narito na ang luggage ko. See you later!" sabi ko bago ibinaba ang tawag. Kukuhanin ko na sana ang maleta ko nang may biglang kumuha nito para sa akin.


"Ma'am, tara na po. Nasa labas na ho si Raul." Tumango naman ako sa body guard na kumuha ng maleta ko at nagpasalamat bago lumabas ng airport.


Two months passed by just like the wind. Wala masyadong nagbago sa mga establisimyentong nadaraanan namin. Habang nasa kahabaan ng EDSA ay nakita ko sa billboard ang litrato ko habang minomodelo ang isang sikat na clothing brand hindi lang dito, kun'di na rin sa ibang bansa. Patuloy akong nakatingin sa daanan nang biglang mag-vibrate ang telepono ko.


"Tammy, I heard you're back! How's the flight? I missed you!" si Kitsch pala, ang matalik kong kaibigan.


"Okay naman, I'm just tired. Kumusta? Do you have any plans for today, can we meet?"


"Oh, I'm sorry, Tammy. We're actually on our way to my sister's recital. Maybe we can meet tomorrow?" wika niya.


"Sure, walang problema. Take care! Say hi to your sister for me." Sabi ko bago ibinaba ang tawag. Dahil sa pagod, nakaidlip ako sa byahe. Maya-maya lang ay ginising na ako ng aming bodyguard upang sabihin na nasa bahay na kami. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa bahay nang salubungin ako ni mommy ng yakap.


"Tamara! I missed you so much! Have you seen your billboard in EDSA? Sweetie, you always look stunning!" papuri ni mommy.


"Thank you, mommy! I missed you too." Wika ko habang niyakap nang mahigpit si mommy. Nagulat naman ako nang may yumakap sa binti ko.


"Tata Mi! Miss you!" sabi ni Brent, ang 2 years old na anak ni kuya. Kinarga ko naman siya at kaagad na hinalikan sa pisngi.


"I missed you too, baby! Let's go inside so you can play with the toys tata bought you, okay?" tumango naman siya at hinayaang buhatin ko siya papasok ng bahay. Pagkarating sa sala ay binuksan ko agad ang maleta para maibigay na kay Brent ang mga dalang pasalubong. Nakipaglaro muna ako sa kanya nang kaunti bago napagdesisyunang umakyat sa sariling kwarto at maligo. Pagkababa ko ay nagpapaayos si mommy ng meryenda sa mga katulong.


"Anak, halika na at kumain. Malamang ay gutom ka sa byahe mo." Sabi ni mommy at binigyan ako ng slice ng cake at juice. Nagpasalamat naman ako at kumain.


"Mommy, kumusta kayo ni dad?" tanong ko. Nginitian naman ako agad ni mommy, pero pansin kong may lungkot pa rin sa mga mata niya.


"Ayos naman, anak. Kaso nga lang eh lalong nagpaka-busy ang daddy mo sa trabaho. Sinabi ko na sa kanya na magpahinga naman kahit papaano, pero ayaw pa rin. Ayos naman na ang kumpanya kaya hindi ko alam kung bakit ganun pa rin siya magtrabaho." Sagot ni mommy. Tumango na lang ako at patuloy na kinain ang cake na nasa platito. Alam ko naman ang sagot kung bakit ganun magtrabaho si daddy, ayaw lang sabihin sa akin ni mommy.


I remember it like it was just yesterday. Nagkaproblema sa kumpanya at ang naging solusyon doon ay ang pagpapakasal ko sa anak ng family friend namin. Yes, I'm already married, pero hindi ko pinagkakalat iyon. Ang gamit ko pa ring pangalan ay Tamara Yvanna Armendarez. The reason why daddy keeps on working his ass of is because until now, nahihiya pa rin siya sa arranged marriage na kinasangkutan ko. It's been 2 years already, and I actually don't care. My husband and I don't care about each other's personal lives, anyway. He doesn't even care that I still use my maiden name until now. Exclusive ang kasal namin, and only our family and some of our friends are invited. My kuya is the one helping my daddy with the company, while I continued with my modelling.


I decided to go home when the clock struck 8. It's time para bisitahin naman sa bahay ni Nanay Espie, ang kasambahay naming na naging nanay-nanayan ko na rin. Nagpaalam na ako kay mommy at Brent at nangakong bibisita rin ako agad. Ginamit ko ang sasakyan kong nakaparada sa bahay nila mommy para hindi na ako ihatid pa ng driver. Habang nasa byahe ay naalala ko ang balitang sinabi sa akin ni Kitsch habang nasa New York ako.


"Your husband was seen with his ex last night sa party, ah." Wika niya. I really did not care, to be honest.


"So? Kitsch, alam mo namang wala kaming pakelamanan no'n, diba?" sagot ko.


"Wala lang, I just thought of sharing it to you, baka may comments ka eh." Sabi niya bago ko nilihis ang usapan. Wala akong pakealam kung ilan pa maging babae niya. Sa papel lang naman kami kasal. Ang hindi ko matatanggap ay kung iuwi niya ang babae niya sa bahay namin.


Tinanguan ako ng guard sa gate ng subdivision namin. Kilala niya na ang kotse ko kaya walang problema ang paglabas-pasok ko rito. Pagdating sa bahay ay agad akong nag-park. Sinalubong naman agad ako ni Nanay Espie.


"Tamara, anak! Mabuti naman at nakauwi ka na. Halika, pumasok na tayo nang makapahinga ka." Sumunod naman agad ako kay nanay. Pagkapasok ay iniabot ko na agad sa kanya ang mga pasalubong kong nabili. Tuwang-tuwa naman si nanay at nagpasalamat sa akin. Maya-maya'y nagpasya na akong umakyat sa kwarto ko. Yes, we sleep in different rooms. Nagulat ako dahil habang binubuksan ang pinto ng kwarto ko ay may nagsalita sa likod ko.


"Welcome home, wife."

No Other ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon