19

88 8 17
                                    

Agad akong tumakbo papunta sa bahay, Uuwi nga pala si Mommy at baka maabutan niya si Trinity. Minessage ko na lamang si Janus. Nagsorry din ako dahil hindi ako G sa gala ngayon. Natapos ko naman ang laro niya pero hindi ko na siya nalapitan, dahil biglaang nagtext si Trinity.

Pagkadating ko ay nasa labas si Trinity na mukhang kinakabahan, agad hinanap ng mata ko si mommy.

"What happened?" Nagalala kong tanong. Napansin ko ang pagkapula ng pisngi niya.

"Did she do that?" Nakaramdam ako ng galit at pagtatakha. Umiling siya, namumuo ang luha niya. "My dad...is there" nangangatog siya.

Agad akong pumasok sa loob at nakita kong seryosong naguusap ang lalaking nasa mid 40s at ang nanay ko.

"B-baby... nakauwi ka na pala. He's Arthur my friend."

Siya si Arthur? Ang daddy ni Trinity? Ang kinababaliwan ng nanay ko?
"Ikaw ba tatay ni Trinity?" Tumaas ang kilay niya, alanganin namang ngumiti si mommy. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko minsan talaga nawawalan siya ng respet-"

"Did you slap your own daughter?" Pagputol ko kay mommy.

"Anika!" Pagsasaway niya, hindi ko siya pinakinggan. Pagod na ko para sa araw na to, gusto ko na matapos.

"It's my way to discipline her, young lady. " puro ang boses niya, nakakatakot.

"Pinakinggan mo ba siya?"

"I know the story," humarap siya kay mommy. "We will go. Thankyou for looking out for my daughter."

"No!" Matigas kong sabi, may humawak sa braso ko. Si Trinity. "It's okay" tumango tango siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"She will stay here until you choose to hear her side." Matigas kong sabi, hinatak ko papunta sa kwarto si Trinity.
Narinig ko ang pagtawag ni Mommy saakin. Galit siya,

Paglock ko ay doon ako nakaramdam ng kaba, humikbi naman si Trinity.

"I will look after you until your dad can take you home." pangaalok ko sakanya. Umiling iling siya.

"He won't listen, Anika..." niyakap ko lamang siya, halata sa hikbi niya ang pagod niya. "Sleep. Pagluluto kita mamaya maya, okay?" Nakangiti kong sabi. Tumango tango siya, pumikit lamang siya saglit at maya maya lang naramdaman ko na nakatulog na siya.

Narinig ko ang pagbasag sa baba, agad nanglaki ang mata ko at dali daling pinuntahan kung saan nangangaling iyon. Nakita ko si Mommy, umiiyak.

"I'm so dissapointed." Nakangiti siya pero tumutulo ang luha niya. Kinuha ko na lamang ang walis at dustpan upang linisin ang kalat niya, nagbato muli siya ng bote ng beer at nadaplisan ang braso ko. Wala akong nararamdaman kahit na nagdudugo na ang aking balat.

Mukhang natauhan siya, agad niya akong nilapitan. Hinayaan ko lang siyang gamutin ang sugat ko na siya din naman ang gumawa.

"Pagod na po ako." Bulong ko. Napahinto siya, tumingin siya sa mata ko. "I'm sorry..." paulit ulit nalang.

"We won." Bulong ko habang humihikbi. I just want her to say that she's proud of having me.

Paulit ulit ang paghingi niya ng paumanhin, tumango tango ako habang nakangiti. "It's okay, mommy." Pinunasan ko ang luha ko at sinimulan ko ulit linisin ang mga kalat. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng magluto, nagpromise ako kay trinity na pagluluto ko siya kahit nangangatog ang mga kamay ay nakapagluto pa din ako.

Dinalhan ko si Mommy sa kwarto niya, natutulog na siya. Hinalikan ko ang noo niya at nilagay ko ang pagkain sa table niya.

Pagkaakyat ko ay naabutan kong humihikbi si Trinity, Sinimangutan ko siya. "Kumain ka muna." Inirapan niya ako at kumain kami ng sabay.

Nang matapos kami ay kinuwento niya ang punot dulo ng lahat. Alam ko naman talagang may kwento kaya siya nagkaganyan, hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi sila makinig.

"You want to chill tom?" Napangisi niya. "Sino ba ayaw?" Napatango tango na lamang ako. Nagchat ako sa Gc na gumala kami bukas,

Plastikan Goals 7:00 Pm

Anikatol: Gala

Seen 7:02

Maski si Trinity na katabi ko ay sineen ako kaya sinipa ko siya. Umirap lamang siya.

Trinitymakaty: sunduin niyo kami sa bahay ni Anika tom


Anikatol: ang magseen di magkakajowa

Claudinebareta: ^^ G lang hehe

Bridgettepekpek: Anong oras?

CloverChichirya: -__-

Anikatol: si bianca? Ayaw talaga magkajowa?

Biancantunan: Gago mabagal internet saglet, bulok wifi makapagrant nga mamaya sa twitter

Bridgettepekpek: what time guys

Tinignan ko si Trinity, nagkibit balikat lamang siya.

Trinitymakati: idk

Biancantunan: sakto hahanap ako gown bukas kakasal na kamk ni crush

Trinitymakati: kamk? Kamk? Kamk?

Biancantunan: ay perfect ka gurl?

Clover: 8am tom, sa bahay ni Anika. Hahanap gown. Okay na kayo? Gnight

Sineen na lamang namin si clover kaya nagchat pa siya.

Clover: tas iseseen niyo ko? Middle finger up!!

Hindi namin siya pinansin, tuwang tuwa naman kami na pagtripan si Clover. Napatingin ako kay Trinity,

"you good?" Tanong ko. Tumango siya. Ngumiti at pinakyuhan ako sabay sabing "Thankyou!"

_____________





Life In Reverse(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon