1

3.6K 98 25
                                    

SCARLET HEART

Agad ako napabangon at nag ayos ng sarili ng marinig ko ang alarm clock ko. Bababa na sana ako kaso nakalimutan ko ang cardigan ko.


Hindi ko naman kailangan mag suot nito apaka init kaya. Kaso kailangan kong itago ang mga pasa sa braso ko.Kakain na sana ako kaso pag baba ko nanlumo ako sa nakita ko.


"Ate kain ka na" Sabi ni Velle ang nakakabatang kapatid ko.


"Hayaan mo nga yan magutom Lovelle, ng mamatay na yan sa gutom"  Sabi sakanya ng Mama niya. Napa buntong hininga na lang ako. Eto nanaman.


"Una na po ako" Magalang kong sabi sakanya.


"Wag ka na bumalik" she said. Di ko na lang siya pinansin, tinanguan ko na lang si Velle at lumabas na.


Hindi nanaman ako nakakain ng breakfast. Okay lang sanay naman nako. Wala ng bago.


Pumara na ako ng jeep papuntang university namin. Buti na lang isang sakay lang yon simula samin. Swerte na lang din ako dahil sa scholarship na nakuha ko sa university na yon.


Pero syempre kulang padin dahil kinakailangan ko ng allowance buti na lang may student assistant sila doon. Tas paminsan minsan pinapadalhan ako ng auntie ko na nasa Sorsogon.


At dahil nga scholar ako isa lang ang choice sa course na pwede ko kunin which is Education. Okay lang naman sakin importante maka graduate ako.


Mamayang hapon pa ang first class ko kaya dumiretso na ako sa library.


Nasa counter lang ako nag hihintay ng gagawin ng may dalawang babae na lumapit sakin.


"Hi!" She said habang nakangiti.


"Um hi?" Nag aalinlangan kong sabi sakanya. Hindi ko kasi alam kung bakit nasa harapan ko sila ngayon.


"I'm Ximena Rae, but you can call me Xi" Pakilala niya. I know her. Sino bang hindi makakakilala sakanya. She's famous in the university.


"Ako naman si Avery pwede rin naman Ry, kung ano bet mo girl" she said. Di naman nila sakin kailangan mag pakilala. I know them already.


"I'm heart" Tipid kong sagot. I'm uncomfortable. Hindi ko kasi alam kung bakit niya ako kinakausap. Ako na isang dead kid.


"You have a nice name" she said. I just smiled at her.


"So you know i'm a fashion student" Ximena said.


"Walang may pake sis, walang nag tatanong" Gusto ko sana matawa sa pambabara si Avery kay Ximena kaso pinigilan ko lang baka kasi mag muka akong rude.


"Shut up Ry!" Sigaw ni Ximena sakanya.


Scars to my Heart  (Heart Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon