𖣔︎Chapter 14

36 27 15
                                    

Hello po PurpleLoveByKrxs 💜

Felix's POV

"Hello yaya?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Sir,nasa labas po ba kayo?"

"Yes po,nasa labas ako ngayon" sagot ko.

"Sir. May emergency po kasi sa bahay ngayon. Wala pong mag aalaga kila Felly at Francis"

"What!? Pero na sabi ko na sayo yun" ano!? Pano yung mga bata?.

"Sir,pasensiya na po talaga. Biglaan po kasi eh"

"Ok ok"

Ibinaba ko ang phone ko at huminga ng malalim bago lumingon kay Dianne.

"Bakit?" Medyo nag aalalang tanong niya.

"Ok lang ba na kasama ang mga kapatid ko?"

Kung bakit naman kasi ngayon pa nagka emergency si yaya. Naku naman. Solo time ko dapat to kay Dianne eh!

Ibinalik ko ang tingin ko kay Dianne na ngayon ay parang nag iisip.

Papayag kaya siya?

"Ayos----"

"Oo naman! Isama natin sila~" biglang excited na sagot niya.

Akala ko naman hindi na siya papayag.

Pasulyap sulyap ako sa kaniya habang nag da-drive pabalik sa bahay. Hindi ko alam kung bakit. Pero isa lang ang alam ko. Gusto ko na siya. Handa na ulit akong pumasok sa isang relasyon na kasama siya.

Kung masaya ka,bakit hindi mo subukan? Wala namang mawawala diba? Saka isa pa, kasama talaga sa isang relasyon ang sakit. At handa akong ranasin ulit yun na nasa tabi ko siya.

"Dito ka muna sa sasakyan. Ako na lang ang bababa" paalam ko kay Dianne.

Pagpasok sa mansiyon,nakita ko si Felly at Francis na nakabihis na.

"Hello kuya!" Tumakbo papalapit sa akin si Felly at yumakap sa binti ko.

"Gusto niyo bamg sumama sa amin ni ate pretty?"

"Po? Si ate pretty!? Opo opo!" Tumalon talon pa siya dahil sa tuwa.

Hinalikan ko siya sa noo bago binuhat si Francis na hawak ang laruan niya.

~~~~~

Dianne's POV

Nakikita ko mula dito sa sasakyan kung paano ang pakikitungo niya sa mga kapatid niya.

Ang ganda niyang tingnan bilang kuya sa nga kapatid niya. Well, mukha nga siyang tatay na kapag karga niya si Francis.

Nakita ko si Felly na nag tatatalon habang tumatawa at nakahawak ang isang kamay sa kamay ni Felix.

Skies[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon