𖣔︎Chapter 6

54 36 2
                                    

Dianne's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Rinig kong tanong ng isang baritong boses sa likod ko.

Humarap ako don at nakita si Felix na nakatayo habang naka bulsa ang dalawang palad sa suot na jacket.

"H-huh?" Gulat na tanong ko.

"Sabi ko,anong ginagawa mo dito?" Ulit na tanong niya.

"Nag papahangin" sagot ko.

"Uhmm....sorry sa kanina huh? Sana di yon maging dahilan ng paglayo mo sa akin" He said sincerely.

"Hmm oo naman!"

"K-kung ganon,di ka galit sa akin?" Tanong niya.

"Bakit naman ako magagalit sayo?" Balik na tanong ko. Nakita kong di niya alam kung ano ang isasagot "Kung magagalit ako sayo, dapat nung bago mo palang ako hitakin papunta sa room niyo. Alam kong nakainom ka kaya dapat ako ang nasa control ang sarili"

"You know what? I like you"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa gawi niya.

"A-ano?"

"I like you. Alam kong panibagong sakit nanaman ang mararanasan ko sa oras na mas lumalim pa ang nararamdam ko sayo. Diba sabi nila,kapag tinatago mo ang nararamdaman mo sa isang tao,mas lalong lalala ito"

"Kaya sinasabi mo sa akin to? Para hindi na pa mas lumala ang nararamdam mo sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

"Hm? Oo,minsan ko na kasing naranasan yung masaktan dahil sa love na yan. Minsan nga nag dadalawang isip ako kung kaya ko pa bang mag mahal ulit. Kasi takot na akong masaktan, mag mahal ng isang tao na hindi naman ako kayang saluh---"

"Saluhin? Malay mo,kaya kitang saluhin diba?" Nakangiting sambit ko.

Nakita ko kung paano siya nagulat sa sinabi ko. Tulad dati,hindi ko na siya hinintay na mag salita at umalis na don.

Di pa lang ako nakakalayo ng may humawak sa braso ko. Pinaharap niya ako sa kaniya at niyakap.

"Lagi mo na lang akong di pinag sasalita kapag nagugulat ako. Pwede bang.....pwede bang hintayin mo ako?" Nag aalangan na sabi niya."Hintayin na maayos ang sarili ko"

Skies[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon