chapter seventeen

18 4 0
                                    

Cynthia's POV

"Cheers," sabi ko at itinaas ang hawak na ice cream. Nakipag cheers naman sa'kin si Shaun. Akala ko kung saan niya ako dadalhin, dito lang pala sa supermarket na madalas naming pagbibilhan, nilibre niya ako ng Corneto.

Simple pero sweet, parang date, yieeh!

Nakaupo kami sa labas ng tindahan habang kumakain ng ice cream namin. "Cynthia," tawag niya sa akin. Nahinto ako sa pagsubo at nilingon siya. "The one who sacrifices herself for the honor of the class  and with the spirit of chivalry is you," nanlaki naman ang mata ko dahil hindi ko inasahang marinig 'yon mula sa kanya. "The biggest heroine who made our class win the game is you," dagdag niya.

"Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. Ngumiti lang siya sa'kin at tumingin sa hawak kong ice cream.

"Kainin mo na 'yan, natutunaw na," tanging saad niya. Napatingin naman ako sa ice cream ko, natutunaw na nga. "Kamusta ang sugat mo?" tanong pa niya. Napatigil naman ako sa pag kain at tiningnan ang tuhod kong nagkasugat dahil sa nangyari kanina.

"Hindi naman malubha, maliit lang naman ang sugat na'to. Para sa aming mga nagpractice ng martial arts, wala lang sa amin ito," pagmamayabang ko pa. Totoo naman kasi, kumpara sa martial arts, hindi lang sugat ang natatamo namin, pasa at sakit ng katawan din.

"Hindi mo maipagkaila, mag-iingat ka," sambit niya. Napatingin naman ako sa kanya ng may pagtataka, hindi ko siya maintindihan. Tumayo siya at pumasok sa loob ng tindahan para kumuha ng band aid saka bumaling sa harap ko . "Itaas mo ang pants mo," utos niya sa'kin. Tumingin muna ako sa kanya bago ko siya sinunod. Pinahawak niya muna sa'kin ang ice cream niya na hindi parin nabuksan saka nilagyan ng band aid ang sugat ko. Nakaramdam naman ako ng kaunting kilig, kahit alam kong wala lang naman 'yon sa kaniya. "Masakit ba?" tanong niya. Natigil ako sa kilig moment ko dahil nakatingin na siya sa akin.

"Hindi," naiiling kong tugon. Napangiti ako sa sobrang kilig, naisipan kong tuloy na gahasain siya para magiging akin lang siya. Pero syempre, joke lang 'yon. Hindi naman ako ganoon ka desperada.

"All right," sambit niya.

"Salamat Shaun," nakangiting usal ko. Tumingin lang siya sa'kin at inabot ang extrang band aid dahil daw baka kailangan ko pa ito. Nakaramdam naman ako ng kiliti sa puso, ganoon pala mag-alala ang isang Shaun Valdez. Sa sobrang kilig ko, nakalimutan ko ng ibigay sa kaniya ang ice cream na pinahawak niya sa'kin kanina. Natatawa akong inabot ulit 'yon sa kaniya.

             *N E X T D A Y *

"Cynthia, narinig mo na ba ang usap-usapan? Bibisita daw si Ms. Kath sa mga bahay natin sa mga sumunod na araw, palagay ko makikipagkasundo na siya kung saang school tayo puwede makapasok. Kunting panahon na lang, exam na naman,"  napatingin ako kay Lily ng magsalita siya. Narito na kami sa classroom habang hinihintay si Ms. Kath. Nanlumo naman ako dahil sa narinig, nasapo ko ang dalawang sentido. Napatingin sa gawi ko si Shaun kaya nag-iwas ako ng tingin.

Mabilis na lumipas ang araw, bumisita na ngayon si Ms. Kath sa bahay namin. Sa labas kami ng bahay nagpahanda ng hapunan.

"Sport's School?" usal ko.

"Yes," sagot ni Ms. KathMs. Sa Sport's School daw ako papasok ngayong college. "The school arranged this home visit is mainly to make each of you a small goal based on your own situation. Then during the remaining half year, we should work hard to achieve this goal," Pagpapaliwanag ni Ms. Kath sa amin kahit kunti lang naman ang naiintidihan ko.

"Oo. Kung makapasok si Cynthia sa paaralang 'yan, mas perpekto," pagsang-ayon sa kaniya ni daddy. Napabusangot naman ako.

"Mr. Arcadia, don't say that. I can tell that Cynthia is studying very hard. Although the academic performance has not improved much, it's still progressing," dismayadong saad ni Ms. Kath at  tumingin kay daddy. Tumango lang sa kaniya si Dad. "Cynthia's sport performance is particularly good. Our school also has training for sports special students," wika pa niya at bumaling ulit sa akin. "Cynthia can sign up for it. I think that there's no problem for her, to be admitted to a first-rate sports university," pagpapatuloy pa niya.

All  I Want For Love Is You [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon