Tale One

51 12 4
                                        


Xaileen POV

"Does anyone of you know what clairvoyance is?" Tanong ni Prof. sa buong klase, agad naman napailing ang lahat. Seriously? Hindi nila alam iyon?
"Clairvoyance is an ability of clear vision, ability to gain information about an object, person, location, or physical event through extrasensory perception.
Clairvoyant naman ang tawag sa mga taong may kakayahan sa clairvoyance.
First example of a clairvoyant is a fortune teller, sila ay....blahh blahh blahh" Hindi na ako nakinig sa lecture ni Prof, psshh alam ko na iyan! At meron ako niyan! Pero hindi ako manghuhula noh!
Pati pa ba naman iyan, dinadala sa lecture.

Agad naman tumaas ng kamay ang isa kong kaklase. "So it means, kung isa kang clairvoyant ay may kakayahan kang manghula na hindi kaya ng isang normal na tao?" At tumango naman si Prof, agad namangha ang lahat maliban sa akin at nagsimulang magbulungan.

"Ang galing! Sana isa din akong clairvoyant!"

"Siguro, sisikat ako pag may kapangyarihan akong ganyan!"

"Huhulaan ko ang answers sa exam natin!".

"Sasakupin ko ang buong mundo!"

Hindi kaya madali ang may kakayahan ng clairvoyance, minsan, hindi mo maiwasang makita ang isang kaluluwa, ang creepy diba?
Sigurado ako na kung meron man sila niyan ay magsisisi din sila.

Isa nga akong clairvoyant, kaya kong hulaan ang isang bagay kahit hindi ko ito nakikita, i can see someone's future, kaya ko makipag-communicate sa mga namayapang kaluluwa at hindi ko talaga ito gusto, minsan ay nahihirapan na ako.

"That's all for today class, see you tomorrow" Sabi ni Prof sabay ligpit ng mga gamit niya.

Paglabas ko ng room ay nakatingin na naman ang ibang mga estudyante sa akin, yung iba pinagbubulungan ako, yung iba naman tinitingnan ako ng masama. Trip nila? Ganun?
Dumiretso nalang ako ng locker ko para kunin ang mga libro na kakailangan ko para sa next subject. Papunta na sana ako ng cafeteria, nagulat nalang ako ng may bumangga saakin, agad naman nahulog sa sahig ang mga libro kong hinahawakan.

"Ay! Pasensiya na!" Wika niya at tinulungan ako sa pagpulot ng libro ko. Hindi ko naiwasang tingnan siya sa mata, mabuti nalang at nakaiwas ako ka agad.

She extended her arms "Ako nga pala si Camille" Pagpapakilala niya, inabot ko naman ang kamay ko at nakipagshake hands sa kanya.

"Xaileen" Tipid kong sagot sa kanya.

"So friends na tayo, Xaileen?!" Sabi niya na may ngiti sa labi, tumango na lang ako sa kanya, I really don't want to have friends, ayaw ko na may makahinala sa akin na may tinatago akong, alam mo na, baka mahuli pa ako pero mukhang mabait naman siya diba? "Sige Xaileen, mauna na ako, may klase pa ako, bye!" Pagpaalam niya, agad naman akong umalid para hindi na ako ma-late sa next sunject ko.

*****

Mag isa akong naglalakad sa gilid ng kalsada galing school, walking distance lang naman ang layo ng apartment ko sa school.

"Miss! Miss teka lang!!" Nagulat nalang ako ng may sumigaw na babae, hindi ko ito nilingon dahil baka hindi naman talaga ako. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko.

"Miss! Sandali!" At may humawak sa balikat ko, hingal na hingal siya sa kanyang pagtakbo.

"N-Nahulog mo....a-ang wallet mo" Putol putol niyang sabi, agad naman niya binigay sa akin akong wallet ko. At nagdikit ang mga balat namin, agad naman nagflash at lumabas sa isipan ko ang mangyayari sa babae, shit! Shit!! Hindi siya puwedeng mamatay!!
Agad naman sumakit ang ulo ko.

"Miss? Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya, agad naman niya ako inalalayan dahil parang matutumba na ako.

"Huwag kang pumunta ng restaurant!" Babala ko sa kanya, agad naman kumunot ang noo niya.

"Ha? Bakit naman po miss?" Nagtatakang tanong niya. Hindi siya pwedeng mamatay.

"Basta!! Huwag ka lang pumunta ng kahit saang restaurant! Please!!" Sigaw ko sa kanya at iniwan siya. Agad naman akong dumiretso sa aking apartment.

Pagdating ko ay agad akong nagluto ng hapunan, gutom na gutom na ako.

Habang naghahapunan ay agad kong binuksan ang tv, agad naman nanlaki ang mga mata ko sa balita.

"Isang dalagita, natagpuang patay sa loob ng isang restaurant kaninang alas singko ng gabi, meron siyang dalawang saksak sa katawan"

A Clairvoyant's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon