Aly's Note :
Hello Lylies!! Tale five na tayo! Kaya niyo bang tapusin ang tale ni Xaileen? Sana, hahahaha.
——————————————————————
"Xaileen, may practice tayo mamaya ha?" Pagpapaalala sa akin nila Eleanor.
Sinundo niya ako kaninang 5:30 am ng umaga, biruin mo yun?! Eyh humihilik palang ako nang mga oras na yun eyh, kaya ayun! Naghintay siya ng 30 minutes sa akin, siyempre, alangan namang hindi ako maligo, magbihis, mag tooth brush at mag-ayus. Maaga niya akong sinundo para mauna daw kami sa breakfast hall, hindi naman ako patay gutom noh! Edi pumunta sita dun mag-isa.
Ngayon ko lang na alala na parang magkapareho sila ni Camille, medyo feeling close kahit kakakilala palang namin, katulad nung kahapon, bigla bigla nalang siyang lumapit at nagpakilala sa akin. Pero pareho naman silang mabait.Ay! Shet! Muntik ko nang makalimutan tanungin toh, ito na ang time!
"Ah, Eleanor?" Pagsisimula ko. Agad naman siyang napa-hmm.
"Uhm. Bakit nga pala tayo nagp-practice? Para saan? At bakit niyo ako dinala dito?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya.
"Hindi ako ang taong makapagsabi sayo niyan, Xaileen" Sabi niya, eh sino? Ang kapal mukhang si Xaiden?
"Please! Sabihin mo na, diba friends na tayo?" Pagmamakaawa ko sabay puppy eyes, hindi talaga ako sanay magmakaawa.
"Okay, okay. Xaileen, alam mo naman dibang isa kang clairvoyant, hindi ba?" She started. "We're searching around the world na may ability nang katulad mo, na kasinlakas ng kakayahan mo pero wala." Dagdag niya.
"Hoy, marami kayang mga manghuhula diyan sa labas! Bakit ako pa?" Hindi ko naiwasan ang sarili kong sumigaw.
"Xaileen, we really need you" Singit naman niya na may lungkot sa mukha, bakit kaya?
"This school is called Zilmeré Academy, paaralan ito ng mga estudyanteng may kakayahan" Pagpapatuloy niya. Ahhh! So school pala ito? Kaya pala may uniform, get it now.
"Meron kaming kaaway na isa pang school called Elmeré Academy" Dagdag pa niya, huh? Kaaway? Bakit naman sila magkakaroon ng kaaway?"Bakit kayo may kaaway?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.
"Isang school din silang may mga estudyanteng may powers din, pero sa ngayon, mas malakas sila sa amin dahil mas madaming estudyante ang meron sila. Nag-aagaw ang Zilmeré at Elmeré ng mga estudyanteng may abilities, Xaileen. Naglalaban laban kami, sa bawat school ay may limang estudyanteng pinakamalakas sa lahat, at ikaw ang kukompleto samin, Xaileen" Malungkot niyang sabi, eyh bakit hindi ko alam noon ang tungkol sa dalawang paaralan na ito?
"May kakayahan akong kontrolin ang mga lupa at bato, kaya kong ipalipad ito, o kahit anong gusto ko" Sabi niya,oo nakita ko kahapon.
"Eyh bakit sa lahat ng may kakayahang katulad ko, bakit ako pa ang pinili niyo?" Kunot-noo kong tanong, hindi ko parin ma-gets.
"Your powerful than them, Xaileen" Seryoso niyang sabi, nagulat nalang ako dahil bigla niya akong hinatak ,parang si Camille talaga siya.
Dinala niya ako sa isang hall, dito na siguro kami magb-breakfast nilibot ko ang paningin ko, wala pang ibang estudyante."7:00 am ang start ng breakfast" Sabi niya at tumingin sa wrist watch niya "6:24 am na, mauna na tayo" Dagdag niya, agad niyang hinawakan ulit ang kamay ko at sabay kaming kumuha ng breakfast.

BINABASA MO ANG
A Clairvoyant's Tale
FantasíaMeet Xaileen Velasquez. A girl who has the ability of 'clear vision'. She can see things that normal people can't do. She can see what will happen in the future. She can communicate with dead people. And this is her tale. A Clairvoyat's Tale.