Xaileen POVHindi parin ako maka-moveon sa nangyari sa babae kagabi, hindi ko siya naligtas.
Minsan pala, kahit ano pa ang gawin natin, hindi na natin mabago pa ang tadhana. Ang buong akala ko, ay maililigtas ko pa ang babae, pero iyon na ang nangyari at iyon na ang dapat na mangyari. Ang drama ko naman."Xaileen! Nandito ka lang pala!" Nakita ko si Camille na naglalakad papunta sa direksyon ko, agad naman siya umupo sa upuan sa harapan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagsusungit ko.
"Gusto lang kita makasama, friend" Sabay hampas sa balikat ko....teka? Kung makahampas, akala mo naman close kami at sinong nagsabi na magkaibigan na kami? Ulol! "Gusto mo, sabay tayo maglunch?" Hindi na ako umangal pa kasi bigla bigla nalang niya ako hinila papuntang cafeteria, buwesit!
"Xaileen, may dala akong baon!" Agad naman niya kinuha sa bag niya ang isang tupperware and Im pretty sure na cookies ang laman nito.
"Cookies?!" Excited kong sabi, agad naman kumunot ang noo niya.
"Huh? Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong niya. Iyan kasi ang ginagawa ko pag bored ako, ginagamit ko ang powers ko, hihi. "Xaileen?" Agad naman nabaling ang atensiyon ko kay Camille na kumakaway sa harapan ng mata ko, ganoon na ba ako katulala?
"Ah-eh...hinulaan ko lang kung...cookies talaga, hehe" Pagsisinungaling ko, alangan naman na sabihin ko sa kanya na 'Oo Camille, nahulaan ko kasi may powers ako, isa akong clairvoyant' psssh, huwag naman ganun.
"Xaileen!" Gulat na gulat na sabi ni Camille na para bang nakakita ng multo. "Your e-eyes....a-are turning.....b-blue!" Habang tinuturo ang mga mata ko, shit! Hindi niya pwedeng malaman toh!
"Alam mo, kumain nalang kaya tayo, nagugutom narin ako, ehe" Pag-iiba ko ng topiko, baka mahuli pa ako neto eyh. Agad naman niya binuksan ang takip ng tupperware niya pero hindi maalis sa mukha niya ang labis na pagtataka, hindi! Hinding hindi ko puwedeng sabihin ko kay Camille!
Agad naman akong kumuha ng isang pirasong cookies."Oh, Xaileen? Masarap ba? Ako nagbake niyan" Tanong niya.Agad naman akong tumango, hindi ako makapagsalita dahil puno ng cookies ang bibig ko.
Pagkatapos namin maglunch ay dumiretso na si Camille kasi may klase pa siya. Habang naglalakad papuntang locker, agad naman akong may naisipang kalokohan, paano kaya kung silipin ko ang mga laman ng locker nila?
Agad kong nilapitan ang isang locker. Puro aklat lang naman ang laman ng isang to, Im sure na nerd ang may-ari neto.
Lumapit ako sa isang locker na may nakasabit na pompom keychain and it looks cute. May mga accessories sa loob at may nakita akong, gago? May panty sa loob at nangingilaw na, yuck! Hindi ko naman napigilang matawa, kanino kayang locker to at napag-isipang itago ang panty niya dito, hahaha."Nice pink panty, huh" Natatawa kong sabi. Nagulat nalang ako ng may humawak sa balikat ko.
"What are you doing here in front of my locker?" Tanong ng isang mukhang malandeng babae na may kasamang dalawa sa magkabilang gilid niya. Hindi ako magkakamali na sa kanya ang locker na toh, hahaha. "Why are you laughing, ugly creature? May balak kang nakawin sa loob ng locker ko noh?" Pagtataray niya habang taas-babang nakatingin sa akin.
"Ano naman ang nanakawin ko sa loob? Haha! Pink mong panty na nangingilaw na??" Pang-aasar ko sa kanya, hindi ko parin mapigilang tumawa, agad naman nanlisik ang mga mata niya.
"Hay naku, Monica. Don't waste your time with this ugly creature na mukhang alien!" Singit naman nung isang mukhang balyena na nakacross arms.

BINABASA MO ANG
A Clairvoyant's Tale
FantasyMeet Xaileen Velasquez. A girl who has the ability of 'clear vision'. She can see things that normal people can't do. She can see what will happen in the future. She can communicate with dead people. And this is her tale. A Clairvoyat's Tale.