Simula

125 4 0
                                    

"Monforte, Phoenix?"

"Present!"

"Aquilles, Vach... pardon, hijo? How to pronounce your name correctly? Is it Vach or Vak?"

"It's Vach, ma'am."

"Oh, sorry 'bout that. Aquilles, Vach Matteo–"

"Sorry to interrupt, madame! May I come in?" sigaw ko habang hinihingal. May naapakan pa akong paa dahil sa pagmamadali kong pagpasok sa room.

"Hala, pasensya na po!"

Narinig ko itong nagmura ngunit hindi ko na pinansin 'cause seriously, magkalahating oras na akong late sa klase.

Basang basa na ako. Nakalimutan kong magdala ng payong kaya napag-isipan kong bumalik nalang sa apartment para kunin ito at magbihis. Masyado nang madudungis ang mga medyas at sapatos ko.

Wala si Manong Carlos, ang driver namin para ihatid ako dahil binyag ng kanyang apo. Si mommy ay abala sa hospital samantalang si dad ay babad lagi sa negosyo. Hindi pa kasi ako mapapayagang magmaneho knowing minor palang.

"First day of classes bininyagan agad ng late, Ms. De Carolina? What a good example of a class president!" istriktang sambit sa 'kin ni Madame Lynn, our class adviser. Napailing ito sabay sulat ng kung ano sa folder. Probably attendance checking.

"I apologize, Madame–"

"Your excuse letter?" patalim niya akong tiningnan sa likod ng kanyang makakapal na salamin.

Oo nga pala. Bumalik ako sa apartment para magbihis nang hindi ko man lang naisipang gumawa ng excuse letter?

Kahit malamig ang panahon ay bahagya akong pinagpapawisan. Nilingon ko ang katabi ng aking upuan at natanaw ang kaibigan kong si Normani, sumenyas na lapitan siya. Ngumisi ako. Hays salamat. Swerte ka talaga 'pag meron kang mga kaibigang ginagawan ka ng excuse letter 'pag randam nilang lumiban ka or na-late sa klase kahit wala man lang silang alam na idadahilan.

Agad kong hinablot ang papel sa kanya and mouthed "thank you." Humakbang ako patungo kay madame para ibigay ang liham. Palihim akong nagdasal na sana'y hindi na niya maalintana ang sulat-kamay dun sa papel.

"Maupo kana," utos niya at nakabawi ako ng hininga.

"At pakiayos ng kwelyo mo. Para kang ni-rape diyan."

Nagtawanan ang lahat. Tumango ako at nagpasya nalang sa 'king upuan. Pagkaupo'y inayos kaagad ang kwelyo at pinasadahan ng mga daliri ang mabasa, matuwid at maitim kong buhok. Tinali ko ito sa bun pagkatapos. Tinanaw ko ang aking mga kaklase. Hindi parin sila natigilan sa halakhakan. Umirap nalang ako. Dzuh, whatever.

"Let's continue. Dela Fuego, Ruox Sheldon?"

"Yes, right here!"

He stoop up and waved his huge palm in front of the class like he was someone na very well-known na creature sa buong mundo. He then winked each girl na tumitingin sa kanya. When his gaze turned to my direction, I immediately avoided him. 

"Buendia, Diveon Emmanuel?"

"Present!" 

"And lastly... Enrique, Cloud Finistierre–"

Taming the WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon