Kabanata 2

109 5 0
                                    

Kinaumagahan, ang sakit ng ulo ko. Pagod akong gumapang patungo sa gilid ng mesa at dinukot ang iPhone. Ilang mura ang umeeskapo mula saking bibig nang nadatnang bente minuto nalang ay magsisimula na ang morning assembly sa school namin. Late na naman? Nagtungo agad ako sa loob ng banyo at binilisan ang pagligo. 



Paglabas ko ng kwarto ay si Manang Fe ang naabutan kong abala sa kusina. Nilapag niya ang lunch box at water bottle ko sa dining table. Agad kong dinukot ang mga iyon at nilagay sa bag. Patakbo kong tinungo ang pintuan at nasilayan si Manong Carlos na nag-aantay na sa akin sa loob ng kotse.



"Naku, Margo! Hindi ka na naman nag-agahan!" sigaw ni Manang Fe.



"Late na kasi ako. Bawi nalang sa lunch! Pasensya na ho!" 



"Lagot ka na naman kay Doc!"



7:17am na nang nakarating ako sa school. Agad kong hinawi ang ID para ipakita ito sa guard. Nakapila na ang lahat kong kaklase kung saan ang mga shs students ay karapat-dapat pumwesto. Nilagay ko ang aking bag sa isang unoccupied bench. Dinukot ko ang isang red ballpen at ang attendance record book. Nadatnan ko ang nakangising Sahara at Normani na kumakaway sakin. Mabilis ko silang binati ng 'good morning' saka na nagsimula ang morning assembly. Goodness! I'm almost late!



Inimustwera ko ang sarili sa pinakadulong linya ng girls. Bitbit ang record, tinago ko iyon sa likod nang nagsimula na ang pagkanta ng Lupang Hinirang. Nang matapos na ang kanta ay tinanaw ko muli ang hawak kong record book at isa isang minamarkahan ng check ang mga present kong kaklase. Everything was just so normal after what happened last night. I am still worried about it, though. Kamusta na kaya yung lalaki?



Ngayon nama'y kakantahin na ang Silimanian Hymm. Muli kong ibinalik sa likod ang record book nang may narinig akong maliliit na hagikhikan sa gitnaan ng mga boys. Naabutan kong pinisil ni Diveon ang puwetan ni Phoenix. Sumabay naman itong si Ruox na nakapwesto sa likuran ni Diveon. Diveon faked moans. Nanlaki ang mga mata ko. Bakla ba ang mga ito? Sumunod naman itong si Vach, at ngayo'y bulabog na ang tawanan ng limang transferees.



Iilang senyas ang nilulutang ko sa ere upang mapansin lang nila ako sa likod para magpumigil ngunit ni isa'y walang nagpatinag sa kalokohang ginawa nila. Nakabaling na ang lahat ng atensyon sa kanila. Naiirita na ang iba. Naramdaman ko ang paninitig sa akin ni Cloud at hindi ko na sinayang ang tsansa para senyasan siyang tigilan ang mga kaibigan pero sa halip ay inirapan lang niya ako. Bastos!



Habang patuloy ang pagkanta ay patuloy rin silang nagloloko. Mas lalong kumalabog ang kanilang tawanan. Nilapitan ko sila.



"Tigilan niyo ang kalokohang yan."



Ngunit halakhak lang ang natanggap ko. Mas idiniin pa nila ang pagpisil ng kani kanilang mga pwet sa harapan ko. Kumulo ang dugo ko.



"I said stop it! Haven't you heard about manners?!" napasinghal na tuloy ako. Napatigil ang pagkanta. Naagaw yata ng sigaw ko ang buong atensyon ng nakararami.



"So? Why don't you join us then, Ms. Pres?" tukso ni Ruox.



Napakuyom na ako ng kamao. Baka masampal ko pa 'tong bitbit kong record book sa mga mukha nila. Natigilan sila sa paghalakhak ng dinaluhan kami ni Madame Lynn. Dahil don tinapos kaagad ang morning assembly. Nagsituluyan nang bumalik sa kani kanilang silid-aralan ang mga estudyante habang naiwang mag-isa ang section namin dito sa korte. Unang pinaalis ang mga girls pabalik ng classroom at naiwan ang mga boys dito. Napamura pa ang ilan dahil sa damay. Dinaluhan din kami ni Dr. Cheng, our school's dean, habang halukipkip na tiningnan ang limang transferees.



Taming the WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon