Kabanata 3

98 4 2
                                    


Nainip na ako dito. I'm so hungry na. Lunch na at nagsiksikan kami dito sa mataongg canteen. Sinubukan kong abutin ang coke sa ref ngunit kahit anong tingkayad ko ay talagang malas. May nakaharang kasing mesa. Tumawa si Normani.



"Pakikuha ng coke please." utos ko kay Normani.



Isang abot lang ng kamay niya ay nakuha kaagad ang dalawang softdrinks. Iba talaga pag 5'7 ft tall. Bumalik na kami sa mesa kung saan nakapwesto si Sahara at naabutan na naman namin itong nakangisi habang nagtitipa. Ganyan naman talaga yan palagi. Araw-araw nakakatanggap ng chats, texts, calls, etc. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa mala-barbie'ng anyo nito?



"Kahit napakasuplado ni Cloud pero tingin ko'y may tinatagong sweetness din iyon!" magiliw na sambit ni Sahara habang sipsip ang milktea.



"Gwapo din si Diveon but in a rugged way. Si Cloud tong neat. Holy shit! Ang dami ko nang crushes! Nalilito na tuloy ako kung sino sa kanila ang papakasalan ko in the future!" untag naman ni Normani na halos mabilaukan na sa kanyang mga sinasabi.



"Well, I'm stick to one lang at iyon si Cloud." parang kamatis na ngayon ang mukha ni Sahara.



"Stalk na'tin, dzae!"



Umirap nalang ako. Ang harot talaga.



"Marg, sissy, sino bet mo sa kanila? Hmmm?"



"Wag niyo akong idamay sa bisyo niyo." tutol ko.



"Eto naman oh! Ang kj!"



"Afam guro bet." panunukso nila.



"Whatever."



Dinukot ko ang water bottle at paubos kong nilagok yon. Tumayo ako at tinungo ang water dispenser para magsalin. Napatalon ako nang nakarinig ng mga tiling nakakatirik sa tenga.



"Oh my God! Oh my God!" sigaw ni Sahara habang pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay. Iniwan ko ang aking bote para lapitan ang dalawa, sinuri kung anong problema.



"Okay lang kayo?" abala kong tanong nang palipat lipat ang tingin ko sa kanila. Hinarap sakin ni Sahara ang kanyang iPhone.



Cloud Finis accepted your friend request. You can now visit on his timeline.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming the WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon