Sa dapit hapon na tinatamasa
nakikita ang mga kakatwang bagay na nagiging kahali halina.
Di maunawaan ang lalim ng isang basong tubig na pumawi sa nauuhaw niyang kaluluwa.Kaibig ibig kaya ang mga salitang namumutawi sa mga labing tamis ng pulot pukyuta'y di kayang ihalintulad?
Isang karangalan na ang marinig ang tinig
na nagbibigay kasiyahan sa hapong katawan ng manlalakbay.
Halina't dumulog sa hapag ng
biyaya at pagmasdan ang kakatwang likha
na inibig ng tagatanod dahil sa lumbay.Manlalakbay, iyong unawain
na hindi lahat ay nabiyayaan ng panahon
na pagmasdan ang isang dapit hapon.
