"Richard Marlin, ako ang tutulong sainyo at mag tuturo upang hasain at sanayin ang mga Feala ninyo. Maaari nyo akong tawaging Propesor Marlin."Nasa malaking kwarto kami ngayon, walang mga upuan kaya naman nakatayo lamang kaming nakikinig sakanya. Wala din dito si Thalia dahil magkaiba ang ibang mga subjects namin.
"Mag sama sama ang mga mag kakauri, ang ventours, terra, acquario, at ignous ay maghiwa hiwalay." Utos nito. Bata pa ang itsura ni Propesor Marlin, siguro ang edad nya kung ibabase sa ordinarius ay nasa late 20's na sya. Naka salamin din ito at moreno. Maganda ang hubog ng kanyang katawan na akala mo ay alaga ng gym, matangos ang ilong, habang manipis ang kanyang labi na may kapulahan at ang mata ay medyo may kasingkitan.
Napansin kong isa isa ng nag pupuntahan ang mga kasama ko rito tungo sa mga kauri nila. Apat na grupo ang nabuo, teka saan ako pupunta?
"Bakit hindi ka pa mag tungo sa iyong mga kagrupo, binibini?" Napatingin naman sakin ang lahat. Ako nalang kasi ang natitirang nakatayo dito sa gitna. Paano ako aalis dito e hindi ko nga alam kung saan ako gugrupo.
"Pasensya na po, Propesor ngunit hindi ko pa alam ang aking Feala."
Napatingin naman ako sa mga kasama ko dito sa room, medyo gulat ang iba at ang iba naman ay parang nag dududa. May mga palihim na natawa at ang iba ay blangko lamang. Wala akong panahon na bigyan sila ng kahit katiting na oras ko, isipin nila ang gusto nilang isipin. Wala naman silang ambag sa buhay ko.
Humawak ito sa kanyang baba at tila nag iisip, "Kung ganon, bibigyan kita ng tatlong araw para malaman ang iyong feala. Hindi normal na hindi mo pa alam ang iyong feala, dahil matagal mo na dapat itong naipamalas. Ngunit dahil nandito at pinahintulutan kang makapasok sa Alfea ay malabong wala ka nito. Sa ngayon ay hindi muna kita mapapahintulutan na dumalo sa ating pagsasanay."
Hindi normal? Kailangan ba alam ko na agad ang feala ko bago ako makapasok dito? Ugh! Dagdag nanaman ito sa iisipin ko. Paano ko ba malalaman kung ano ang aking feala? Ang hirap. Katumbas na kagalakan ko ang hirap. Pano ko ba ilulugar ang sarili ko sa mundong to?
Kanina pa ako palakad lakad dito, kanino ba ako pwedeng humingi ng tulong? Hay. Nakakabaliw.
Nabalik ako sa realidad ng may maramdaman akong kumalabit sa likod ko, pagharap ko dito ay bumungad sakin ang isang batang lalaki, mga nasa 10 yrs old palang siguro to.
"Para sayo po." Tila kinikilig pa nitong inabot sakin ang yellow na bulaklak, mukhang pinitas nya lang ito sa mga bulaklak sa paligid.
"Bakit mo naman ako bibigyan ng bulaklak?" Tanong ko rito. Hindi ko pa din kinukuha ang bulaklak na inaabot nya. May katabaan siya, maputi at cute, may highlights din syang red sa buhok nya, siguro ay isa syang ignous. Pero parang ang bata nya pa para mag aral dito sa Alfea.
"Ah—eh, nagandahan po kasi ako sa iyo. Sabi ng aking ina, kapag gusto mo ang isang tao bigyan mo ito ng bulaklak upang ipakita ang nararamdaman mo." Paliwanag naman nya. Namumula pa ang pisnge nya at nakatingin sa baba habang nagsasalita. Napangiti ako sa tinuran nya, cute na bata.
Nagliwanag naman ang mukha nya ng kunin ko ang bulaklak na binibigay nya, "Salamat dito. Hindi naman masama ang humanga, ngunit napaka bata mo pa. Isa pa, wala akong panahon sa mga bagay tungkol sa pag ibig." Natatawa kong saad. Nagbibiro lang naman ako, mukha pa rin syang nahihiya sa harapan ko. "Anong pangalan mo?"
"Rafael po. Kayo po?"
"Tawagin mo nalang akong Ate Elora." Sabi ko at hinagod ang ulo nya. Napangiti naman ito sa ginawa ko.
"Sige po ate elora, pag malaki na ako ay susuyuin kita! Aalis na po ako at baka hinahanap na ako. Paalam!" Sabi nito at tumakbo palayo. Napaka lawak ng isip ng batang iyon. Tinignan ko ang bulaklak na hawak ko bago ito inilagay sa bulsa ng polo ko. Unang beses na may nagbigay sakin ng bulaklak na hindi ko kilala, nakakatuwa.

YOU ARE READING
Alfea: Academy of Magic
Science FictionTo Ms. Elora Walter, We are pleased to inform you that you passed our evaluation and have been accepted to Alfea Academy. You'll be receiving a full time scholarship from our university. Please pack your things, only the important ones...