Comfort

13 1 0
                                    

Naglalakad si Ythermia sa hallway papunta sa kanyang classroom nang marinig niyang may tumawag sa kanya.


"Ythermiaaa!"


"Miaa!"


Hindi pa niya nililingon kung sino ang tumawag sa kanya ay alam niya na kaagad kung sino 'yon.


"Cascidy, Lora, bakit hindi na naman kayo pumasok kahapon?"


Nakasanayan na ng dalawa niyang kaibigan ang hindi pumasok tuwing first day of school simula nang mag highschool sila dahil wala naman daw ginagawa.


"Itong si Cidy kase, papasok dapat ako kahapon kaso niyaya ako—"


"Aba talaga lang ah, ikaw kaya ang nagsabi na wag na tayo pumasok."


Magsisimula na namang mag-away ang dalawa niyang kaibigan kaya naman pumagitna na siya rito.


"O siya awat na, pareho lang naman kayong hindi pumasok."


"Eh kung ikaw—."


Hindi natapos ni Lora ang sasabihin nang may maalala at tumingin kay Cascidy.


"Hmmmmm..." wika ni Cascidy at makahulugang tumingin pabalik kay Lora.


"Nako nako yang tinginan na 'yan, anong meron?"


"Ako na magsasabi Lora."


"Hindi, ako na Cascidy."


Napailing na lang si Ythermia sa dalawang kaibigan at magsisimula na baling maglakad paalis dahil alam na niyang magtatalo na naman ang dalawa kung sino ang magsasabi.


" Hep hep—" pigil sa kanya ni Lora.


Napalingon siya nang magsalita si Lora ngunit agad ding napabaling kay Cascidy nang dugtungan nito ang sinasabi ng nauna.


"Hooray?"


"Ano ba seryoso na kase ito na."


"Hulaan mo kung sino ang nakita namin," makalulugang sambit sa kanya ni Lora.


"Hindi ka maniniwala," nakangiting wika naman ni Cascidy.


"O sige, nakita niyo na naman yung crush niyo?" ganon palagi ang reaksyon ng dalawa niyang kaibigan 'pag nakikita ang mga crush nila.


"Hmm...close but it's a no. Wala na kaya kaming crush ni Cidy dito diba gumraduate sila last year."


"Ah, edi sino naman ang nakita niyo?"


Universe's WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon