Comeback

25 2 0
                                    

Nakailang tunog na ang alarm ni Ythermia ngunit hindi pa rin siya nabangon. Matapos ang ika-anim na alarm ay minulat niya na ang kanyang mata at tumingin sa kisame ng kanyang kwarto na may nakadikit na mga glow in the dark stars.


"Bakit ganon? Haayyyyy.....diba dapat masaya ako dahil it's the start of another school year?" wika ni Ythermia sa sarili.


Nahinto lamang ang pakikupag-usap niya sa sarili nang marinig niya na may sumigaw mula sa labas ng kanyang silid.


"Omey!! Aba'y babangon ka ba o babangon? Unang araw ng eskwela tapos mala-late ka. Hahanapin mo pa kung ano ang magiging section mo. Akala ko ba maaga kang natulog dahil alam kong excited ka pumasok."


"Ito na po babangon na. Maliligo po muna ako bago bumaba at kumain." agad na wika niya sa kanyang ina.


Mabilis pa sa alas-kwatro na naligo si Ythermia at nagbihis ng black high waisted pants at flowy pastel pink na long sleeves na tinernohan ng white flat shoes.


"Ang bilis mo yata ngayon Omey?" natatawang wika ng ama ni Ythermia na nagbabasa ng dyaryo. Kahit na may mga balita naman na makikita sa telebisyon hilig pa rin ng kanyang ama na magbasa nito idagdag pa ang hilig nitong magsagot ng mga crossword puzzles at sodoku.


"Oh pa wala kang pasok sa trabaho ngayon?" nagtatakang wika ni Ythermia sa ama dahil nakabihis ito ngunit hindi ito ang unipormeng kadalasang sinusuot ng ama sa trabaho.


"Nag-leave muna ako sa trabaho para maihatid namin ng iyong ina ang munti naming Omey." 


"Ano po??Pa naman hindi na po ako bata. Hindi naman po sa ayaw ko pero wala po ba kayong gagawin ngayon? Pero kung gusto niyo talaga eh di sige po." 


"Simon naman pakainin mo muna yang anak mo nang makapasok na sa eskwela anong petsa na oh." Wika ng kanyang ina na katatapos lang magdilig ng kanilang mga halaman sa bakuran.


Mabilis na kinain ni Ythermia ang pancake na may chocolate syrup at chopped fruits sa itaas at uminom ng gatas.


"Ma, nag-leave ba ba talaga si papa sa trabaho para lang maihatid ako?"


"Omey talaga nakalimutan mo na ba na walang pasok ngayon ang iyong ama pero oo ihahatid ka namin at pagkatapos mong maihatid ay pupunta kami kina Lola Klair at Lolo Savio mo para doon mananghalian.


"Ah ganon po, pasabi po sa kanila na miss ko na sila. Mag-iingat po kayo."


Matapos kumain at magsipilyo ni Ythermia ay sumakay na siya kasama ang kanyang magulang sa kanilang kotse at nagtungo na sa kanyang paaralan.


Seven o'clock na nang makarating sina Ythermia sa paaralan nagpaalam siya sa kanyang mga magulang at bumaba mula sa kanilang sasakyan.


"Sige po ingat kayo bye! Uuwi nalang po ako mamaya, sasabay ako kina Cascidy," masayang sambit ni Ythermia.


"O siya aalis na kami. Enjoy your first day as a grade 9 student anak love ka namin always!" maligayang wika ng kanyang ina.


"Omey pakabait ka enjoy your first day as a grade 9 student love ka namin always." Panggagaya ng kanyang ama sa kanyang ina at pinaharurot ang kanilang sasakyan paalis.


Ngumingiting naglakad si Ythermia papasok sa loob ng kanyang paaralan. Sa kanyang paglalakad papunta sa gate ng kanyang school hindi niya maiwasang maalala ang mensaheng dahilan kung bakit hindi kaagad siya nakatulog kagabi.




"A-ano??!"






From Unknown:
Meya I'm back, can't wait to see you tomorrow.

Simple lang ang laman ng mensaheng iyon at galing pa sa hindi kilalang numero ngunit kahit ganon ay alam niya kung sino ang nagpadala ng mensaheng iyon at iyon ay dahil isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng Meya.


Nakarating na sa harapan ng paaralan si Ythermia at binasa niya ang nakasulat sa itaas ng gate nito Harrizon International School.


"I'm back."


Kaagad na ibinaba ni Ythermia ang kanyang tingin mula sa pangalan ng school papunta sa taong nagmamay-ari ng boses na kilalang-kilala niya.


"K-kung ganon h-hindi ako nagkamali. Y-you're b-back."
















______________________________________

Bakit kaya ganon ang inakto ni Ythermia? Hmmm...sino kaya 'yon?

Salamat sa pagbabasa <3 lovelots


xoxo~ calykeez


•End of this chapter•

Universe's WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon