Cafeteria

7 2 0
                                    

Kapag sinuswerte ka nga naman late ka na nga, wala ka pang mauupuan, bulong ni Ythermia sa sarili habang nakatingin sa kinauupuan niya kahapon.

"Uhh excuse me? Upuan ko yan," sabi ni Ythermia pagkatapos lumapit sa lalaking hindi niya kilala na nakaupo sa upuan.

Napatingin naman siya sa kaibigang si Amary na para bang sinasabing tulungan siya nito at sabihin sa katabing lalaki na siya ang talagang nakaupo rito.

"Ahh Ythermi--," hindi na naituloy ni amary ang sasabihin nang magsalita ang kanilang guro.

"Miss..Orquiño am I right?"

"Ahm Mia na lang po."

"Okay, Mia kindly take your seat."

"Eh Miss kasi po may nakaupo sa upuan ko," sabay turo sa lalaking nakaupo.

"Oh we already have a seating arrangement and that's not your seat. Dun ka sa....may likuran sa tabi ni Mr. Pangilinan," sabi ni Miss Nette sabay senyas kung saan ang assigned seat ni Ythermia habang hawak ang listahan ng seating arrangement.

"Ahh ganon po ba." Tumango na lang si Ythermia at dumeretso na sa kanyang upuan. Habang kinukuha niya ang kanyang notebook para mag list down ng mga notes ay nagsalita ang kanyang katabi.

"Ythermia right?" nakangiting tanong sa kanya ng kanyang katabi.

"Ah oo pero Mia na lang, ikaw?" tanong naman ni Ythermia habang nagsusulat.

"Hahah eh kapapakilala lang ng lahat kahapon ah, makakalimutin ka siguro. Ako nga pala si Jarelle" sabi pa rin ng katabi ni Ythermia na ngayon ay nakatingin sa kanya.

"Oo eh may pagkamakakalimutin nga ako, it's nice to meet you Jarelle," sabi ni Ythermia at naisip na hindi niya sasabihin na hindi naman talaga siya nakinig dahil baka magtanong pa ito ngayong medyo naiinis pa rin siya sa bumunggo sa kanyang hindi man lang nag sorry.

Ngumiti na lang si Jarelle at nakinig sa kanilang guro hindi na nagsalita pa dahil baka mapagalitan pa sila.

Itinuon din naman ni Ythermia ang kanyang atensyon sa kanyang pakikinig at pagsusulat sa mga importanteng bagay na sinasabi ng kanilang guro upang mawala na ang kanyang pagkainis sa nangyari sa kanya.

Lumipas ang mga oras hanggang sa dumating ang break time. Nagpaalam na ang kanilang guro at unti-unting nagsialisan ang mga kaklase niya.

"Amary bakit naman hindi mo sinabi sa akin na may seating arrangement na? Nakakahiya tuloy sa katabi mo," sabi ni Ythermia pagkalapit niya sa kaibigan.

"Eh sasabihin ko na bale sa'yo Ythermia kaso nga lang naunahan ako ni Miss Nette. Nako nakakahiya ka nga HAHAHAH," natatawang sabi ng kaibigan niya sabay hawak pa sa kanyang tiyan.

"Hindi ka naman nakakataw yun ah nakakahiya kaya 'wag ka nga tuma—," sabi ni Ythermia sa nang-aasar na si Amary.

"Uyy bakit ka na late Mia? Ayan tuloy 'di mo alam na may seating arrangement na. Ang layo ng C.R ah?" tanong sa kanya ni Lora.

Hindi pa man nasasagot ni Ythermia ang mga tanong ni Lora ay nagsalita na si Cascidy.

"Nako nako siguro sumilay ka pa kay Arquin noh." nanunuksong wika ni Cidy.

"Hindi no marami lang tao kanina kaya natagalan tsaka tara na nga kumain na tayo." sabi na lang ni Ythermia bago pa siya mainis ulit nang maalala ang nakabungguan niya noong umaga.

"Ay gusto ko yan." sabi ni Amary.

Habang naglalakad sila patungo sa cafeteria ay nauunang maglakad sina Lora at Cascidy. Magkasabay naman sina Ythermia at Amary sa may likod.

"Ikaw di ka nagsasabi nakita mo pala crush mo," wika ni Amary kay Ythermia na may kasamang panunukso.

"Nahawa ka na kay Cidy ah tumigil ka nga diyan baka may makarinig sa'yo," sabi ni Ythermia sabay senyas na tumahimik.

Nakarating na sila sa cafeteria at hindi tulad kahapon ay mas kakaunti na lang ang mga nakapila siguro ay dahil medyo natagalan sila.

"Uyy si Arquin oh," magkakasabay na wika ng mga kaibigan ni Ythermia kaya naman pinanlakihan niya ng mata ang mga ito.

Napalingon si Ythermia sa puwestong tinutukoy nina Cidy, Lora, at Amary at maswerte siyang walang nakarinig sa sinabi ng kanyang mga kaibigan. Iyon ay dahil halos lahat ng mga tao sa cafeteria ay nakatutok din sa direksyong iyon.

Ahh kaya naman pala, napabulong si Ythermia sa sarili nang makita ang grupo nila Arquin na nakapwesto sa may gitna ng cafeteria.

"Teka?! Sila yung pinagkakaguluhan kahapon?" Inialis ni Ythermia ang kanyang tingin sa kina Arquin nang sabihin iyon ni Amary.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko galaw-galaw na Mia baka maunahan ka pa," sabi ni Cidy na may makahulugang ngiti na para bang may pinaplanong kung ano.

"Anong galaw-galaw ka diyan eh crush ko lang naman si Arquin. Ano ngayon kung maunahan? Studies muna ang focus ko noh," naiiling na lang si Ythermia sa ideya ni Cidy.

"Kung ano-anong sinasabi mo kay Mia eh bakit hindi ikaw ang gumalaw-galaw Cidy para makabili na tayo ng pagkain. Nandun na yung pila oh," sabay turo ni Lora sa pila nilang hindi umuusad.

"HAHAHAHAH galaw-galaw pala ah," sabi ni Amary at nagtawanan silang magkakaibigan.

















______________________________________

Salamat sa pagbabasa <3 lovelots

xoxo~ calykeez

•End of this chapter•

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Universe's WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon