Pangalawa

6 1 0
                                    

(Warning: This chapter is unedited. In the future, I would take time to edit this. Thank you for understanding.)







"Miss Rodriguez, why are you spacing out?" Galit na tanong sa akin ng math teacher namin kaya napalingon ang iba sa mga kaklase ko sa akin. Umirap ako sa kanila at tiningnan ng matalim ang teacher bago ngumiti ng sarkastiko, "Sorry, I was just thinking why you explain calculus like we're a bunch of freshmen. Grade 11 na po kami, just so you know."

Nag-scoff si Bettina, ang totoong ass-kisser at self-entitled queenka ng school na ito, "Ew, napaka yabang na nga at humaharot kay Tochi my loves tapos rude pa? Her face is so thick, like, top 1 talaga 'yan?"

Inismiran ko na lang dahil nga pinaiiwas na ako ni Mama sa gulo. She knew it runs in the blood na mabilis kami mainis pero alam naman namin ang tama at mali, kung talagang namumuro na, aba'y sasapakin ko na talaga.

Bumuntong-hininga ang guro at bumalik nalang sa pagtuturo knowing na I was right about my remark earlier. He was teaching us like we're goddamn toddlers that doesn't know calculus, nang-u-underestimate siya, e. Tama lang na sabihin ko ang naiisip ko, diba?

Humalukipkip ako at tinitigan ang bintana kung saan tanaw na tanaw ang bundok sa malapit sa school namin. Napaka-ganda at ang dami ring puno. Sa sobrang daming nature sa paligid ay aakalain mo na napaka probinsiya ng lugar na ito, pero hindi. Siyudad 'to, 'no.

"Psst," sitsit ng isa kong kaklase kaya nawala ako sa focus ko sa mga nakakagaang loob na mga kulay. Hindi ko pinansin kasi wala namang gustong sumitsit sa akin, like ever. Takot lang sila at baka mapahiya ko. "Psst, Kay!"

I frowned, turning my head to the side only to see Tochi smiling cheekily at me. "Sabay tayo mamaya kumuha ng pagkain sa recess, may sasabihin lang." I rolled my eyes at ibinaling ang attention sa board.

Dahil nga takot ang mga kaklase ko sa akin, I was alone in the middle of the room, every two seats sa front, back, left, and right ko ay bakante. Malawak naman ang classroom kaya nakapagbigay sila ng space.

Kinuha ni Tochi ang isang upuan at umupo sa tabi ko, pero may space pa rin na isang upuan sa pagitan namin. Tumingin siya sa akin, "Dali na. Importante 'yun."

"Kung galing sa iyo, edi syempre hindi importante." I said monotonously. Kahit naman nakatingin pa rin ako sa board ay alam kong umirap siya. Diva queen ka, girl?

"I don't have time for that." Mariing sabi ni Tochi kaya tahimik akong napabuntong-hininga at tumingin sa kaniya, halatang naiinis na. "Ano po ba iyon, your highness?"

Nanigas ang mukha ni Tochi at lumapit ang mukha niya sa akin, parang may binabalak pa nga na gawin. Iiwas na sana ako nang biglang hawakan ni Tochi ang baba ko. Nanlaki agad mata ko.

"H-Hoy! Anong-"

"Sasabay ka mamaya sa recess o hahalikan kita?" Shit. Napatingin na ang lahat sa amin dahil sa pagsigaw ko kanina, nagkakantyawan na nga ang mga balasubas na lalaki at yung mga tropa ni Tochi. "Oo na!"

Ngumiti s'ya ng napakalaki at hinaplos ng hintuturo niya ang baba ko pataas, halatang nang-iinis na talaga. "Good. See you mamaya. Usual table, ha?"

"Usual table ka d'yan?" Bulong ko sa sarili ko nang bumalik na siya sa upuan niya at kinantyawan ng mga kaibigan niya, tuwang-tuwa pa nga ang loko at nginisian ang mga lalaking iyon.

Umubo ang teacher namin kaya nabaling na ang atensyon ng mga kaklase ko sa tinuturo niya. Rinig na rinig na ang mga bulungan ng mga babae at yoong mga kaibigan ni Bettina kaya bumuntong-hininga ako. Damn you, Tochi.

Matapos ng isang subject at free period dahil nga nag-leave ang PE coach namin, it was time for recess. Pagkalabas na pagkalabas ko para bumili ng pagkain sa cafeteria ay may mga nagtitinginan na sa akin ang ilan pa nga ay tinanong ako kung kami daw ni Tochi, mabilis akong tumanggi at mukhang hindi naman sila naniwala.

Habang nakain na ako ng tahimik sa may dulo ng canteen ay biglang may babaeng umupo sa gilid ko kaga nagulat ako. Iyon pala ay si Daisy lang.

Ngumiti siya sa akin at ininom ang strawberry juice niya, "Balita ko may something daw kayo ni Tochi. Bluff or fact?"

May umupo din namang isa pang babae at inirapan si Daisy. Nang malaman ko kung sino ang umupo sa isa ko pang tagiliran, napamasahe ako sa bridge ng aking ilong. "It's fact or bluff, stupid. And what do you think? Kay doesn't even bother with him, kakasabi lang din sa atin kahapon na inis na inis siya doon, then suddenly sila na? Are you really a Grade 11 student? O sadyang moron lang?"

Akmang sasapakin na ni Daisy si Elain nang hawakan kaagad ni Erin ang palapulsuhan nito, kumunot ang noo niya sa maabutan. "I was just getting food tapos you're already fighting? Nakakahiya kayo."

Alam naman nila na tama si Erin kaya umirap nalang ang dalawa at pinagpatuloy ang pagkain. Mabuti at naisipan ng cook na magluto ng korean black noodles ngayon pero as much as I loved that food, nawalan ako ng gana. Nahalata iyon ni Daisy kaya tumingin siya sa'kin.

"Hoy, babaita, hindi mo na nga sinipot ang surprise jowa mo ay hindi ka pa nakain? Ayos ka lang?" Tanong niya at tumango nalang ako. Sumimangot si Elain at nilagay ang likod ng kamay niyo sa noo at leeg ko. "Ate Erin, she's not eating her favorite food pero she doesn't have a fever naman."

Lalapit sana si Erin para icheck din kung nilalagnat ako or what pero tumayo na din ako at kinuha ang tray ng untouched noodles. Juice lang ang naubos ko kakaisip ng kung ano-ano. I smiled at them, "Ayos lang ako. If you would excuse me, babalik na ako sa room."

Ngumiti nalang din sila pabalik at lumakad na ako papunta sa may lagayan ng tray. I walked gracefully pero nang mapatid ako ni one and only Bettina, hindi ko inaasahang magku-krus na naman ang landas namin ng pinagbantaan ko sa masisira ang school year niya dito.

The styrofoam bowl of noodle landed on the head, coincidentally, of the transfer student. And I knew I was going to regret that I even mingled with the likes of him twice.







Zapped (#1 Evocative Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon