"You are the CEO of your life. Some people needs to be hired and some needs to be fired."
Chapter Twenty-Four:
MUST STAY OUT OF IT
Dedicated to YhaniecoKimRiegan's Point Of View
"Itong babaeng 'to.. tsk." Isang mabigat na hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa partner konh na nakahiga sa hita ng kapatid nya.
Malinis na sya at bihis na pero hindi pa rin sya gumigising. Ewan ko ba kung anong kabulastugan ang ginawa ng babaeng yan kagabi.
Nung matapos na ang duty namin dumiretso agad ako dito sa bahay nila para siguruhin kung nakauwi na sya dala ang kotse. Magdamag namin syang tinawagan pero hindi sumasagot. Nung dumating ako sinalubong agad ako ng mama niya at agad na nagtanong kung nasaan si Heather.
Hindi ko nasagot agad ang tanong nila kaya halos sipain ako ng mag-ina.
Kaya dinala ko sila sa station at mabuti na lang nandoon pa si Rack. Tinawagan ulit namin ang cellphone ni Heather at agad iyong trinack. Nang mahanap ay agad naming pinuntahan, at hindi ko alam kung anong irereact nang makita syang nakahilata sa sahig sa tabi ng ilog at walang malay. Halos hindi na namin sya nakilala dahil sa maduming damit at magulong buhok.
"Ano ba kasi talagang nangyari, hijo? Bakit nagkaganon?" Nag-aalalang tanong ni Luna.
Napakamot ako sa batok at inalala ang nangyari. Kinwento ko sa kanila pero ang hindi ko inaasahan ay si Sir Lysandro pa ang papanigan nila.
"Matigas kasi ang ulo ng batang ito. Kapag hindi nya gusto, talagang magsasalita yan!" Si ma'am Herna at hinimas ang buhok ni Heather na mahimbing pa ring natutulog.
Dapat kasi hindi na nya sinagot si Sir Lysandro. Sanay syang magbigay opinion o violent reaction, alam ko, lalo na nung si ma'am Laura pa ang Head pero sana inisip nyang iba na ang Head ngayon at mas strikto pa. Sabagay, ugali nya yun. Pero may punto din naman sya. Sa katunayan naiisip ko din yun pero hindi ako nagsalita. Hindi na talaga nakapag-pigil si Heather.
"Mabuti na lang at mukhang walang masamang nangyari." Bumuntong hininga ang ginang at tumingin sa akin. "Wag ka munang aalis hijo, nakapaghanda na 'ko ng agahan."
"Ha? Naku wag na po."
"Ito lang ang magagawa namin sa nagawa mong kabutihan kay ate." Napatingin ako sa kapatid ni Heather. Hindi sya katulad ng ate nyang mataray at may pagka-pilyo, mas pormal ang aura nya at tila madalang ngumiti.
Tumango na lang ako. Mukhang wala na 'kong magagawa. Ito ang unang beses kong makapasok sa bahay nila Heather at ito rin ang unang beses na makakasama ko sila ng mas matagal.
"Minsan ko lang nakitang nagkaganito si Heather, siguro nahiya talaga sya sa nangyari."
Napatingin ako kay ma'am Herna. Malungkot ang kaniyang ekspresyon... "Ano pong ibig n'yong sabihin na minsan lang?"
BINABASA MO ANG
The Man In Black ✔️
HorrorWith a single gaze, he will deliver you straight to death. Don't look back! Your mind will be driven to insanity and your eyes will be the worst cause. Completed. This story is UNEDITED! Expect typos and grammar errors.