Chapter 4 - Para Tayo Na

95 12 0
                                    

Nagpasalamat at nagpaalam sina Mira at Aria matapos silang ibaba sa bayan ni Justin. Habang naglalakad ang dalawa sa may shopping center, bigla nalang hinila ni Aria si Mira papunta sa jewelry stall na sale. "80% discount Mira o! Bili tayo ng couple ring." Alok niya.

"Friendship bracelet nalang. Ang corny naman kung magsusuot tayo ng couple ring." Sabi ni Mira na natatawa sa kaibigan. Medyo malalim na rin ang nabuo nilang pagkakaibigan, pero hinding hindi magsusuot ng singsing si Mira para sa kaibigan.

"Gago, walang tayo. Bili tayo individually." Pagalit na sabi ni Aria.

Natawa naman sa kaibigan si Mira habang pinapanood si Aria na namimili ng couple ring. "Eh kung hindi ka naman mas gago, wala ka namang boyfriend. Bakit mo kailangan ng couple ring? Hanap ka na muna ng boyfriend bago yan." Biro ni Mira, pero huli na ang lahat. Bumili na kaagad si Aria at pina sukat na ang daliri.

Tila sumasakit na ng ulo ni Mira sa sobrang random ng araw na ito, samahan pa ng mga padalos-dalos na ginagawa ni Aria.

Hindi na siya nagsalita at pumunta na sa Starbucks para hintayin si Stell. "Mahilig rin ba sa kape si Stell?" Tanong ni Aria, dahil parang wala siya sa mood na may sumali sa celebration nila ni Mira na hindi naman niya kilala. Based sa kwento ni Mira, masyadong makulit si Stell. Nasa isip niya baka papansin at malanding pa fall siya.

One more thing, all this time, ang alam niya ay babae si Stell.

"Hindi, strawberry cream lang siguro yun." Sabi naman ni Mira, at pinakita ang inorder niyang strawberry cream. Kabisadong-kabisado niya ang kaibigan niya. Medyo nagselos ng slight si Aria dahil mas matagal siyang kilala ni Stell.

"Baka naman mamaya kayo lang ang maguusap niyan, tapos out of place ako." Complain ni Aria.

"Hindi yan. Lahat kasali pag dating kay Stell. Lahat nagiging kaibigan nun." Proud na sabi ni Mira. Pati matatanda bet na bet si Stell dahil malawak siyang mag isip ng topic.

One time, nag-volunteer sina Mira at Stell sa home for the aged. Lagi nalang si Stell ang prefer nila na kasama at magbantay sakanila.

Ang madalas nilang sinasabi kay Mira tuwing shift na niya ay, "iha, nasaan ba si Stellvester. Wala ba siya ngayon?"

"Maalaga siya ano? Ang friendly niya. Makuwento at napaka sigla."

Minsan napapa isip nalang si Mira. Siya ba hindi maalaga, friendly, makwento at masigla?

"Alam mo, eto nalang. Para hindi naman tayo mukhang nagluluksa. Celebration ito eh." Paunang sabi ni Mira. "Unang lalakeng dadaan na naka yellow, ilibre mo. Kung pumayag, siya na si Mr. Right." Pakulo ni Mira.

Who would've known, may natitira naman palang kilig sa loob ng kadiliman niya.

"Sige!" Nag agree naman kaagad si Aria, at excited na.

Maya-maya pa ay may mga dumadaan na na mga kalalakihan. Ang kaso laging naka black, maroon, red at blue. Stripes man o plaid, wala talagang naka yellow.

"Paano ba yan, wala yata talaga eh." Biro ni Mira, pero hopeful parin si Aria.

Medyo mapagbiro kasi ang tadhana kay Mira. Lagi nalang siyang minamalas sa mga bagay bagay. Example, noong nakaraang buwan, pumunta siya ng Spain para dalawin ang dad niya for a week, ang tagal niyang naghintay sa boarding gate, tapos na move pala sa ibang boarding gate. Kinailangan niyang magpa move ng flight sched dahil naiwan na siya.

Last week naman, nagpasa siya ng resumé for job interview. Tapos ang tagal niya hinihintay ang turn niya, halos matapos na ang araw pero di parin siya tinatawag. Nung tinanong niya kung kailan ang turn niya, apparently hindi makita ang pinasa niya na resumé. Walang naniwala na nagpasa siya ng resumé kaya hinanapan nalang ulit siya ng isa kaso di siya nakuha dahil napagkamalan siyang irresponsible at absent minded.

Out Of Control (SB19 FF)Where stories live. Discover now