Chapter 8 - Napabayaan

43 7 0
                                    

Natulog si Aria sa kwarto ni Mira. Si Stell naman ay natulog sa kwarto ni Ria, dahil nasa eskwelahan naman ito. Sa sobrang lasing ni Mira, natumba na siya matapos maligo. Pina-hiraman niya si Aria ng mga damit niya para fresh rin siya.

Nang magising si Mira, nagulat nalang siya na wala na si Aria. Tumayo siya at hinango ang kurtina para tingnan ang bahay nila kuya Paulo niya. Anu kaya ang ginagawa nila Ken at Josh?

Bigla niyang naalala na inaway niya nanaman si Josh. Lagi nalang niyang inaaway. Baka sawang- sawa na yon sakaniya.

Umakyat siya sa bintana para di siya makita ng mommy niya na pupunta sa kapitbahay ng maaga. Pagkarating niya doon, umakyat rin siya sa bintana ni Paulo para tingnan kung nasaan sila Josh at Ken.

Pagka baba niya mula sa bintana, nagulat siya nang makita niya na wala namang laman ang kwarto kundi si Jen at Stephen. Magkayakap pa.

Sa sobrang gulat niya, umakyat ulit siya sa bintana, tinitingnan kung magigising ang dalawa.

Nakita naman siya nila Josh at Ken dahil palabas na ang dalawa para umuwi. Akala nila noong una magnanakaw. Nang lumingon si Mira, nagkagulatan nalang silang tatlo.

Napa urong sina Ken at Josh sa gilid, habang napa hawak naman si Mira sa dibdib.

"Akyat bahay ka na pala. Ayos ah." Biro ni Josh.

"Hinahanap ko kayo, baliw." Responde naman ni Mira sa false accusation ni Josh.

"Hala! Baliw ka tuloy." Sabi ni Ken kay Josh, sabay tawa. Sumunod naman si Daryl at Jayson na lumabas, kasama ni Paulo.

"Pasakayin ko lang sila ng jeep." Paalam ni Paulo sa dalawa dahil mukhang busy pa sila kay Mira. Umalis na sila at iniwan ang tatlo para mag usap.

"Bakit mo naman kami hinahanap?" Tanong ni Josh. "Ang aga mo naman yata kaming isipin." He remarked, causing Mira to roll her eyes and turn her back.

"Bahala kayo diyan." Sabi niya at tuluyan nang nag walk out, pabalik sa bintana ng kwarto niya.

"Hala! Spiderman!" Josh cooed in amazement. Talagang sa bintana na pala dumadaan ang walang hiya.

"Masipag magluto si Stell. Tara sakanila para may free breakfast tayo." Alok niya ken, pero napa iling naman siya.

"Ayoko. Naiinis ako sakanila. Akala ko dati noong kaklase ko sila, bestfriends lang talaga sila, pero dito pala iba. Ayoko na silang makitang magkasama." Sabi ni Ken na parang suko na siya.

"Kailangan mong masanay. Ako noon dumating sa point na ako ang nagcocomfort kay Stell kung nanonood kaming tatlo ng horror movie. Tapos si Stell naman ang nananagip saakin kung napupunta ako sa malalim na parte ng swimming pool." Napatawa si Josh after ng statement niya.

Medyo na lighten up naman niya ang mood ni Ken. Pero ayaw na talaga niya. Tanggap na niya na friendzone lang siya.

"Kayo na ba?" Tanong ni Josh bago sila pumasok sa pinto.

"Hindi. Pinapag-selos ka lang niya noon hinalikan niya ako." Inamin ni Ken.

Nagulat si Josh sa narinig. Ibig sabihin, Mira would go to that extent just to make him jealous. Ginamit niya pa itong inosenteng bata. As expected, di pa nag-mature si Mira. She's gotten worse.

Pumasok si Josh na hindi kumakatok. Naabutan nila sa kusina si Ria at Aria na nag-iirapan habang nagluluto ng pancakes si Stell.

"Sarap ng breakfast." Sabi ni Josh, catching Stell's attention. "Kuha lang kayo, dre. Di sakin yan." Biro niya.

"Nguso mo Ria. Bakit ba nakasimangot kayo?" Tanong ni Josh, sabay subo ng pancake kay Ria para ma-distract naman siya.

"Kuya Josh! Naniniwala ka ba sa first come first serve?" Tanong ni Ria.

Out Of Control (SB19 FF)Where stories live. Discover now