Chapter 10 - Pamilya

44 2 1
                                    

"It doesn't affect me anymore. Kung yun ang gusto ni Mama, yun nalang." Mira responded.

Nakalimutan na siguro niya. Hindi siya makausap for days. Kay Paulo lang siya madalas mag open up, pero that time kahit siya hindi makausap si Mira sa mga panahon na iyon.

"Alam mo ang hirap sayo Mira? Lagi ka nalang naka base sa kung ano ang gusto ni tita Blanka para sayo. Kung ito ang gusto mo, why not. Hindi naman biglaan successful kaagad ang pagiging writer or novelist. Nasimulan mo na, wag mong  isusuko ng mabilis. Laban lang. Dito lang ako just in case you need support." Sinubukang i-cheer up ni Paulo si Mira.

Ngumiti naman si Mira at natawa. "Iisa palang bumili ng libro ko. Si Justin lang. Tapos hindi na siya bumili ulit. Mag gusto niya yata libro ni Aria. Nasa sale na ang libro ko sa mga bookstore. Cents lang ang worth. Ano itutuloy ko pa ba?"

Nasaktan si Paulo the way she belittled herself, accepting na walang worth ang mga works niya dahil lang sa presyo nito sa ibang bookstore.

"Mabilis mag judge ng worth ang mga tao. Nagsisimula ka lang kaya walang bumibili. Hindi naman nila binasa eh. Hayaan mo, bibili ako ng isa. Para next time ang sasabihin mo naman dalawa na ang bumili ng libro mo." Comfort niya sa pinsan na nawawalan na ng lakas ng loob.

Natawa si Mira dahil sa huling salaysay ng pinsan. Dalawa na nga lang ang bibili ng libro niya, pinsan pa niya at ang kaniyang bagong kaibigan.

"Bakit tumatawa ka? Two is better than one." Pahayag ni Paulo na lalong napatawa si Mira. "Hahanap ako ng interesting. Ang gusto ko yung tinadhana ah. Yung magkakatuluyan sa huli." Demand niya, sabay hila sa pinsan para ipakita ang mga libro niya.

Pagkarating nila sa loob, nanguha ng isang libro si Paulo na natipuhan niya, dahil parang nakita na niya dati.

"Paano mo nasabing isa lang ang bumili ng libro mo?" Tanong niya kay Mira, right after he paid for the book.

Hindi naman nakasagot si Mira. Sa totoo lang hindi rin niya alam. Dahil noong pre-order wala naman talagang bumili. Pero hindi na niya alam kung ano ang nangyari after na distribute ang libro niya.

"Nakita ko na ito sa trainee dati sa trabaho ko, if I'm not mistaken." Dagdag ni Paulo habang binubuksan ang seal ng libro. "A Choice to Stay." Binasa niya ang title.

"Matagal na yan. Noong high school ko pa yan sinulat. Sinabay ko sa first three books ko na pinublish." Paliwanag naman ni Mira.

"Dedicated to Sejun? Sino naman itong Sejun na ito?" Tanong ni Paulo na parang naiinis sa pinsan dahil dedicated sa lalaki.

Ang hindi niya alam ay gumamit dati ng code name si Mira para sakaniya.

Nase John Paulo

Nase John

Sejun

Para walang makaalam na para sa pinsan niya ito.

Noong naging sila kasi ni Sarah, nahalata na ni Mira na mahal parin ni Sarah ang ex niya. Pinilit niyang ibahin si Paulo at gawing ibang tao na di niya namamalayan. Mapa buhok at pananamit naiba niya. Ang di niya maiba ay ang mga hilig ni Paulo.

Anything related to music and poetry, hindi kinailangan ni Sarah. Ang nagustuhan lang niya ay ang sporty side ni Paulo. Ang kaso, instead of Basketball, pinipilit niyang mag tennis si Paulo. Though it was fun and all, Paulo works best in team sports, kaya di siya nahilig.

Hindi yon matanggap ni Sarah. Ang ex niya kasi before si Paulo ay varsity ng tennis at napakagaling. Miss na niya na siya ang girlfriend ng pinaka magaling mag tennis. Feeling niya first lady siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Out Of Control (SB19 FF)Where stories live. Discover now