Nakalipas na pala ang isang linggo, simula nung umalis ako kay Lola. Hindi ko namalayan na naging busy ako sa eskwelahan. Masyado rin naging madrama ang huling araw ko kay Lola.So today is Friday again. Ang pinaka-inaantay ko. Nasa school pa rin ako ngayon dahil may ganap nanaman dito today. Kaya rin busy ngayong araw dahil may laban ng basketball ang college at senior high.
Hindi ko tuloy alam kung alin ba ang dapat kong i-cheer. College ba or ang ka-batch ko?
Of course, I have to cheer my batchmates. Pero marami din akong kaibigan sa kolehiyo. They will be mad at me once na makita ako na chini-cheer ko ang batch mates ko.
Okay fine. 'Di na ako magchi-cheer.
"Louisse, nood na tayo, simula na ang game. Kuya Eric wants you there to watch his game. " Eury said. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.
Ngumiti ako sakanya. 'Di ko maiwasan mamangha sa itsura ni Eury. She is really beautiful. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit marami siyang manliligaw. Tama ang pinili nila dahil sobrang bait ni Eury.
"Yeah, I'll watch. But later na, 'di pa kase ako nakain eh... Kain muna ako."
"Oh... buti hindi si Kuya Eric ang nakakita sayo, magtatampo 'yun kapag nalaman niya na 'di ka pa nakain." she laughed . "So pa'no... I'll watch na, sunod ka nalang. Eatwell." Ngumiti siya at tumalikod na sa akin.
Kinuha ko na ang gamit ko at dumiretso na sa Canteen.
Hindi pa pala ako nag-aalmusal at nagta-tanghalian, nagmamadali kase akong umalis kanina sa bahay dahil nga dito sa Sport Fest.
Nakahanap na din ako ng pwesto at naka bili na din ng kakainin.
Bumili lang ako ng one bottled water and spag. Masyado akong napagod sa mga pinagagawa ko kanina kaya siguro nagutom ako ngayon.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan tumingin kung saan. Kaya naman napadpad ang paningin ko isang lalaking nakatalikod na bumibili.
Parang familiar sakin 'yang katawan na 'yan. And his hair...
Nanliit ang mata kong nakatitig doon sa lalaki, tila hinihintay ko itong lumingon sa gawi ko.
He's wearing white loosen shirt na may nakasulat sa likod na numero at merong larawan ng isang lalaki na may hawak na gitara. Hindi ko lubusang makita ito, pero parang familiar ang ayos nito. He's also wearing a ripped jeans and white rubber shoes.
Hmm, not bad. He's cool bruh.
Binaliwala ko nalang ito at pinagpatuloy na lamang ang kinakain.
May laro nga pala ngayon... Hindi pa naman siguro ako huli 'no? Binilisan ko na lamang ang pagkain ko.
Sakto nang matapos akong kumain ay agad ng nag-vibrate ang cellphone ko.
Eury's calling...
Agad ko itong sinagot.
"Girl, where are you na? I think Kuya Eric is not in the mood, maybe, because you're still not here? C'mon he's waiting for you." Sunod-sunod na sabi ni Eury sa akin. Rinig ko ang ingay sa kabilang linya.
Nako patay ako nito. Hindi ko na namalayan ang oras.
"Ano... papunta na ako d'yan. Nagutom kase talaga ako." I said to her. Agad na akong tumayo at umalis sa pwesto ko doon.
"Okay, I'll wait you here." Sagot nito at agad ng pinatay ang linya.
Habang naglalakad ako ay nakatitig pa rin ako sa cellphone ko, halos isang oras pala ako dito.
YOU ARE READING
If I Believe You
General FictionIt's really hard to believe when you already knew the person is lying, you already knew the truth, you just can't believe.