Isa ito sa mga araw na sadyang banas na banas ako. Punyetabels! Nagdadabog akong umalis sa lugar na iyon.
That jerk! Lamunin sana siya ng lupa! Napakasama niya talaga!
"Hoy Isabel! Hoooooooy! Baklang to! ano ba nanaman ang nangyari sayo at ganyan nanaman ang kinikilos mong lukaret ka?!" hindi ko pinansin ang pagtalak ng bestfriend ko habang hinahabol ako. Nagpatuloy ako sa pagdadabog at iniwan siya.
"ISAAAAAAAAA! Isa pa ISABEL!! MASASAPAK KA SA AKIN KAPAG INABUTAN KITA." napatigil ako, naman! War freak yang si Joanne eh, baka totohanin sayang ang fez. Haha
"Salamat at natauhan ka rin. Ano bang nalamon mo at ganyan ka nanaman?" humalukipkip ako sa harap niya habang umuusok pa rin ang ilong ko sa inis.
"Pagsabihan mo yang kuya mo Joanne ha. Ako talagang iritang irita na sa kanya. Punyeta siya kamo."
"Bakit nanaman? Alam mo simula nang ipakilala kita sa kanya 3 months ago, wala na kayong ginawa kung hindi ang magbangayan. Para kayong aso't pusa. Away ng away. Aba aba. Ang tatanda nyo na for goodness sake!" then she rolled her eyes on me.
"Wala akong kasalanan kaya wag ako ang pagalitan mo. Aba Ann, yang magaling mong kuya. Nakakarami na sa akin. Pagkadating ko kanina sa bahay nyo hinahanap lang kita. I wouldn't have talked to him in the first place. Aba! Nilait lait ang fashion sense ko? Sinabihan akong mataba at puno ng stretch marks?! Bakit? As is naman ang pogi pogi niya kung makapanghusga. Tae, ang tagal ko nang nagpipigil diyan sa unggoy mong kuya ha?!" dirediretso kong litanya.
"W-what?! Hahahahaha He.. He.. Hahahahaha told you.. Hahahahahahaha t-that?" tawa ng tawa naman tong lukaret na to.
"Anong nakakatawa Miss? Punyeta yang Kuya mo. Wala nang napansin kung hindi ang itsura ko. He's making fun of me always."
"Don't mind him. Hahahaha- Opps, sorry can't help it. Hahahaha" hinawakan pa niya ang tiyan niya for emphasis.
'Haist! Magsama kayo ng kuya mong sinto sinto!" nagdabog na ulit ako paalis. I need ice cream! Sobrang nas-stress na ako sa magkapatid na to.
"Hey! Chill ka lang! Wait." hindi ako tumigil sa paglalakad. Nang biglang may humablot ng kamay ko at iniharap ako sa kanya. Napatingala ako. Aba't!
"O bakit ka nandito Unggoy?! I don't have time to waste on you jerk!" nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya. Pero hindi siya sumagot instead he pulled me.
"Ano ba? Punyeta naman oh! Bitawan mo nga ako?" nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang convenience store. Binalibag niya ako sa harap nun. Pumasok siya sa loob. Hinihimas himas ko pa yung braso ko.
Ang higpit niya humawak bwisit na unggoy yun!
Aalis na sana ako nang bigla siyang lumabas ng store at lumapit sa akin. Idinuldol niya sa mukha ko ang half galon na strawberry ice cream.
"Anong gagawin ko diyan?"
"Labhan mo." he said without looking at him. I just stared at the ice cream he's offering me. "You're really stupid and ugly. Sayo yan." muli niyang idnuldol sa mukha ko yung ice cream.
"T-thank y-you." I was stammering. Hindi ko kasi inasahan na gagawin niya to. Paano niya nalaman na ice cream ang kailangan ko at this moment?
"Wag ka na ngang magduda diya. Just get this so that I can go home." kinuha ko yung nakaplastic na ice cream and with that he went away.
What the hell is that? Tangna kahit na hindi kami okay, ugh! Whatever. Stop thinking nonsense Isabel. Unggoy pa rin yan. Unggoy na mahilig mangasar.
