CHAPTER 2

19 2 0
                                    

chapter 2.

Maagang nagising si Serine dahil may uaapan sila ni Alissa ngayon na mag jogging. Pero bago siya babangon ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at nag selfie. Agad niya pinost yun sa kaniyang IG story at ang caption ay woke up like this saka siya bumangon para mag toothbrush at mag half bath para magising na siya sa katotohanan charot. Nag half bath siya para kahit papa ano ay magising ang katawan niya.

Hindi muna siya kakain para hindi sumakit ang riyan niya habang nag jo-jogging sila ni Alissa.

Pagkatapos niyang nag half bath ay pumunta siya sa kaniyang walking closet at kinuha ang kaniyang susuotin.

Sinuot niya ang kaniyang adidas sports bra, adidas leggings, adidas socks, adidas jacket  and her adidas rubber shoes. Pagkatapos nun ay inayusan niya ang kaniyang mukha dahil mas lalo siyang gumaganda pag nag lalagay ng make up sa mukha niya.

Pagkatapos nun ay hinanda niya ang kaniyang airpods and tumbler. Nang natapos niyang iready lahat ng dapat niyang iready ay tamang tama ay nag ingay ang doorbell ng kaniyang condo.

Nang buksan niya ang pinto ay si Alissa iyon. "let's go?" ani ni Alissa. "yeah, lets go" anito.

Naglakad lang sila papunta sa park kung saan maraming nag jo-jogging dahil yun ang sikat na park para sa mga mag wowork out.

Nang nakarating sila doon ay  niready na nila ang kanilang airpods at nag simula na sila agad. sa pag jo-jogging. Kada napapagod sila ay pumupunta sila sa iniwanan nila ng kanilang tumbler at umiinom rito. Minsan kung hindi nila ttip mag jogging ay nag wa-walking sila or nag ba-biking.

Nang naka 8 rounds sila ay naisipan na nila na huminto at mag pahinga. "nakakapagod" ani ni Alissa. "sinabi mo pa" ani ni Serine. "tara sa starbucks na tayo mag breakfast" ani ni Alissa.
"tara, buti nalang nagdala ako ng pera" aniya.

Malapit lang naman ang starbucks sa park kaya nag lakad nalang sila. Nang nakarating sila sa starbucks ay nag order na sila nang kanilang i be-breakfast.

Sa halip na kape ang ioorder ni Serine ay ang inorder niya ang hibiscus drink samantalang si Alissa ay cappuccino at cupcake.

Nang natapos silang nag order ay agad silang naghanap nang kanilang table. Pagkahanap na pagkahanap nila ay umupo sila dala dala ang kanilang inorder.

Habang sumisimsim sila ng kanilang inorder na drink ay nag uusap sila.

"well, what's your plan this summer? tanong ni  Alissa sakaniya.

"wala pa naman akong plano, e ikaw ano ang plano mo?" aniya.

"pupunta ako sa probinsiya namin ngayong summer" anito.

"ah ganoon ba?" aniya.

Pinagpatuloy nila ang pag inom sa kanilang drinks.

Wala talaga sa plano ngayon ni Serine na mag out of town dahil hindi niya yun trip sa ngayon.

"diba wala ka naman plano na mag out of town? what if--" hindi na natuloy ang sinabi ni Alissa nang bigla nag salita si Serine.

"no, no, no. Ayaw kong sumama sayo sa probinsiya. Alam mo naman na ayaw ko dun ang dami daming mga cheap na tao." aniya.

"sigurado ako na mag eenjoy ka dun" anito.

"i just said it, ayaw ko" aniya.

"mas fresh ang hangin don kaysa dito masyadong polluted'' anito.

"still no" aniya.

"please, sama ka na sa akin" anito.

"ayaw ko" aniya.

"for me" anito.

"still a no" aniya.

"please" anito. Pairing it with a puupy face.

"wag mo nga ako bigyan ng puppy face diyan"

"pretty please" anito.

"fine" aniya.

"yeheyy, im pretty sure mag eenjoy ka doon" anito.

Im pretty sure i am not. "kung di kita best friend di ko talaga to gagawin" aniya.

"you will" anito.

"by the way, ilang oras ba ang biyahe papunta sa probinsiya mo?" aniya.

"kapag mag cocommute 5 hours pero pag may service ka 4 hours lang, dont ya worry gagamitin natin ang car ko para mas mapadali ang biyahe natin" anito.

"good to hear, by the way samahan mo ako bukas mag mall at mamili ng damit para sa gagamitin ko sa probinsiya" aniya.

"sigee, ill go with ya. Anyways aalis na tayo the day after tomorrow" anito.

"what?! agad agad?" aniya.

"syempre" anito.

"fine" aniya.

Naubos na nila ang kanilang drinks kaya naman napag ispan nang dalawa na umuwi na para makapag pahinga.

Nag book muna si Serine ng grab taxi atsaka hinintay iyon. Nang nakarating ay nagpaalam na siya kay Alissa at dumeretso pauwi.

Nang nakarating na siya sa bahay niya ay pinakain niya ang kaniyang aso na si Max. Pagkatapos nun ay pumunta siya sa kaniyang banyo para linisin ang sarili dahil nababalot siya ng pawis at kalagkitan.

Feel niya na mag bath tub kaya naman ang ginawa niya ay bubble bath at naglagay ng mga scented candle sa paligid niya.

Habang nasa bath tub siya ay hawak hawak niya ang kaniyang cellphone habang chinecheck ang kaniyang social medias. Marami ang nag dm sakaniya sa kaniyang IG pero isinawalang bahala niya lamang iyon.

Pagkatapos niyang nag babad sakaniyang bath tub ay umahon na siya at tinuyo ang kaniyang sarili.

Nagsuot siya ng kaniyang pambahay at naghanda para mag pahinga sa kaniyang kama. Bago siya mag papahinga ay pumunta siya sa kusina para kumuha ng gatas para inumin iyon bago matulog.

Pagkatapos niyang uminom ng gatas ay hinanda niya na ang kaniyang higaan para matulog. Nahiga siya sa kaniyang kama habang nakatingin sa kisame at hindi niya namamalayan na bumababa na ang kaniyang mata at deretso na siyang nakatulog.

A/N: wait niyo po ang next chapter.

I Fell inlove Into A Province ManWhere stories live. Discover now