TOWP 01

90 24 8
                                    

SOBRANG AGA kong umalis ngayon sa bahay namin patungo sa school. First day of class ngayon kaya kailangang maaga ako syempre nakakahiya naman kung first day na first day late ako noh? Once in a school year lang ako hindi late kaya dapat sulitin na ang pagiging maaga.


I was standing in front of the gate our school, MY school actually. Ridley International School. Gate pa lang halata mo nang malaki ang vicinity ng school. Naglakad ako patungo sa classroom ko. As usuall maraming bumati sakin at nangangamusta nginitian ko na lang sila.


Pagpasok ko sa classroom all of their faces were familiar. Hinahanap ko sila Eli pero mukhang male-late sila at nagsabay-sabay pa ayos yan friendship goals. Umupo ako sa pinaka-last row sa may tabing bintana at kinuha ang earphone ko at nakinig na lang ng music habang hinihintay ang prof namin.


O kay sarap sa ilalim ng kalawakan~
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan~
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan~
Nating dalawa~
Nating dalawa~

Tanaw pa rin kita, sinta~
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala~
Sa tuwing nakakasama ka~
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata~

Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay~
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay~

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan~
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan~
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan~
Nating dalawa~
Nating dalawa~

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan~
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman~
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo~
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo~

Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali~
Buong paligid ay nasasabik sa ating--


"Good morning class. I'm Ms. Minchin your adviser for the whole school year. It's nice to meet you all.", nakangiting sabi nung adviser namin.


"Good morning Ma'am", sabay-sabay na bati namin sakanya.


Bago lang tong prof namin ngayon ko lang siya nakita. Ang irony naman Ms. Minchin ang name niya pero sobrang bait niya tignan hindi katulad dun sa palabas na-- Ano nga ulit yon? Basta masungit kasi yung role nung Ms. Minchin dun.


"Ok class, once I call your name please go in front and introduce yourself and please include your age as well.", mahinahong sabi ni Ms. Minchin.


Umingay sa loob ng classroom dahil maraming umangal sa sinabi ni Ms.


"Ano ba yan introduce na naman paulit-ulit na lang nakaka-umay."

"Kilala naman na namin ang isa't isa bakit kailangan pa 'yan Ms."

"Don't tell me may talent portion pa 'yan?"


Ilan lang yan sa mga hinaing nila. I agree with them, eto ang pinaka-ayoko sa lahat, introduce yourself. Oo, friendly ako pero shy-type din ako lalo sa hindi ko naman gaanong ka-close. I hate being on the spotlight pero kahit gusto kong maging lowkey ang profile ko eh hindi mangyayari 'yon. Sino ba namang hindi makakakilala sa anak ng may-ari ng school hindi ba? And take note ni-isa wala akong kaaway, good girl ako eh.

The One Who PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon