TOWP 03

38 18 0
                                    

Stella

"Jayden.", sabi niya at inilhad ang kanyang kamay sa akin.


"Stella", nakangiting sagot ko at inabot ang kanyang kamay. May kakaiba talaga akong feelings sakanya I can't explain kung ano pero nawala lahat ng inis ko nung nakita ko siya.


"Merong naka-upo dito pero since sa iba siya umupo you are free to sit here tutal wala namang ibang vacant seat.", sabi ko sakanya.


"It's nice to hear that.", sabi niya saka inayos ang kanyang mga gamit at umupo na sa tabi ko. Mukha naman siyang friendly at dahil wala namang pinapagawa si Miss kakausapin ko na lang si Jayden.


"Are you a transferee here? Ngayon lang kita nakita.", pag-uusisa ko.


"No, actually third year highschool na sana ako ngayon kaso I failed 3 subjects that's why kailangan kong mag-ulit ng second year highschool kung sana lang isang subject lang ang binagsak ko hindi na'ko mag-uulit.", pagkukuwento niya. So he is older than me, I guess.


"Hmm, can I ask bakit ka bumagsak?", nag-aalangang tanong ko sakanya. Baka kasi sabihin niya feeling close ako kaya nag-ask muna ako ng permission. If ayaw niya it's ok lang din naman.


"Oo naman haha, maloko kasi ako eh. Hindi ko masyado inintidi yung pag-aaral nalibang sa pagbabarkada tapos minsan nagdiditch pa kami ng classes. Ewan ko ba kung bakit sila nakapasa ako lang hindi.", sagot niya.


"So friends influence?", I asked again.


"Well, I guess yes.", he answered.


Iba talaga ang impluwensya ng mga kaibigan lalo na kung bad influence sila. Buti na lang swerte mga kaibigan ko sa'kin kahit medyo B.I. ang iba sa amin eh medyo na-aadopt nila yung pagiging good girl ko hahaha. F.O. na tayo kapag may kumontra char!


"Sama ka samin later sa breaktime ipapakilala kita sa mga friends ko.", pag-aaya ko sakanya.


"Sige that's a good idea. By the way may mga ginawa na ba kayo kahapon?", nakangiting tanong niya.


"Hmm wala naman puro lang introduce yourself ginawa namin. Ay, meron pala! Magrereport mamaya sa time ni Sir Reyes yung prof natin sa Science by partner yun.", sagot ko. By partner pero wala akong kapartner nice.


"Siguro pwede ko namang kausapin si Sir tapos magsolo report na lang ako no?", tanong niya.

The One Who PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon