"PAGOD"
By:BeabangengePagod nakong magpangap na masaya, pagod nakong paniwalain ang sarili ko lahat ng nangyayari ay nakatakda.
Pagod nakong pilitin ang sariling ngumiti sa harap ng iba, para masabing ako ay walang sakit na dinadala.
Pagod nakong bitbitin at suotin ang maskarang nag papakitang wala akong problema.Kahit na ang totoo sa likod ng maskarang parating nakadikit sa mukha ko ay, ang mata kong maga dahil sa mga luha. Mukha na sa unang tingin palamang ay mararamdaman mong may poot na dinadala.
Pilit na kinukubli ang tunay na nararamdaman, dahil sa takot na baka mahusgahan at masabihan ng kung ano ano pa man.
Pagod nako sa sitwasyong ito, nais kong ilabas ang problemang dinadala ko. Ngunit naalala ko, sino nga pala ang taong sasabihan ko?
Dahil sa tuwing nag hahayag ako ng damdamin ko, nariyan ang segundang salita nila na
"nagdadrama ka lamang" "sus ang drama mo".Kung kaya't kahit pagod na ako sa sitwasyong ito , wala kong ibang pag pipilian kundi suotin muli ang maskara at mag panggap na masaya.
Dun ko lamang napag tanto na kahit pagod na pagod kana sa isang pangyayari, kung walang gusto tumulong sayo para makaalis sa sitwasyong yon, wala kang pagpipilian kundi tiisin ang lahat ng nararamdaman. at antayin nalamang na ikaw ay tuluyan ng mawalan ng kamalayan.
YOU ARE READING
Trying Hard Poetry
PoesíaI will put here my poetry. hindi sya kagandahan I know but, I just try to write it sometimes when I am bored.