PROLOGUE
Bakit nga ba The Last Serenade? Well, syempre basahin niyo muna itong story na 'to. (HAHAHA)
Highschool life. Nandyan ang mga moments na masaya, may times na malungkot, at syempre yung di mo maiiwasang mainlove ka. Sabi nga ng teacher namin, "ABNORMAL daw ang hindi pa nakakaexperience MAGMAHAL" Totoo nga siguro yun. Pero, may ilan talaga na focus sa mga studies nila. Well, tama nga naman yun. Pero paano nga pag dumating yung taong makakapagbago sa buhay mo? Mapipigilan mo kaya? Hindi rin naman natin 'yan masasabi. Kasi kahit paminsan, takot ka magmahal kasi ayaw mong masaktan. Am I right? Yung iba diyan kahit talagang gusto nila, hindi maamin. Ewan ko ba? (HAHA) Siguro dahil hindi pa sila sigurado o naguguluhan pa sila sa nararamdaman nila dahil ang LOVE ay di minamadali. May right time sa lahat ng bagay.
Iba't iba naman kasi tayong mga tao. We all have our differences and we all have our own likes and dislikes. But do you know how do we get blinded by LOVE? "It is when we find someone who doesn't meet any of our standards. Yet, we still fall." Tama diba? May mga tao kasing ganyan. Yung tipong sasabihin mo na, "BAKIT KO BA SIYA NAGUSTUHAN?" Yung iba na sinasabi maghihintay pero bakit kailangan sumideline sa iba? Pangit naman yun. Kung maghihintay ka, hindi mo dapat pasinin yung iba. Dapat maging loyal at yung taong ma-effort at talagang sincere sa'yo. May ibang nagsasabing maghihintay, pero hindi naman kayang panindigan. In short, puro salita. Kailangan balanse. LOVE is not about how long you can wait for someone, but how well you understand why you are waiting.
In terms of friendship naman, di maiiwasan yung may konting tampuhan. Yung iba minsan pinag-uusapan ka kung wala ka. Pero, alam mo dapat yung limitations mo. Dapat no secrets kayo sa isa't isa in order to gain trust. Pag nagkalovelife ka naman, huwag mo kalimutan yung mga kaibigan mo. Kasi sila yung unang nandyan para sa'yo. Lalo na pag naheart broken ka diba? Sila lang ang taong makakapagpasaya sa'yo kahit na punumpuno ka na ng problema sa buhay.
Lahat tayo, aminin man natin o hindi, we all long for that warm cheesy feeling of being in love. Ang pag-ibig, isang napakaikling salita pero grabe naman ang impact nito sa buhay ng isang tao. Iba ang crush sa love. Ang crush, oo may mga feelings tayo na nararamdaman na hindi natin ma-explain para sa isang tao. Pero ang crush kasi, depende yan, may pinipili yan. Swerte mo na lang kung yung crush mo eh gusto ka din. Eh paano kung hindi? NGANGA. Nasasaktan ka ng di oras kahit wala naman talagang dahilan para masaktan.
Pag-ibig. Yun ang hintayin mo. Ang pag-ibig kasi, walang pinipili yan. Walang maganda, panget, mayaman, o mahirap. Hinding-hindi basta mararamdaman yan ng isang tao kung hindi totoo. Sabi nga ni Paolo kay Jersey sa TDG , "Huwag mong hanapin, hintayin mo."
Minsan mo lang mararamdaman yan at kapag nandyan na yan at alam mong totoo na talaga, huwag mo nang palampasin pa. May isang tamang quote nga na nabasa ko. "Hindi minamadali ang mga bagay. Lahat ng BAGAY nakakapaghintay. Kung di SIYA makapaghihintay, di kayo BAGAY."