Part 01

7 2 0
                                    

"Babe! Babe!" tawag ko sa boyfriend ko habang nagsasapatos

"Hmmm" umungot lang ang loko

"Babe! I'm late! Aalis na ako. Pinaghanda na kita ng breakfast mo sa baba." sabi ko sa kanya at humalik sa pisngi at umalis, "Babeeee! I'm goiiing!" Sigaw ko pang isa

Napatingin ako sa relos ko at 5 minutes na akong late!

"Shit!" tumakbo na ako papunta sa kotse, paspas na ang pagmamaneho ko dahil talagang late na ako

Pagkarating ko sa Auroxa Company  ay mabilis kong naipark ang sasakyan. Lakad takbo na ako papuntang elevator para makasakay papunta sa area ko.

"Good morning Ma'am!" Kaliwa't kanan naman ang bati sa akin ng ibang empleyado

Paulit ulit naman ang tango ko sa kanila, hindi ko masagot ng maayos dahil talagang nagmamadali ako

Pagkarating ko sa opisina ay nadatnan ko si Grayson Emmett Alaric. Chairman siya at ako naman ang CEO (Chief Executive Officer)

*Chairman ay mas mataas sa CEO

Nginisihan naman niya ako at umirap naman ako, "you're late again, gusto mo na bang bumaba sa pwesto?" Tanong niya sa nang-aasar na tono

"Are you sure that this Company are ready to change the President?" nang-aasar ko din sa kanya

Alam naming pareho na kapag wala kami ay walang mangyayare sa Company

Si Grayson ay nag-iisang anak at parehong wala na ang mga magulang. Kaya sa kanya naiwan ang Company. Maraming gustong kunin sa kanya ang Company, hindi lamang nila makuha dahil naka state sa Will na walang pwedeng kumuha o kahit na ang tumapak ang ibang pamilya nila sa territory ng kompanya. Maganda ang pagpapatakbo sa kompanya kaya maraming nag aasam na mapasakanila ngunit hindi sila pinagkatiwalaan ni Tito Greg. Tanging kami lang ni Grayson ang pinagkatiwalaan ni niya.

"Annabella Aria Sonella, CEO" basa niya sa name plate sa table ko

"What do you want?" i asked without hesitation

Ganto kami mag usap parang nagbabangay at deretso kung anong pakay na sasabihin sa isa't isa.

"Tito Mel wants me to get married" panimula niya

"Why? Ang bilis naman?"

"Bata pa ako para sa ganoong bagay, bata pa din nga ako ng nabigyan ng malaking responsibilities, what should I do Bella?" malungkot na aniya habang nakatingin sa malayo

"I don't know. Wala ka namang girlfriend, so, you should court someone" suggest ko, nagkibit ng balikat.

Napatingin naman siya sa akin, na parang may mali sa sinabi ko

"What?" angil ko

"They want us Bella," nagulat naman ako sa sinabi niya!

"Whaaat Grayson!?" nanlalaking mga matang gulat tanong ko at naipatong ko ang dalawang kamay sa table!

"Yes. You heard me. They want us, para daw hindi bumagsak ang Company"

"B-but Gray," hindi ko maituloy ang sasabihin ko napaiwas ng tingin

Lumapit siya at hinawakan ako sa magkabaling pisngi, at alam kong namula ako sa ginawa niya!

"I know that you don't have any feelings for me Bella, but please at least give me more chance, I'm so sorry for what I did"

"Gray, hindi ba nila alam na wala na tayo?" Tanong kong nakatingin sa mga mata niya

"No" iwas ng tinging sagot niya, binitawan ang pisngi ko at pumunta siya sa may bintana

Why's and How's [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon