Kabanata 1

10 0 0
                                    


Anniella's P.O.V

I lay in bed, looked out the window and watch the sunrise Kung wala sigurong bintana ay mababaliw na talaga ako sino ngaba ang hindi? Nakakulong lang naman kasi ako dito sa kwarto mag iisang buwan narin.

Hinahatdan lang ako nang pagkain ni yaya tuwing umaga, tanghali at gabi. Sinubukan ko kasing tumakas noong nakaraang buwan pero nahuli ako nang mga body guards at sinumbong sa amo nila kaya ikinulong ako dito sa kwarto.

As far as my memories concern 10 years old palang ako nang may dumakip saakin at kinulong dito sa mansyon na hindi ko alam kung saang parte nang mundo. I can't even remember my parents name nor my real name. Well that was 13 years ago and though it was kinda blur alam kung malinaw na malinaw na kinidnap ako.

nay mahihinag katok akung narinig kaya Inayos ko muna ang sarili saka presentabling umupo sa kama. Hindi naman kasi ako ang magbubukas nang pintuan dahil nasa labas ang lock nito.

Nakita ko si yaya mel na maydalang tray nang pagkain.

" I'ha kumain kana" sabi nito at tumingin saakin.

"Ya nasabi mo po ba sa amo nyo kung kaylan ako makakalabas?" Ngumiti siya saakin at tumango.

"Pwede kana daw makalabas, nako wag monang ulitin yung pagtakas mo at baka makulong ka nanaman dito" tumango ako kay yaya mel at ngumiti nang pagkalapad.

Hindi kasi biro ang makulong sa kwarto nang isang buwan Buti nga at may mga libro ako para kahit papano may pamatay oras ako at shempre may matotonan na din.

"Wagkang gagawa nang kalukuhan annie baka paginitan kananaman ni sir" concern na sabi ni yaya mel. Siya lang palagi kong nakaka usap dito sa bahay at siya rin ang nag aalaga sakin para kona siyang nanay medyo matanda na kasi ito.

At dun sa sir na sinasabi nya? hindi ko pa nakilala at nakita hindi kasi yun dito naka tira ako lang at mga guards pati kasambahay lang ang nandito.

"Opo ya" iniwan na ako ni yaya mel at tinignan ko ang pintuan naka bukas ito kaya nagmadali akung kumain at pagkatapos ay naligo.

Napaka saya ko dahil makakalabas na ako. Malaki laki rin kasi ang bahay dito semi-mansion ang peg nito.

Isang oras ko rin na nilibut ang bahay nang mapagud ako umupo ako sa sofa namin sa sala at nanuod nang TV. Mas mabuti na ito kumpara don sa kwarto ko na walang TV, walang Gadgets purely books lang talaga.

Tumayo ako sa sofa at pinuntahan si yaya mel sa kusina pagkatapus kung masawa sa panunuod malapit nading magtanghalian.

"Yaya mel" tumingin ako sa paligid.

"Oh gutom kana ba?" Umiling ako at tumingin sa kanya.

"Ya? Yang mga camera po ba na nakasabit sa bawat sulok nang bahay ay naririnig tayo?" Tumingin sakin si yaya na nagtataka

"Bakit mo naman na sabi?"

"Wala lang po curious lang po ako kung ang nanunuod nyan ay naririnig tayo" kibit balikat kong sabi rito.

" hindi naman iha oh sya umupo kana at kumain may bago akung libro na binili para sayo at pati yung gusto mo" agad nagliwanag ang mukha ko.

"Talaga po? Yung libro nang titanic? Yung palagi nyong kinukwento sakin? " masaya kong sabi tumalon pa ako at pumalakpak gusto ko kasing mabasa ang libro na iyon na ekinuwento ni yaya mel saakin. May movie ngadaw eh pero prefer ko sa book.

"Oo kaya kumain kana at ibibigay ko sayo mamaya" lumapit ako kay yaya mel at hinagkan siya sa pisngi saka umupo at kumain.

Home schooled ako at naka graduate narin nang business administration last year kaya medyo wala akong ginagawa pwera nalang sa pagbabasa kaya ko nun naisipang tumakas dahil gusto kong makita kung anong meron sa labas puro puno lang kasi ang nakikita ko para kaming nasa gubat.

Sabi ni yaya maganda daw sa labas maraming tanawin at malalaking building nakaka excite.

Kailan kaya ako makakalabas dito?

Hindi naman ako galit sa kumidnap sakin Oo alam ko na baliw pakingan pero sabi ni yaya hindi naman daw ako kinidnap kinupkup daw ako dahil may mga taong humahabol saakin kaya nila ako tinago para ma protektahan.

Pagkatapus kung kumain nag punta ako sa pool area para magpahangin hawak hawak ko narin ang librong binigay sakin ni yaya kanina pagkapus kung kumain.

Pumikit ako at huminga nang malalim tsaka ngumiti.

Umupo ako sa gilid nang pool at saka inumpisahang magbasa nang may naramdaman akong nakatingin sakin.

Agad akong tumigil at inangat ang tingin saka ito nilibot sa paligid.

Guni guni kolang siguro

Halus tatlong oras din akong nadoon at nagbabasa lang hindi nga ako nagkakamali ang ganda nang storyang ito hindi ko pa natapus ang libro pero medyo nagutom ako kaya tumayo ako at pumasok na sa bahay.

Pinuntahan ko agad si yaya mel sa kusina pero wala siya don si yaya tasing ang nanduon ngumiti ito sakin.

"Nagugutom kaba Maam? Gusto mo ipaghanda kita nang meryenda?" Ngumuso ako at napa simangut

" Annie nalang po yaya tasing" ngumiti ito at tumango.

"Napaka ganda at napaka bait mo talaga Iha" uminit ang pisngi ko sa papuri nito.

"Yaya naman eh"

"Abay totoo naman kung ganyan ako kaganda ay mag aartista ako" napakunot ang noo ko.

"Ano po ang artista?" Tumawa ito at tumingin sakin

"Yung napapanood mo sa TV na uma'arte sila ang mga artista kay gaganda at gugwapo" humagikhik ito na ikinangiti ko.

"Ganun po ba? Pasok po ba ako sa pag aartista?" Nag pose pa ako sa harap nito mayamaya ay sabaw kaming natawa.

"Nakuuu Pati pag momodelo pasok na pasok" ngumiti ako nang malapad.

"Yung pag momodel po ba na mag pose lang sa harap nang camera ay magkaka pera na?" Tumango ito

"Oh sya ito kumain kana"

"Salamat po"

Kumain na ako nag meryenda feeling ko ang taba taba kona tulog, basa at kain lang ginagawa ko araw araw nakakahiya para akong seniorita dito sinubukan ko naman tumulong sa gawaing bahay pero pinagalitan ako ni yaya mel dahil nagalit daw ang amo nila.

Napaka babae naman nun diba?

"Nga pala Iha" napatigil ako sa pagkain at tumingin kay yaya tasing

"Lilipat kana next week sa manyon" napa nga nga ako sa narinig.

Manyon? Kaninong mansyon?

Agad akong nakaramdam nang kaba.

"Bakit po?" Hindi ko alam kong anong dapat kong erereact dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko nagtataka din ako kung bakit ako elilipat.

"Utos ni sir "

Mas lalo akong nakaramdam nang takot. Dun din ba nakatira ang sir na sinasabi nila? Gusto ko sanang itanong pero hindi ko mabukas ang bibig ko dahil narin siguro sa gulat sa kaba at takot na ngayun ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.

Wala sa sarili akong napa tingin sa camerang nasa unahan at tinitigan ito.

Sino kaba talaga?

©️Yoursweetness

The Desire Play of the BillionaireWhere stories live. Discover now