Seven

85 0 0
                                    

Alia' POV

Andito ako ngayon sa classroom. Excited na ko. Hahaha! Makukulit ko na ulit si Tristan!

Paglabas ko ng room namin, hindi ko alam na ganto ang bubungad sakin..

Nawala ako bigla sa mood.

Si Tristan at Nica...

"Uy bes! Okay ka lang ba?" Tanong ni alyssa saakin. Halata sa mukha niya ang pag-aalala sakin.

Kaya ngumiti akong tumingin sakanya. Ngiting punung puno ng lungkot.

"Ha? O--oo! Ano kaba. Ayos na ayos lang ako. Tara!" Dire-diretso kaming naglakad ni alyssa patungo kina tristan at nica. Kahit gaano ko man kagustong takasan 'tong sitwasyon na to.. Wala akong magagawa. Dahil ito lang ang tanging daan papunta ng cafeteria.

Ano bang meron sakanila? Sila naba? O sila ba? Hay ewan.

Dinaanan lang namin sila Tristan at Nica na para bang wala kaming nakita. Ayokong ipahalata sakanya 'tong nararamdaman ko. Unang una, halata naman sakanya na hindi niya ko gusto. At pangalawa, wala siyang pakialam sakin.

Hindi ako yung tipo ng babae na naghahabol sa lalake. Hello? Ngayon lang. At sakanya lang.

Marami na akong naging karelasyon pero ni isa doon, walang tumagal saakin. Hindi ako makuntento sa isa.

Narealize ko din nitong mga nakaraang araw na hindi ko naman pala talaga ganon kamahal si Rjay. Hindi ko lang siguro matanggap na sa unang beses ay may nanloko saakin.

Akalain mo yun? Isang Alia Jane Chua na ang nasayo, lolokohin mo pa?

Walang tumatagal saakin dahil ako mismo ang nakikipaghiwalay sakanila. Lagpas 20 or 30 na siguro ang nakarelasyon ko.

Kasi pag ayoko na sa lalaki ay hinihiwalayan ko na ito at kinabukasan may boyfriend nanaman ako. Pero never pa kong nagdala ng lalaki sa bahay at ipakilala sa parents or family ko na boyfriend ko yun.

Ayoko at hindi pa pwede.

Ayoko kasi never pa naman akong nagseryoso na sobrang seryoso. Gets niyo? Ayoko magdala sa bahay ng lalaki tapos pansamantala lang naman kami and hindi ako sure sakanya kung tatagal kami. Hindi pwede kasi ayaw ng dad ko na magboyfriend na ko. Pero yung mom ko, okay lang naman sakanya.

Back to Tristan. Ayoko namang ipagsiksikan ko yung sarili ko sakanya habang pinapamukha niya naman sakin na hindi niya ko gusto. And besides mukhang may namamagitan na sakanilang dalawa ni Nica. Pero ewan ko. Wala akong plano at hindi ko kayang kontrolin 'tong nararamdaman ko.

Hindi naman pwedeng sabihin ko sa sarili ko na "wala na kong gusto kay Tristan at marami pa naman dyang iba." Tapos yung sinasabi ng nararamdaman ko "Gustong gusto kita tristan, ikaw lang wala ng iba." Oh diba, edi nagmukha naman akong praning non.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni alyssa sakin. Hay. Ang bestfriend ko talaga oh.

Ngumiti ako sakanya at sinabing "Okay lang ako no. Tara na malapit na tayo. Baka hinihintay na nila tayo."

"Ahh.. bes? Wag mo ipapahalata yan sakanila ah. Mag-aalala kasi yung mga yun tsaka ano bes.. Baka kasi... alam mo na. Baka may mangyaring hindi mo gusto or hindi natin magustuhan."

Nagets ko naman ang sinabi niya. May point din siya. Ayoko din namang mag-alala pa sakin ang WG. Tsaka baka pag nalaman pa nila ang tungkol dito baka may gawin sila kay Tristan or kay Nica. Ewan ko. Hindi natin alam. Ayoko namang umabot sa ganun ang lahat.

Kaya itatago ko muna tong nararamdaman ko . Pero hindi ganon kadali. Kilala ko sila. At kilala nila ako. Alam nila kung may problema ako o wala. Hindi naman pwedeng ibulsa ko to at doon muna itago lahat ng feelings ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A DREAM GIRL TYPE AND A WEIRD GUYWhere stories live. Discover now