2016

51 2 1
                                    

2016 
(story)

Una ko siyang makilala noong August 29, 2016. Senior high student ako noon at simple lang ang pamumuhay ng una ko siyang makita. Hindi ko alam kung bakit pero bigla niya na lang nakuha ang atensyon ko. Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng Mang Ding's kasama ang mga kaibigan niya ay hindi ko kaagad maalis ang tingin ko sa kanya.

Ang ganda niya...

Iyan ang una kong sabi ko sa sarili ko pero sino ba ako para umibig sa katulad niya kung halata naman sa pananamit at kilos niya na mayaman siya. Hindi katulad ko na mahirap lang at nagta-trabaho para matulungan ang pamilya ko. Hindi din ako gwapo katulad ng ibang lalaki diyan, na maganda ring manamit at kahit paano matatapatan ang ganda niya.

Nung maupo sila ng kaibigan niya sa kalapit na mesa, hindi ko maiwasan na kumuha ng nakaw na tingin sa kanya. Naka-ngiti siya pero hindi sa akin kundi sa kasama niya. Hindi ko maiwasang tingnan siya paminsan-minsan kahit napapansin na ng mga kasama ko na parang lutang ako at hindi na napapansin ang mga sinasabi nila.

"Hi!" Bati ng lalaki sa kanila.

"Pwede ko bang mahingi ang number mo?" Tanong nung lalaki at bigla namang inasar ng mga kasama niya ang babae. Tumango ito at kinuha ng babae ang phone nung lalaki at saka tinipa ang numero nito sa cellphone nito.

"Oo nga pala, ako nga pala si Ryan." Pagpapakilala ng lalaki.

"Isabelle," sagot nito habang nakangiti sa lalaki.

Nung mga oras na iyon hindi ko maiwasang hilingin na sana ako na lang ang nasa posisyon ng lalaki. Sana nagawa ko din magpakilala kay Isabelle kagaya nung lalaki pero hindi ko magawa dahil syempre natotorpe ako.

Pero kahit na ganoon...hindi ako nawalan ng pag-asa dahil makalipas ang ilang buwan ay muli ko siyang nakita pero ngayon iba na ang kasama niya. Si Ryan. Magkasama silang dalawa ng pumunta sila sa Happy Bee, kung saan ako ay nagta-trabaho. Magkahawak sila ng kamay habang nakangiting sinasabi ang order nila sa akin.

Hindi ko maiwasan magselos pero sino ba ako para makaramdam ng ganoon? Dahil kung tutuusin, wala naman dahil nung una ko siyang makita ay wala akong ginawa para makilala niya ako. Pangalawa, hindi ako tatapat sa standards niya dahil hindi naman ako ka-gwapuhan at mahirap lang ako baka kung mag-date kami ay kapos pa ako sa pamasahe para lang makapunta ako sa date naming dalawa.

Napabuntong hininga na lang ako at nilinis na ang mga pinag-kainan nung mga umalis. Sakto naman sa pag-alis ko ay umupo sila sa kakalinis ko lang na table.

Pero kahit na ganoon ang nararamdaman ko...

Hindi ko pa rin maiwasan na magnakaw ng tingin kay Isabelle at hangaan ang kagandahan niya. Lalo na't kapag ngumingiti siya ay napapangiti din ako at hindi maiwasang humiling na kahit hindi ko 'man siya makausap kagaya ng ibang lalaki ay sana magkaroon na lang ako ng pagkakataon na makita siya kahit sa malayo lang.

Pero hindi natupad ang lahat ng iyon dahil simula ng araw na iyon ay hindi ko na siya nakita pa. Malungkot 'man pero tinanggap ko na baka pati yung hiling ko na iyon ay hindi talaga para sa akin kaya sinubukan ko ng kalimutan si Isabelle at tinuon na lang ang pansin sa trabaho at sa pag-iipon ng pera pang-kolehiyo.

Pero lumipas ang ilang buwan at dumating ang buwan ng Disyembre. Busy ang mga tao sa pagsalubong sa new year noon pero ako eto't nagta-trabaho pa din sa araw na iyon at hindi maiwasan isipin kung kamusta na si Isabelle.

"Hi sir! Welcome to Happy Bee!" Bati ng kasama ko sa trabaho at kinuha ang order ng isang lalaki na pamilyar sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Ryan na may kasamang ibang babae na nakahawak sa kanyang braso. Naguguluhan 'man ako ng mga oras na iyon ay hinayaan ko na lang kahit na gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit iba ang kasama nung lalaki. Buong shift ko ay pilit kong itinuon ang atensyon sa trabaho kahit laging sumasagi sa isip ko ang mga tanong na alam kong hindi naman masasagot.

Short Stories and PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon