Her

5 0 0
                                        

Her
(story)


Trigger Warning: may contain scene/s that depict or mention self-harm or suicide. Read at your own risk.

Everyone has a different side of their story. They always say that they're okay when they aren't, some would say that they live a happy and perfect life, but they don't, some would pretend and tell that they're sad and is living a miserable life but is enjoying the time of their lives and destroy other people. We all live differently and we tell different stories from parts of our life.

Except her...

No one knew Daniella's story, but everyone knows that she is a cheerful type of person and that she's too nice and always ready to help or listen to someone else's problems. She shows genuine care like no other and helps you without a second thought. She's like a ray of sunshine in our school, maybe that's why some of our batchmates hate her because she was always all smiles like we're not living in a chaotic world.

"Rianne!" Tawag sa akin ni Daniella pagkalabas ko ng room namin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang hawak ang mga libro ko na gagamitin sa susunod na subject.

"Ano...yung nakita mo nung nakaraan pwedeng 'wag mo sabihin sa iba? Ano kasi...wala namang nakakaalam na ganun yung sitwasyon ko." Sabi ni Daniella habang nilalaro ang mga kamay niya.

"Sige," sabi ko at maglalakad na paalis ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.

"Thank you Rianne," she said while smiling pero kung tititigan mo ang kanyang mata iba ang pinapahiwatig nito.

"Sige, una na ako." Sabi ko at umalis.

Dati wala akong pakialam sa mga taong katulad ni Daniella. I don't even care if you're on the verge of death basta ako ay itutuon ang pansin sa mga bagay na sa tingin ko ay mas importante pa kaysa sa buhay mo. But not until I saw her doing it again.

"Daniella!" Tawag ko sa kanya at pinigilan siya sa ginagawa niya sa bandang pulso niya.

"Rianne?" Nauutal at matunog ang kanyang paghikbi pero hindi naman matigil sa pagdugo ang kanyang mga sugat kaya agad kong kinuha yung first aid kit ko sa bag at ginamot ang kanyang sugat.

"Bakit mo ba 'to ginagawa? May problema ka ba? Wala ka bang kaibigan na masasabihan ng problema mo?" Tanong ko sa kanya pero patuloy lang siya sa paghikbi at pagpunas ng kanyang luha.

"Sorry...sorry..." paulit-ulit na sabi ni Daniella habang umiiling. Napabuntong hininga na lang ako at ng matapos gamutin ang kanyang sugat ay umupo ako sa tabi niya.

Patuloy pa din siya sa paghikbi at sa paghingi ng sorry pero nandoon lang ako at tahimik na nakamasid sa harap.

Hindi ko maiwasan na husgahan siya ng oras na iyon at tanungin ang sarili kung bakit niya ba ginagawa iyon pero nanatili akong tahimik at hinayaan siya na humingi ng pasensya ng paulit-ulit.

"Pwede bang tigilan mo na 'yang paghihingi mo ng pasensya?" Inis na sabi ko na nakapagpatigil sa kanya sa paghihingi niya ng sorry pero hindi ang kanyang pag-iyak.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ginagawa iyon? Ganun mo na ba kagustong mamatay?" Walang prenong tanong ko sa kanya pero hindi siya kumibo at patuloy lang sa paghikbi at pagpunas ng luha niya.

Naiinis ako at nahihirapan sa ganitong sitwasyon kasi hindi ko naman alam kung paano ko siya tutulungan kaya tumayo ako at tinanaw ang city lights habang tinatangay ng malamig na simoy ng hangin ang buhok ko ngayong gabi.

Nang mapansin kong tumahan na si Daniella ay sinulyapan ko ito saglit at humingang malalim bago magsalita.

"Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo at wala na rin akong balak alamin pa dahil alam ko namang hindi mo rin sasabihin ang problema, pero sana iwasan mo ng gawin ulit 'yon." Sabi ko sa kanya at bumuntong hininga.

"Alam kong mahirap ang buhay kasi sino bang nagsabi na madali ito? Wala naman, tama? At ayoko rin sabihin na lilipas din 'yan kasi kahit lumipas na iyan ay mayroong panibagong problemang kailangang kaharapin at ang tanging magagawa lang natin ay ang tumayo kahit na pagod na tayo at ayaw na nating lumaban. Kung kailangan mo ng masasandalan o ng masasabihan, 'wag kang mahiyang lumapit sa isang kaibigan at sabihin lahat ng mga problema. Hindi ko alam kung paano kita matutulungan pero kung ito ang paraan para hindi mo na iyon gawin ay makikinig ako. Susubukan kong intindihin kahit hindi ko naman alam kung anong nararamdaman mo." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit lalo siyang umiyak ng araw na iyon pero simula noon alam kong naging malaking tulong sa kanya ang payo ko. At nung akala ko okey na ang lahat...

"Nais makisimpatya ng eskwelehan sa napakabuting estudyante na ngayon ay namayapa na. Sana ay maging masaya na siya sa kanyang kinaroroonan." Sabi ng aming principal at may ilan akong nakita na nagpunas ng kanilang mga luha habang yung iba ay nakatungo lamang para makisimpatya.

Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito? Akala ko okey na pero hindi pa pala. Akala ko mas gumaan na ang mga dinadala niya kasi nasasabi niya ang mga problema niya pero hindi pala lahat. Akala ko lang pala lahat ng iyon pero hindi ko pa rin talaga alam ang buong istorya niya.

Nung mga oras na iyon habang nakatingin sa kanyang kabao ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil nagkulang ako bilang kaibigan niya. Wala ako nung oras na kailangan niya ako at hindi ko nagawang makita ang mga lungkot sa kanyang mata na pilit niyang tinago sa akin.

Short Stories and PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon