Breadwinner
(story)Madaming nagtatanong sa akin kung breadwinner ba ako ng family ko. Kahit ako napaisip kung ano bang ibig sabihin na maging breadwinner ng pamilya.
Noong tumuntong kasi ako ng high school, nabukas na ang isip ko na kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko. Mahirap lang kami at wala kaming sariling pag-aari. Ni sariling bahay ay wala kami pero kahit na ganoon ay kinakaya naming mamuhay sa kung ano lamang ang kaya namin.
May maliit na tindahan sina mama sa palengke pero di ito gaano kumikita dahil parati silang pinagdidiskitahan ng mga nagta-trabaho sa gobyerno. Mataas ang singil nila sa mga paupahan sa bayan kaya unti lamang ang naglalakas loob na mag benta roon lalo na't kaunti lamang ang mga taong bumibili sa bayan na iyon.
"Tiis muna tayo Danielle, Avy. Kaunti lang ulit ang kita natin sa tindahan kaya itlog muna ang ulam natin ngayong linggo." Sabi ni mama habang iniaabot sa amin ang mga pinggan at ulam.
"Hayaan mo ma kapag nakapasok ako doon sa pinag-applyan kong trabaho ay ililibre ko kayo sa masarap na kainan." Sabi ko kay mama at ngumiti dito kahit walang kasiguraduhan kung makakapasok ako.
Ilang beses na akong tinanggihan sa mga pinag-applyan ko ngayong taon. Naka graduate ako ng high school at panandaliang tumigil sa pag-aaral para tulungan sina mama pero hanggang ngayon ay wala pa din akong trabaho. Magte-twenty na ako ngayong taon pero hanggang ngayon ay puro pangako pa rin ako kina mama.
"Kamusta yung mga University na pinag-applyan mo?" tanong sa akin ni papa.
"Okey naman po. Antayin ko nalang po yung result sa July pero di po ako sigurado kung makakapasa po ba ako."
"Kapag nakapasa ka, ituloy mo na ang pag-aaral mo dahil iyan lang ang kaya naming maibigay ng mama mo." sabi nito sa akin.
Hindi ko magawang tanungin si papa kung bakit kailangan ko pang mag-aral, kung siya nga ay hindi din nakapag tapos. Pero iniisip ko din naman na makapagtapos balang araw hindi nga lang ngayon dahil gusto kong matulungan sina mama. Alam kong nabaon sila sa utang dahil sa pag gastos ni papa sa mga bagay na di naman namin kailangan.
Mahilig kasing mangutang ang papa ko at mahilig siyang igastos ito sa mga bagay na di naman kailangan. Minsan nga ay hindi na namin alam kung saan napupunta ang pera kapag tinanong namin ang mga kaibigan niya ay hindi naman nakibo ang mga ito at tinatago pa ang mga utang ni papa sa kanila.
Kaya pilit akong nagsusumikap para sa pamilya ko para maiahon namin ang sarili sa hirap. Pero hindi ito naging madali dahil nung matanggap ako sa trabaho ay ilang araw akong nahirapan mag-adjust sa trabaho. Ilang araw akong umiyak dahil sa Manager ko at ilang araw din akong tumatanggap ng mga tawag na parati akong sinisigawan ng mga customer sa trabaho.
Nung mga panahon na iyon, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko pero iniisip ko yung pamilya ko. Iniisip ko kung aalis ako sa trabaho, paano ang pamilya ko? Paano ang mga gastusin namin? Paano ko matutupad lahat ng pangarap ko at ng aking pamilya? Paano kami?
Kahit mahirap, kahit nakakapagod yung trabaho at masigawan sa trabaho ay nagpatuloy pa rin ako. Ako kasi ang inaasahan ng pamilya ko kahit hindi sabihin ng magulang ko o ng kapatid ko. Inako ko ang responsibilidad na matulungan ang pamilya ko kahit na anong mangyari. Kaya kahit madami sa mga guro ko ang nanghinayang sa pagtigil ko sa pag-aaral ay hindi ako nagsisi dahil alam kong para ito sa pamilya ko at ito ang makakatulong sa amin sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Short Stories and Poems
Krótkie OpowiadaniaCONTENT: 1. 2016 2. Beautiful 3. Breadwinner 4. Dear Anna 5. Live and Be Free 6. The Eldest 7. Death Nightmare 8. Her 9. I Love You 10. Janice 11. Pen and Paper